Skip to main content

DOÑA EVANGELINA MACAPAGAL BOULEVARD

Sa Karangalan ng Unang Ginang ng Bansa

Dra. Evagelina Macaraig Macapagal


Ang lansangang ito ay nabuksan at napaunlad sa pamamahala ng Emmergency Employment Agency (EEA) na inilunsad ng pangasiwaan ni Pangulong Diosdado Macapagal, na isang tuwirang pagsuporta ng pangasiwaang pambansa sa pangarapin noon ng pangasiwaang lokal na masimulan ang pagpapaunlad ng industriya ng turismo, bilang isang estratihiya sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng lunsod.


Bilang isang paggawain, ito ay binigyan ng Office of the City Engineer ng project code name na “Dagatan Boulevard,” bagama’t ang opisyal na project title ay “Proposed Peripheral Road of Sampaloc Lake,” na natapos na may-uring “macadamized all weather road” noong katag-arawan ng 1965, na kaalinsabay ng isinagawang rehabilitasyon ng makasaysayang “Hagdang Bato” na itinayo noong 1914, na ngayon ay bahagi na ng desinyo ng ng Opisyal na Sagisag ng Lunsod ng San Pablo, na nawasak sa pagtatapos ng Ika-2 Digmaang Pandaigdig, isang paggawaing pinunduhan din sa malasakit ni Pangulong Diosdado Macapagal, kaya nang ito ay pasinayaan, ay minarapat noon nina Justice Undersecretary Manuel A. Concordia at Alkalde Zacarias A. Ticzon na anyayahan ang Pangulo ng Bansa upang siyang mapagpasinaya sa dalawang natapos na paggawain.


Kung papaanong nang dumalaw si Pangulong Carlos P. Garcia noong katag-arawan ng 1961, nang malamang kasama sa pagdalaw si Gng. Leonila Garcia, ang Unang Ginang ng Bansa, ay ipinahayag ng pangasiwaang lokal noon na ang tree park sa pag-itan ng Gusaling Pampamahalaan at ng Lawang Sampalok, ay tawaging Doña Leonila (Mini-Forest) Park, sapagka’t kasama rin ni Pangulong Diosdado Macapagal ang Unang Ginang ng Bansa, Dra. Evangelina Macaraig Macapagal, sa pagdalaw sa lunsod, ay ipinahayag ng pangasiwaang lokal na ang Dagatan Boulevard na daraanan ng Pangulo sa pagpapasinaya sa Hagdang Bato ay opisyal na tawaging “Doña Evangelina Macapagal Boulevard.”


Doña Evangelina Boulevard o ang lansangang walang dulunan sa paligid ng Lawang Sampalok, sa nakalipas na mga taon, ay simbolo ng walang katapusang pagmamalasakit ng Pamahalaang Pambansa sa mga maliliit na mangingisda at karaniwang manggagawa sa lupa, na may pagsasaalang-alang sa pangangalaga at pagpapatatag sa kalikasan, kultura, at pagpapahalaga sa pagkakakilanlan sa Lunsod ng San Pablo. (Pedrito D. Bigueras)

Comments

Popular posts from this blog

DOÑA LEONILA (MINI-FOREST) PARK

What is now known as Doña Leonila (Mini-Forest) Park overlooking the Sampaloc Lake is actually a portion of the site for the City Hall Complex purchased in 1937 by the Municipal Government of San Pablo headed by President Inocencio Barleta, which was partly developed after the termination of World War II under the administration of appointed City Mayor, Dr. Fernando A. Bautista. During the incumbency of elected Mayor Lauro D. Dizon Sr., with the help of the Rotary Club of San Pablo, and under the supervision of Dr. Juan B. Hernandez, then club secretary of the local Rotary Club and Chairman of the City Beautification Committee, constructed some park structures at the park, with the fountain featuring the country lass with agriculture harvest as centerpiece. Probably, Hernandez and then City Engineer Perfecto Reyes were inspired by the figures affixed on the façade of the City Hall Building which symbolizes progress. Sometimes on April of 1961 when then President Carlos Garcia made a...

FELICISIMO T. SAN LUIS, ANG ALAMAT NG LAGUNA

Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon.      Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal   ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...

BARBARA JEAN APOSTOL A San Pableña
Passed the BAR Examination in the State of New York, U. S. A.

Miss Philippines-USA 2004-2005, Barbara Jean Chumacera Apostol, 27, passed the New York State’s examination for admission to the BAR given on July 24-25, 2007 . She attained her law degree at Hofstra University School of Law in the State of New York where she graduated with honors last May 20, 2007 . At Hofstra Law School , Barbara was the Vice President of the Asian Pacific American Law Students Association and was appointed to the position of Diversity Affairs Coordinator by the president of the Student Bar Association. Ms. Apostol was a 2002 cum luade graduate of Boston College, one of the oldest Jesuit University in the United States with campus in Chestbut Hill, Massachusetts, where she majored in pre-law and communication studies. Incidentally, she completed her elementary and secondary education at Sachem High School in Lake Ronkonkoma, NY. Barbara Jean is a daughter of Antonio Apostol and former Abecinia “Baisy” Chumacera of Barangay San Francisco, San Pablo Ci...