Skip to main content

GAWAD TAMBULI NG DOST-REGION IV


Sa maraming gawad ng pagpapahalaga, at mga parangal na tinanggap na ni Hometown Journalist Ruben E. Taningco, kasama na ang pagiging isa sa sampong (10) indibidwal na tumanggap ng Gintong Gawad mula sa Surian ng Wikang Pambansa o Institute of National Language noong Agosto 19, 1987 ang kanilang ika-50 Anibersaryo ng Pagkakatatag, at napabilang rin siya sa pinarangalan bilang One of the Ten Most Outstanding San Pableño (for Journalism) nang gunitaan ng Lunsod ng San Pablo ang ika-50 Taon ng Karta nito noong Mayo 7, 1990. Siya ay napasama rin sa 50 San Pableño na pinagkalooban ng Gawad ng Pagpapahalaga ng San Pablo City Red Cross Chapter ng kanilang gunitain ang ika-50 Anibersaryo ng Pagkakatatag bilang isang nagsasariling balangay o Red Cross Chapter, ay lubos niyang minamahalaga ang Gawad Gintong Tambuli, na tinataguriang Lifetime Achievement Award, na ipinagkaloob sa kanya ni late Professor Hipolito B. Aycardo, na Regional Director noon ng Department of Science and Technology-Region IV, nang gunitain ng nabanggit na tanggapan ang kanilang ika-tatlong dekada ng paglilingkod sa Katimugang Tagalog noong Nobyembre ng Taong 2000, o siyam (9) taon na ang nakalilipas.


Ang tambuli, sang-ayon sa kasaysayan ay isang katutubong instrumento para sa dagliang paghiling ng tulong, at sa panahon ng kapanatagan ay isang paraan ng pagtawag ng pansin ng lahat para gumawa ng isang bagay para sa kagalingan ng nakararami sa pamayanan. Naniniwala si Prof. Aycardo na siya ay naging instrumento upang makilala sa Lunsod ng San Pablo, at mga kanugnog na munisipyo, ang mga gawain ng Field Office ng National Science Development Board (NSDB) na binuksan noong Marso ng 1968.sa pangangasiwa ni Bb. Marcela Catibog, upang mahikayat ang marami na gamitin ang mga impormasyon na bunga o natamo sa mga pananaliksik sa larangan ng siyensya at teknolohiya sa paggawa ng mga artikulo ng kalakalan, na naging sandigan ng kabuhayan at pamumuhay ng ilang indibidwal sa Katimugang Tagalog simula noon. Ang gawad ay pagpapaalaala kay Taningco na siya ay 32 taon ng isang kusangloob na tumutulong sa pagpapasigla ng mga disiplina sa siyensya at teknolohiya, na tulad ng isang tambuli, na habang naluluma ay lalong umaayos at nagiging maganda at natatangi ang tunog nito.


Nang ang NSDB ay maging National Science and Technology Authority (NSTA), si Taningco ay naging kabalikat nina Engr. Dionisio O. Santos, at Science Researchers Adventor Neri at Luis Cervantez. Kasama rin nila si Silvestre Villavicencio na noon ay kumakatawan sa Philippine Inventors Commission (PIC).Noon nakilala ang itinatag nilang Out of School Science Education Laboratory (OSSEL) na naging paksa ng mga lathalain na nalathala sa mga pahayagan, at natampok sa mga palatuntuna sa telebisyon sa Maynila noon..


Ang malasakit ni Taningco sa pagsusulong ng technology transfer program ay pinasigla noong Dekada Otsenta, sapagka’t noon, ang mga gawain ng National Science and Technology Authority ay sinusuportahan ng Small Business Advisory Council (SBAC) na pinakikilos noon ni Engr. Malou P. Orijola na ngayon ay isa ng Assistant Secretary sa Department of Science and Technology; at ng National Cottage Industry Development Authority (NACIDA) sa ilalim ng Department of Trade and Industry, kaya naging malawakan siyang nagagamit sa pagpapalawak ng kamalayan tungkol sa mga industriyang pantahanan na salig sa siyensya, na pinahahalagahan din noon ni Alkalde Cesar P. Dizon kaya siya ay naging malaya sa pagkakaloob ng suportang pangkumunikasyon sa mga gawaing ito. Ang kanyang pagsusulat sa mga pahayagang lokal, at pagbobrodkas ay nakahikayat sa marami na pagyamanin ang industriyang pangtahanan sa mga kanayunan.


Katunayan nito, maging ang Department of Information noon sa ilalim ng pangangasiwa ni Kalihim Francisco “Kit” Tatad ay kinilala si Taningco na isa sa limang (5) “Outstanding City Developmental Information Officer” noong 1978.


Sa mga kasapi ng Seven Lakes Press Corps, si Kuya Ruben ang ang “Pinakamatandang Nabubuhay na Tambuli.”

Comments

Popular posts from this blog

DOÑA LEONILA (MINI-FOREST) PARK

What is now known as Doña Leonila (Mini-Forest) Park overlooking the Sampaloc Lake is actually a portion of the site for the City Hall Complex purchased in 1937 by the Municipal Government of San Pablo headed by President Inocencio Barleta, which was partly developed after the termination of World War II under the administration of appointed City Mayor, Dr. Fernando A. Bautista. During the incumbency of elected Mayor Lauro D. Dizon Sr., with the help of the Rotary Club of San Pablo, and under the supervision of Dr. Juan B. Hernandez, then club secretary of the local Rotary Club and Chairman of the City Beautification Committee, constructed some park structures at the park, with the fountain featuring the country lass with agriculture harvest as centerpiece. Probably, Hernandez and then City Engineer Perfecto Reyes were inspired by the figures affixed on the façade of the City Hall Building which symbolizes progress. Sometimes on April of 1961 when then President Carlos Garcia made a...

FELICISIMO T. SAN LUIS, ANG ALAMAT NG LAGUNA

Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon.      Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal   ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...

BARBARA JEAN APOSTOL A San Pableña
Passed the BAR Examination in the State of New York, U. S. A.

Miss Philippines-USA 2004-2005, Barbara Jean Chumacera Apostol, 27, passed the New York State’s examination for admission to the BAR given on July 24-25, 2007 . She attained her law degree at Hofstra University School of Law in the State of New York where she graduated with honors last May 20, 2007 . At Hofstra Law School , Barbara was the Vice President of the Asian Pacific American Law Students Association and was appointed to the position of Diversity Affairs Coordinator by the president of the Student Bar Association. Ms. Apostol was a 2002 cum luade graduate of Boston College, one of the oldest Jesuit University in the United States with campus in Chestbut Hill, Massachusetts, where she majored in pre-law and communication studies. Incidentally, she completed her elementary and secondary education at Sachem High School in Lake Ronkonkoma, NY. Barbara Jean is a daughter of Antonio Apostol and former Abecinia “Baisy” Chumacera of Barangay San Francisco, San Pablo Ci...