Skip to main content

Posts

ALAALA KINA ALICBUSAN, ISINASAAYOS NA

Angkop kayang alaala? Isang magandang pagkakataon, na si SPO1 (o Sgt.) Norman Jesus Platon, na tubong M’lang, North Cotabato, na dating kagawad ng Philippine Constabulary, ay natalaga dito sa San Pablo City Police Station simula noong nakaraang Buwan ng Pebrero, at kaagad niyang napansin ang kulay puting pananda para sa alaala ni Major Leopoldo Amutan Alicbusan ng 27 th Philippine Constabulary Company, na nasawi sa pakikipaglaban sa isang pangkat ng Hukbong Magpapalaya sa Bayan (HMB) o ang sandatahang lakas ng Parftido Kumunista noon, na lumusob sa kalunsuran noong madaling-araw ng Marso 29, 1950. Kasama niyang nasawi sina S/Sgt. Cenon Salvador, Sgt. Atanacio Maliberan, at Pfc Cipriano Panquito, nang salubungin nila ang lumulusob na kalaban ng kapayapaan sa may MRR Crossing sa may Bagong Pook, na noon ay hindi pa lubhang marami ang naninirahan, upang mailigtas ang mga sibilyan sa mga ligaw na bala o crossfire. Nakadama si Sarhento Platon ng kalungkutan sa nakitang...

Alicbusan on April 9, 2009

SA MGA KINAUUKULAN: Sa darating na Abril 9, 2009, ay gugunitain ang ika-67 Araw ng Kagitingan upang kilalanin ang mga kawal na naghandog ng kanilang buhay sa mga larangan ng labanan sa Bataan at Corregidor, at ako po ay magalang na nagmumungkahi na sana naman ay mapagtuunan ng pansin ang mga kawal na nagbuwis ng buhay upang mapangalagaan ang katahimikan ng Lunsod ng San Pablo. Noong nakaraang Marso 29, 2008 , ay walang nakaalaala na ang araw na yaon ay bahagi ng kasaysayan ng Lunsod ng San Pablo, sapagka’t iyon ang ika-58 taon ng kamatayan ni Major Leopoldo Amutan Alicbusan ng 27 th Philippine Constabulary Company na nagbuwis ng buhay sa pagtatanggol sa kalunsuran sa pananalakay ng mga kaaway ng pamahalaan noong Marso 29, 1950. Sasapit na muli ang Marso 29, at marahil ay tulad sa mga nakaraang taon, ay walang makakaalaala sa naging bahagi ng matapang na pinuno noon ng mga konstable sa kasaysayan ng Lunsod ng San Pablo . ...

WALANG PEOPLE’S DAY SA ABRIL 5 AT 12

Sa dahilang si Congresswoman Ma. Evita R. Arago ay gagawa ng paglalakbay sa labas ng bansa, ipinahayag noong Linggo ng tanghali na walang isasagawang People’s Day ang kanyang tanggapan sa darating na dalawang araw ng Linggo sa Abril 5 at 12 sa Villa Evanzueda. Gayon pa man, ipinaaalaala ni Congresswoman Ivy Arago na kung wala man siya sa bansa, ang lahat ng kahilingan, mungkahi, at pagtatanong na nais iparating ng mga mamamayan, lalo na ng mga pinunong barangay, ito ay tatanggapin at sisinupin sa kanyang tanggapan sa Siesta Residencia de Arago sa Green Valley Subdivision sa Barangay San Francisco, San Pablo City, sapagka’t kung siya man ay nasa malalayong lunsod, ay regular naman ang kanyang pakikipag-ugnayan sa kanyang tanggapan sa pamamagitan ng email o sa tulong ng information technology. ( Ruben E. Taningco)

IVY’S MEGA JOBS FAIR SA MAYO 22

Pamuling nagpapaalaala si Congresswoman Ma. Evita R. Arago noon nakaraang Linggo nang ganapin ang kanyang People’s Day sa Villa Evanzueda sa Sityo Baloc na sa pakikipag-ugnayan kay Director Ricardo S. Martinez Sr. ng Department of Labor and Employment (DOLE)-Region IV-A at City Administrator Loreto S. Amante, ang concurrent San Pablo City PESO Manager, ang kanyang tanggapan ay magtataguyod ng isang Mega Jobs Fair sa darating na Mayo 22, 2009, araw ng Biyernes, na ang venue ay ang Siesta Residencia de Arago sa Green Valley Subdivision sa Barangay San Francisco kung saan maraming recruitment agencies na kumakatawan sa iba’t ibang industriya sa loob at labas ng bansa ang lalahok. Ito ay upang mabigyan ng pagkakataon sa maayos na hanapbuhay ang mga maaari ay nawalan ng trabaho bunga ng epekto ng global financial crisis, at ang mga bagong graduate ng mga professional courses sa katatapos lamang na school year. Gaya ng dati, pinapayuhan ni Congresswoman Ivy Arago ang mga pros...

Group Study Exchange From England

Accompanied by Rotarian John Gosnold, a medical practitioner, of Rotary International District 1270, four young professionals composing a Group Study Exchange (GSE) from the United Kingdom visited San Pablo City and Nagcarlan last Monday and interviewed some local officials whose duties and functions are related to their daily activities in England . Picture was taken when they paid a visit to City Mayor Vicente B. Amante at the City Hall and they are (from left) RCSSP President Rosauro H. Suarez, Dr. John K. Gosnold, Mayor Vic Amante, Press Officer Rachel Shaw, Correction Officer T Ammy Goddard, Jail Administrator Joanna Spink, and Editor Jason M. Hippisley. ( Ruben E. Taningco )

JUSTICE ARTURO D. BRION, TO REVISIT HIS ALMA MATER

Dr. Anita E. Quiatchon, Principal of the San Pablo Central School , said Justice Arturo D. Brion as accepted their invitation to be the principal guest and main speaker during their commencement exercises this coming Wednesday, April 1, 2009. The program will start at exactly 8:30 in the morning at the Central School Stadium. A native of this city, Justice Brion himself is an alumnus of the San Pablo Central School being the valedictorian of the class that graduated in 1959. His parents, the late Trial Judge Edon Brion, and the former Laura Dizon are also graduates of this school.

2009 ATCOM WINNER DURING 21ST

The winning entry in the 2009 Aquatic Technology Competition (ATCOM) sponsored by the Philippine Council for Aquatic and Marine Research and Developmant (PCAMRD) is the improved processing and packaging of fermented mudfish (burong dalag) entered by researchers based at Pangasinan State University (Bayambang Campus). They received a cash reward of P150,000 during the commemoration of the 21 st Anniversary of the council. In the pictures are (from left) Executive Director Rafael D. Guerrero III, Researchers Wilma de Vera, Veronica Austria, and Raquel Pambid, Zonal Center 1 Coordinator Jennie R. Mamhot, and Secretary Estrella F. Alabastro. ( Ruben E. Taningco )