Skip to main content

TULONG NI IVY, PINAHALAGAHAN

Naging bahagi ng maikling pananalita ni Alkalde Vicente B. Amante sa pagbubukas ng palatuntunan sa paggagawad ng pagkilala sa The Outstanding San Pableño kaugnay ng pagdiriwang ng ika-69 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Lunsod ng San Pablo, na ginanap noong nakaraang Huwebes ng gabi, Mayo 7, 2009, sa Palmera Garden Restaurant ang pagpapahalaga kay Congresswoman Ma. Evita R. Arago dahil sa tulong nito na maipatupad ang maraming palatuntunang pangkaunlaran sa taong ito, sa kabila ng pangyayaring hindi pinagtibay ng Sangguniang Panglunsod ang inihanda ng Executive Department na Proposed Annual Budget for Calendar Year 2009. Ang Pangasiwaang Lunsod ngayon ay kumikilos sa ilalim ng tinatawag na Reenacted Budget o ang gugulin ay limitado sa kung ano ang nakatadhana sa napagtibay na gugulin para sa Taong 2008.

Pinahahalagahan ng punonglunsod ang mga isinasagawang pagpapaunlad ng mga seksyon ng lansangang pambansa sa hurisdiksyon ng Lunsod ng San Pablo; pagtataguyod ng mga medical and dental mission sa mga kanayunan ng lunsod; pagkakaloob ng mga financial assistance sa mga mag-aaral sa kolehiyo, at pagpapatupad ng mga palatuntunan upang maraming kabataan ang sumailalim ng mga pagsasanay sa lilalim ng mga palatuntunan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sila ay magkaroon ng magandang pagkakataon sa maayos na hanapbuhay.

May mga barangay na napagkalooban din ng Tanggapan ni Congresswoman Ivy ng multicab service vehicle na nakatutulong upang mapangalagaan ang kapanatagan ng pamayanan.

Napansin ni Amante na maabilidad si Ivy Arago, sapagka’t tulad ng pondong ginamit sa pagpapaunlad ng kahabaan ng Avenida Rizal, ito ay mula sa pondo ng Tanggapan ni Senador Lito Lapid. Hindi naman napapabayaan ni Ivy ang kanyang pananagutan bilang lawmaker, sapagka’t may ilan ng panukalang batas para sa kagalingang pambansa siyang iniharap sa Kongreso na ngayon ay kumikilos na o pinagtatalakayan na sa kapulungan para sa pagpapatibay, na masasabing hindi pangkaraniwan para sa isang neophyte congressman o baguhang mambabatas. Maraming naging kongresista ang nakatapos ng kanilang siyam-na-taong paglilingkod o three termer na walang naipapasang batas, liban sa pagpapangalan ng mga gusaling pampamahalaan o batas na panglokal lamang. (Ruben E. Taningco)

Comments

Popular posts from this blog

DOÑA LEONILA (MINI-FOREST) PARK

What is now known as Doña Leonila (Mini-Forest) Park overlooking the Sampaloc Lake is actually a portion of the site for the City Hall Complex purchased in 1937 by the Municipal Government of San Pablo headed by President Inocencio Barleta, which was partly developed after the termination of World War II under the administration of appointed City Mayor, Dr. Fernando A. Bautista. During the incumbency of elected Mayor Lauro D. Dizon Sr., with the help of the Rotary Club of San Pablo, and under the supervision of Dr. Juan B. Hernandez, then club secretary of the local Rotary Club and Chairman of the City Beautification Committee, constructed some park structures at the park, with the fountain featuring the country lass with agriculture harvest as centerpiece. Probably, Hernandez and then City Engineer Perfecto Reyes were inspired by the figures affixed on the façade of the City Hall Building which symbolizes progress. Sometimes on April of 1961 when then President Carlos Garcia made a...

FELICISIMO T. SAN LUIS, ANG ALAMAT NG LAGUNA

Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon.      Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal   ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...

BARBARA JEAN APOSTOL A San Pableña
Passed the BAR Examination in the State of New York, U. S. A.

Miss Philippines-USA 2004-2005, Barbara Jean Chumacera Apostol, 27, passed the New York State’s examination for admission to the BAR given on July 24-25, 2007 . She attained her law degree at Hofstra University School of Law in the State of New York where she graduated with honors last May 20, 2007 . At Hofstra Law School , Barbara was the Vice President of the Asian Pacific American Law Students Association and was appointed to the position of Diversity Affairs Coordinator by the president of the Student Bar Association. Ms. Apostol was a 2002 cum luade graduate of Boston College, one of the oldest Jesuit University in the United States with campus in Chestbut Hill, Massachusetts, where she majored in pre-law and communication studies. Incidentally, she completed her elementary and secondary education at Sachem High School in Lake Ronkonkoma, NY. Barbara Jean is a daughter of Antonio Apostol and former Abecinia “Baisy” Chumacera of Barangay San Francisco, San Pablo Ci...