Sang-ayon sa isang Registration Officer ng Land Transportation Office dito sa Laguna, sa 257 government vehicle na pag-aari ng local government unit, mula sa antas ng lalawigan, ng munisipal, at ng barangay, na ang pagtatala ay kanyang naproseso, ay tanging ang garbage dump truck na ipinatala ng Sangguniang Barangay ng San Agustin sa Alaminos ang hindi nakalimbag ang pangalan ng punong barangay o ng punong tagapagpaganap na nanunungkulan ng ma-acquire ang behikulo. Sang-ayon sa record, ang behikulo ay nabili mula sa sariling pondo ng pangasiwaang barangay sa pamamatnugot ni Punong Barangay Rustico D. Danta noong Nobyembre 2008 para ipanghakot ng basura, na sa kabila ng ito ay mahigit na sa isang taong ginagamit, ay wala pa itong nakikitang kasiraan, na nagpapatunay na maayos na ito ay napangangalagaan. Ang Barangay San Agustin ay pangalawang pinakamalaking barangay sa 15 barangay sa Alaminos na nasa kahabaan ng Maharlika Highway (Ruben E. Taningco)
Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon. Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...
Comments
Post a Comment