Skip to main content

MGA PAGSUSURING MEDIKAL, HANDOG NI IVY

Sa nakaraang People’s Day ni Congreswoman Ma.Evita R. Arago na ginanap sa Villa Evanzueda sa Barangay San Ignacio, kanyang ibinalita na kaugnay ng pagdiriwang sa Buwan ng Marso bilang National Women’s Month, ang kanyang tanggapan ay magtataguyod ng Pap Smear and Breast Examination sa darating na Martes, Marso 24, sa Siesta Residencia de Arago sa Green Valley Subdivision simula sa ika-8:00 nh umaga hanggang ika-3:00 ng hapon. Ito ay sa kapakinabangan ng mga may gulang ng kababaihan, lalo na ang mga ina ng tahanan.


Nilinaw ng kongresista na ang pagsasagawa ng pagsusuri ay hindi gratis o walang bayad, lamang, ang magpapasuri ay walang magugugol, sapagka’t sasaguting bayaran ng kanyang tanggapan ang lahat ng magugugol sa bawa’t pagsusuri.


Sa kapakinabangan naman ng mga pinunong barangay sa sakop ng 3rd Congressional District, ang Tanggapan ni Kongresista Ivy Arago ay magtataguyod din ng walang babayarang General Executive Check-Up sa darating na ika-13 hanggang ika-17, at ika-23 hanggang ika-24 ng Abril na gaganapin sa Villa Evanzueda sa Barangay San Ignacio. Sa dahilang ang paglilingkod ay para sa lahat ng barangay officials sa distrito na binubuo ng isang lunsod at anim na munisipyo o nahahati sa 216 barangay, ay hinihiling lamang na hintayin ang paanyayang ipaaabot ng kanyang tanggapan para sa bawa’t barangay upang ang lahat ay maisagawang may kaayusan at kapakipakinabang para sa lahat.


Upang ang lahat ay magabayan, sa panapanahon ay maaaring tumawag para magtanong sa kanyang field office dito sa Lunsod ng San Pablo na ang telepono ay (049) 801-3109, at cellphone 0919-358 5866 at hanapin lamang si G. Fermin Sikat na siyang pinagtitiwalaan sa ikaaayos ng koordinasyon sa implementasyon ng mga palatuntunan. (Ruben E. Taningco)

Comments

Popular posts from this blog

DOÑA LEONILA (MINI-FOREST) PARK

What is now known as Doña Leonila (Mini-Forest) Park overlooking the Sampaloc Lake is actually a portion of the site for the City Hall Complex purchased in 1937 by the Municipal Government of San Pablo headed by President Inocencio Barleta, which was partly developed after the termination of World War II under the administration of appointed City Mayor, Dr. Fernando A. Bautista. During the incumbency of elected Mayor Lauro D. Dizon Sr., with the help of the Rotary Club of San Pablo, and under the supervision of Dr. Juan B. Hernandez, then club secretary of the local Rotary Club and Chairman of the City Beautification Committee, constructed some park structures at the park, with the fountain featuring the country lass with agriculture harvest as centerpiece. Probably, Hernandez and then City Engineer Perfecto Reyes were inspired by the figures affixed on the façade of the City Hall Building which symbolizes progress. Sometimes on April of 1961 when then President Carlos Garcia made a...

FELICISIMO T. SAN LUIS, ANG ALAMAT NG LAGUNA

Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon.      Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal   ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...

BARBARA JEAN APOSTOL A San Pableña
Passed the BAR Examination in the State of New York, U. S. A.

Miss Philippines-USA 2004-2005, Barbara Jean Chumacera Apostol, 27, passed the New York State’s examination for admission to the BAR given on July 24-25, 2007 . She attained her law degree at Hofstra University School of Law in the State of New York where she graduated with honors last May 20, 2007 . At Hofstra Law School , Barbara was the Vice President of the Asian Pacific American Law Students Association and was appointed to the position of Diversity Affairs Coordinator by the president of the Student Bar Association. Ms. Apostol was a 2002 cum luade graduate of Boston College, one of the oldest Jesuit University in the United States with campus in Chestbut Hill, Massachusetts, where she majored in pre-law and communication studies. Incidentally, she completed her elementary and secondary education at Sachem High School in Lake Ronkonkoma, NY. Barbara Jean is a daughter of Antonio Apostol and former Abecinia “Baisy” Chumacera of Barangay San Francisco, San Pablo Ci...