Skip to main content

Posts

SAAN ANG LABASAN ?

SAN PABLO CITY – Dati-rati,ang pangunahing referensya ng mga nagtutungo sa lunsod na ito ay ang malaking puno ng mangga sa dulunan ng Abenida Rizal sa harapan ng patyo ng simbahan sa liwasang lunsod. Katunayan nito, sa Donsol sa Sorsogon, sa Legazpi City, sa Albay at maging sa Naga City, at Pili sa Camarines Sur, pagsinabi sa bus conductor na San Pablo bababa, ay kaagad itatanong kung malapit sa “ Ess-Emm ( SM )’. Subali’t simula ng magbukas ng Satellite Office ang National Bureau of Investigation (NBI) sa 8-Storey Building, ay nagkaroon ng bagong pagkakakilanlan ang dulunang bahagi ng Avenida, sapagka’t ang mga panukulan ng M. Brion, ng Col. Lauro D. Dizon, at ng Artemio B. Fule, ay tinatawag ngayong “Labasan” dahil sa ito ang sinasabi sa tricycle driver na pupuntahan ng mga taga-ibang bayan na nagtutungo sa City Hall, “Sa Labasan” para maghintay ng sasakyang patungong Santa Cruz, Calamba City, at Tanauan City. ( Ben Taningco )

PGMA declares Oct. 1 as national holiday in celebration of Eid'l Fitr

President Gloria Macapagal-Arroyo has declared Oct. 1 as a regular holiday nationwide to promote cultural understanding and give Filipinos the opportunity to join their Muslim brothers and sisters worldwide in the observance of the Eid’l Fitr or the Feast of Ramadhan. The President signed Proclamation No. 1625 last Friday (Sept. 19) declaring Oct. 1, 2008 (Wednesday), as a regular holiday throughout the country “to promote national consciousness on the religious and cultural significance of the Eid’l Fitr (Feast of Ramadhan).” A three-day festival known as "Eid" or "Eid ul-Fitr," which literally means "the feast of the breaking/to break the fast," ends the observance of the holy month of Ramadhan. Eid’l Fitr is the first day marking the end of the 30-day fasting period of Ramadhan. The Office of Muslim Affairs (OMA) has determined Oct. 1, 2008 as the main date for the celebration of the Eid’l Fitr in accordance with the lunar calendar or the Islamic calend...

TALAKAYAN SA MAPANGANIB NA GAMOT

Si Provincial Administrator Dennis “DSL” S. Lazaro ang naging panauhing tagatalakay sa Drug Use Awarenes Forum na itinaguyod ng Tanggapan ni Vice Mayor Martin A. Ilagan noong nakaraang Biyernes ng hapon na ginanap sa session hall ng Sangguniang Panglunsod. Si Kalihim Rudy U. Laroza ang naging personal na kinatawan ni Mayor Vicente B. Amante sa nabanggit na talakayan na dinaluhan ng mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, samahang sibiko, at organisasyon sa paglilingkod sa Lunsod ng San Pablo . ( Ben Taningco )

KATANGIAN AT HINDI KASARIAN ANG BATAYAN

WOMEN POWER - Nasa larawan sina (mula sa kaliwa) City Treasurer Fredalyn A. Rubio, City Budget Officer Dormelita D. Ignacio, Human Resource Officer Elvira A. Celerio, City Accountant Lolita G, Cornista at Sangguniang Panlunsod Secretary Elenita D. Capuno na pawang ang antas ng tungkulin ay City Government Department Head (CGDH) batay sa pamantayang itinatakda ng Civil Service Commission..? Kuha ang larawan bago magsimula ang nakaraang regular na pagpupulong ng mga department head ng Pangasiwaang Lunsod ng San Pablo kung saan 25 porsyento ng mga puno ng ahensya/tanggapan ay kababaihan.? Wala sa larawan sina City Social Welfare and Development Officer Grace D. Adap at City Veterinarian Farah Jean Orsoli no. ( CIO/Pedrito D. Bigueras )

Gawaing Sibil ng 202nd IB

Sa ginanap na Cocktails With the Press sa Sulyap Restaurant sa Barangay Del Remedio noong nakaraang Biyernes ng gabi, nabatid mula kay Koronel Tristan M. Kizon na dahilan sa umiiral na kalalagayang pangkapayapaan at pangkaayusan sa CALABARZON, na ang Philippine Army ay nagiging abala ngayon sa mga gawaing sibil, tulad ng pakikipagtulungan sa malawakang gawaing sa muling pagpapagubat sa kapaligiran na itinataguyod ng mga yunit ng pamahalaang lokal, at ng mga tanggapan ng kongresista sa rehiyon, pagsasaaayos ng mga farm-to-market road, at rehabilitasyon ng mga nasisirang gusaling pampaaralan kung may nagdaraang kalamidad dito sa Katimugang Tagalog. Bilang commanding officer, nabatid din mula kay Kison na ang 202 nd Infantry Brigade, na bahagi ng 2 nd Infantry Division, ay mayroong organisadong quick response team para magsagawa ng mga rescue operations halimbawa ay may sasagiping mga natatabunan ng gumuguhong lupa, mga mamamayang nalalagay sa panganib ang b...

SUPORTADO ANG KAMPANYA LABAN SA PAG-ABUSO SA MGA BATA

Si Alkalde Vicente B. Amante, katulad nina Alkalde Eladio M. Magampon ng Alaminos, Alkalde Rollen I. Urriquia ng Rizal at Bise Alkalde Florencio Laraño ng Victoria, ay nagpaabot ng pakikiisa at pagsuporta sa itinatag na Anti-Child Abuse Foundation (ACAP) ni Optical Media Board Chairman Eduardo Luis B. Manzano na nagkaroon ng soft launching dito sa Lunsod ng San Pablo noong nakaraang Linggo ng umaga na itinaguyod ni Congresswoman Ma. Evita R. Arago sa Arago Farm sa Barangay Santo Niño, na dinaluhan ng mga pinunong bayan at lider barangay sa 3 rd Congressional District of Laguna. Kasama nila sa larawan si Gng. Eva R. Arago, ang butihing ina ng mambabatas. Ang official and formal launching ay gaganapin sa Maynila sa darating na Lunes, Setyembre 15. ( Ben Taningco )

ANTI-CHILD PORNOGRAPHY CAMPAIGN, INILUNSAD SA SAN PABLO

SAN PABLO CITY – Ganap na pinahahalagahan ni Optical Media Board Chairman Eduardo Luis B. Manzano na ang soft launching ng Anti-Child Abuse Foundation na kanyang itinatag ay tinangkilik ni Congreswoman Ma. Evita R. Arago ng ika-3 Distrito ng Laguna sa pamamagitan ng isang pagtitipong ginanap sa Arago Farm sa Sityo Baloc sa Barangay Santo Niño, lunsod na ito, noong Linggo ng tanghali na nilahukna ng mga punumbayan at mga pinunong barangay mula sa pitong (7) yunit ng pamahalaang lokal na kanyang kinakatawan. Naging tanging panauhin sa pagtitipon sina Provincial Administrator Dennis “DSL” S. Lazaro at Out-going Provincial Police Director Felipe Lozada Rojas Jr. (na matataas ng tungkulin bilang Deputy Chief ng InterPol ng Philippine National Police sa Camp Rafael Crame sa Quezon City). Dumalo rin sa pagtitipon sina dating Press Undersecretary Ike C. Gutierrez at Malacañang Communication Consultant Reli German na ngayon ay mga actual residents na ng lunsod na ito. ...