Ang pagkapagpatibay sa Batas Republika Bilang 9847, na lalong kilala sa katawagang “An An Establishing Mounts Banahaw and San Cristobal In The Provinces of Laguna and Quezon As A Protected Area Under The Category Of Protected Landscape,” na nilagdaan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa isang palatuntunang ginanap sa Calamba City kamakailan, upang ganap na mabigyan ng proteksyon ang kapaligiran ng dalawang bundok na kinikilalang pinakamalaking watershed na tumutustos ng inuming tubig sa malalaking bahaging dalawang lalawigan. Nakaupo sa harapan ng hapag sina Deputy Speaker Amelita Villarosa at Quezon Congressman Proceso Jaraza Alcala, ang principal author ng pinagtibay na batas, na sinaksinah nina Environment Secretary Joselito Atienza, Laguna Governor Teresita S. Lazarom kasama sina Congressmen Ivy Arago, Timmy Chipeco, at Egay San Luis na pawang co-author ng batas. Sang-ayon sa mga lider ng Philippine National Historical Society, ang Republic Act No. 9847 ay isang “landmark legislation.” (Ruben E. Taningco)
Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon. Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...
Comments
Post a Comment