Skip to main content

SAAN ANG LABASAN ?

SAN PABLO CITY – Dati-rati,ang pangunahing referensya ng mga nagtutungo sa lunsod na ito ay ang malaking puno ng mangga sa dulunan ng Abenida Rizal sa harapan ng patyo ng simbahan sa liwasang lunsod. Katunayan nito, sa Donsol sa Sorsogon, sa Legazpi City, sa Albay at maging sa Naga City, at Pili sa Camarines Sur, pagsinabi sa bus conductor na San Pablo bababa, ay kaagad itatanong kung malapit sa “Ess-Emm (SM)’.

Subali’t simula ng magbukas ng Satellite Office ang National Bureau of Investigation (NBI) sa 8-Storey Building, ay nagkaroon ng bagong pagkakakilanlan ang dulunang bahagi ng Avenida, sapagka’t ang mga panukulan ng M. Brion, ng Col. Lauro D. Dizon, at ng Artemio B. Fule, ay tinatawag ngayong “Labasan” dahil sa ito ang sinasabi sa tricycle driver na pupuntahan ng mga taga-ibang bayan na nagtutungo sa City Hall, “Sa Labasan” para maghintay ng sasakyang patungong Santa Cruz, Calamba City, at Tanauan City. (Ben Taningco)

Comments