Skip to main content

WALANG H1N1 SA SAN PABLO

Walang napapaulat na nagkaroon ng sintomas ng Influenza A na lalong kilala sa katawagang H1N1 Virus, sa Lunsod ng San Pablo, sapagka’t dapat malaman ng lahat na may ilan ng taon na ang City Health Office ay may organisadong Disease Surveilance Team na may maayos na pakikipag-ugnayan sa lahat ng mga pagamutan at samahan ng mga manggagamot sa Lunsod ng San Pablo, na ang mga ito ay nagpapadala ng ulat araw-araw tungkol sa mga di-pangkaraniwang pasyente na kanilang nagagamot o sa kanila ay nagkokunsulta, bilang pakikipagtulungan sa mga palatuntunang ipinatutupad ng Department of Health. Ito ang tuwirang ipinahayag ni City Health Officer Job D. Brion noong Miyerkoles ng hapon sa Media Forum na inorganisa ng City Information Office na dinaluhan ng mga kinatawan ng local tri-media.

Ipinapayo ni Dr. Brion sa lahat na huwag maniniwala sa mga text messages ukol sa di-umano ay may kinapitan na ng Influenza A virus sa lunsod, sapagka’t ito ay tsismes lamang,

Nabanggit ni Dr. Brion na dapat alalahanin na sang-ayon sa mga kilalang awtoridad sa public health management, higit na mapanganib ang Dengue Fever, kaysa kinatatakutang Influenza A (H1N1), sapagka’t ang mga nasusumpungang nagkaroon ng H1N1 Virus ay pinapapagpahinga lamang sa isang isolated room upang maiwasang magkaroon ng komplikasyon, at pagkalipas ng ilang araw ay kusa na itong nawawala o tinatalo na ng panlaban sa sakit na likas sa katawan ng tao.

Gaya ng sinasabi ni Health Secretary Francisco T. Duque III, ang Dengue Fever ay nagtataglay ng strong strain of virus, samantala ang Influenza A ay mild strain, kaya ang mga pamayanang may kahandaan laban sa Dengue Fever, ay may kahandaan na rin para maiwasan ang paglaganap ng Influenza A. Ang H1N1 ay pinalulubha ng takot, bagama’t ito ay maiiwasan sa pamamagitan ng tamang pag-iingat sa pakikihalobilo sa kanyang kapuwa.

Samantala, sa pahayag ni Dra. Mercydina Abdona Mendoza-Caponpon, team leader ng isa sa dalawang surveillance mobile team, hiniling niya sa mga kinatawan ng local mass media na paalalahanan ang mga mamamayan, na sakali’t sa kanilang tahanan ay may kinakikitaan ng sintomas ng Influenza A, ay huwag itong dadalahin sa pagamutan o magkokunsulta sa klinika ng isang manggagamot. Sa halip, sila ay tagubilinang manatili sa isang bukod na lugar, at iulat kaagad sa Disease Surveilance Team na naka-base sa City Health Office sa pamamagitan ng telepono o cellphone, at ang mobile team ang magsasadya sa kanila para sila ang magdetermina sa kung ano ang tinataglay na karamdaman ng pasyente, at kung ano ang mga hakbanging dapat isagawa.

Kung ang tinataglay na sakit ay karaniwang trangkaso o mga katulad nito, ay may dala silang sapat na gamot para rito, subalit kung sadyang H1N1 suspect, ay may sadyang ambulansyang gagamitin sa paglilipat ng pasyente at ang pagdadalahang pagamutan ay sa tagubilin ng Kalihim ng Kalusugan, na ang pinakamalapit ay ang Research for Tropical Medicine na nasa Alabang sa Muntinlupa City.

Sa magkaugnay na pagpapaliwanag nina Dra. Ma. Victoria Lopez-Guia at Lucy A. Celino, ay kanilang ipinaunawa na ang pinakamabuting paraan upang huwag mahawa ng Influenza A ay ang tamang pag-iingat at pagsasakit na magawang laging malinis ang kamay, laging tatakpan ang bibig kung umuubo at humahatsing, at pagdistansya kung nakikipag-usap sa may sakit. Dapat din ang tamang nutrisyon upang mapangalagaang malakas ang katawan at may resistansya laban sa karamdaman. (Ruben E. Taningco)

Comments

Popular posts from this blog

DOÑA LEONILA (MINI-FOREST) PARK

What is now known as Doña Leonila (Mini-Forest) Park overlooking the Sampaloc Lake is actually a portion of the site for the City Hall Complex purchased in 1937 by the Municipal Government of San Pablo headed by President Inocencio Barleta, which was partly developed after the termination of World War II under the administration of appointed City Mayor, Dr. Fernando A. Bautista. During the incumbency of elected Mayor Lauro D. Dizon Sr., with the help of the Rotary Club of San Pablo, and under the supervision of Dr. Juan B. Hernandez, then club secretary of the local Rotary Club and Chairman of the City Beautification Committee, constructed some park structures at the park, with the fountain featuring the country lass with agriculture harvest as centerpiece. Probably, Hernandez and then City Engineer Perfecto Reyes were inspired by the figures affixed on the façade of the City Hall Building which symbolizes progress. Sometimes on April of 1961 when then President Carlos Garcia made a...

FELICISIMO T. SAN LUIS, ANG ALAMAT NG LAGUNA

Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon.      Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal   ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...

BARBARA JEAN APOSTOL A San Pableña
Passed the BAR Examination in the State of New York, U. S. A.

Miss Philippines-USA 2004-2005, Barbara Jean Chumacera Apostol, 27, passed the New York State’s examination for admission to the BAR given on July 24-25, 2007 . She attained her law degree at Hofstra University School of Law in the State of New York where she graduated with honors last May 20, 2007 . At Hofstra Law School , Barbara was the Vice President of the Asian Pacific American Law Students Association and was appointed to the position of Diversity Affairs Coordinator by the president of the Student Bar Association. Ms. Apostol was a 2002 cum luade graduate of Boston College, one of the oldest Jesuit University in the United States with campus in Chestbut Hill, Massachusetts, where she majored in pre-law and communication studies. Incidentally, she completed her elementary and secondary education at Sachem High School in Lake Ronkonkoma, NY. Barbara Jean is a daughter of Antonio Apostol and former Abecinia “Baisy” Chumacera of Barangay San Francisco, San Pablo Ci...