Skip to main content

SPCWD Updates

Dahil sa suspension order ng Ombudsman (one year without pay) kay General Manager Roger F. Borja dahilan sa hindi nito pagbabalik ng P2Million sa kaban ng ating SPCWD ay nag-appoint sa botong 3-2 ng OIC-General Manager.

Itinalaga si Teresita Banaag Rivera, asawa ni Victor Rivera, bilang OIC ng Office ng General Manager.

Dahil tutol sa pagiging OIC-GM ni Teresita Rivera ang mga empleyado ng ating SPCWD, nag request sa Local Water Utilities Administration o LWUA (ahensya ng gobyerno na may pakialam sa operation ng mga water districts) ang mga kasapi sa Unyon ng SPCWD ng isang Interim General Manager (IGM) bilang siyang tatayong pansamantalang General Manager ng SPCWD habang suspendido si GM Roger Borja.

Pinagbigyan naman ng LWUA ang kahilingan ng SPCWD kaya naglabas ang LWUA ng appointment papers kay Ms. Marilou Anatok, na siyang tatayong IGM ng SPCWD effective Jan. 06, 2010, kapalit ni OIC-GM Teresita Banaag Rivera.

At noong miting ng Board of Directors ng SPCWD noong Jan. 21, 2010 ay dumating nga ang itinalagang Interim General Manager ng LWUA para sa ating SPCWD.

Subalit sa hindi inaasahang pangyayari, ni-question ng grupo ni dating City Fiscal Gerardo Brinas Ilagan, representative ng Professional sector at taga Tiaong, Quezon; Director Normando “Gabby” Lozada, representative ng Education Sector (Academia de Ignatius de Loyola ang nag-nominate sa kanya); Vice-Chairman Eleuterio “Sa Pula, Sa Puti” Amante, representative ng Business Sector, ang pag-upo ng IGM from LWUA sa dahilan na mababa daw ang Salary Grade ng itinalagang IGM kesa sa Salary Grade ni Teresita Rivera. Hindi daw maaatim ni Gng. Rivera na sumunod sa isang mas mababa ang Salary Grade sa kanya (pride?).

Nang hindi umubra sa grupo naman ni Chairman Damaso Ambray, representative ng Civic sector at tiyuhin ni Vice-Mayor Martin Ambray Ilagan at Director Lerma “the Fiscalizer” Prudente, representative ng Women Sector, ang Salary Grade issue ay bumuwelta uli si Director Ilagan na sakop daw ito ng Election Ban. Sa madaling salita ay hindi naka-upo ang IGM ng ating SPCWD. Ang malaking tanong ay bakeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeet ayaw ng grupo ni Director Ilagan. Ilan lang ito sa aming nakikitang dahilan:

1. Hindi nila kayang hawakan sa leeg ang IGM from LWUA gaya ng pagpigil nila noon sa suspension order ng Ombudsman kay GM Roger Borja. Kasama nga po pala mga kababayan si OIC-GM Rivera sa kaso ni Borja. May ipinababalik din ang korte na pera sa kanya P0.2M.

2. Baka pag IGM from LWUA ang maupo ay mabulatlat ang maanomalyang BULoK Water Supply Project ng SPCWD. Isa ito sa itinuturong dahilan ng mga pagputok ng linya ng ating tubig pati na rin ang mala-gatas na kulay sa ating tubig. Para po sa inyong kaalaman ay pilit pong itinatago ng management ng ating SPCWD ang tunay na resulta ng mga laboratory results mula sa tubig ng BULoK Water Supply Project (Lagaslasan at Baloc Springs po ang pinanggagalingan ng tubig ng BULoK Water Supply).

Ang BULok Water Supply Project magpahanggang ngayon ay nasa “conditional acceptance” pa pero milyong piso na ang naibayad ng ating SPCWD dito.

3. Daang milyong piso ang nakalaan para sa mga expansion projects ng SPCWD sa taong ito at kung IGM from LWUA ang naka-upo ay baka hindi makapiya-et ang mga directors at management dito.

Ilan lamang po ito sa nakikita naming dahilan sa pagpigil ng ilang grupo sa loob ng ating SPCWD sa pag-upo ng IGM from LWUA. Iisa lamang ang ugat nito at ito ay ang takot na mawala ang control sa mga pagkakakitaang proyekto ng ating SPCWD.

Hanggang sa muli po mga kababayan at dapat ay po ay magkaroon na ng konkretong hakbang ang mga kinauukulan hinggil sa mga kaganapan sa ating SPCWD!


Comments

Popular posts from this blog

DOÑA LEONILA (MINI-FOREST) PARK

What is now known as Doña Leonila (Mini-Forest) Park overlooking the Sampaloc Lake is actually a portion of the site for the City Hall Complex purchased in 1937 by the Municipal Government of San Pablo headed by President Inocencio Barleta, which was partly developed after the termination of World War II under the administration of appointed City Mayor, Dr. Fernando A. Bautista. During the incumbency of elected Mayor Lauro D. Dizon Sr., with the help of the Rotary Club of San Pablo, and under the supervision of Dr. Juan B. Hernandez, then club secretary of the local Rotary Club and Chairman of the City Beautification Committee, constructed some park structures at the park, with the fountain featuring the country lass with agriculture harvest as centerpiece. Probably, Hernandez and then City Engineer Perfecto Reyes were inspired by the figures affixed on the façade of the City Hall Building which symbolizes progress. Sometimes on April of 1961 when then President Carlos Garcia made a...

FELICISIMO T. SAN LUIS, ANG ALAMAT NG LAGUNA

Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon.      Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal   ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...

BARBARA JEAN APOSTOL A San Pableña
Passed the BAR Examination in the State of New York, U. S. A.

Miss Philippines-USA 2004-2005, Barbara Jean Chumacera Apostol, 27, passed the New York State’s examination for admission to the BAR given on July 24-25, 2007 . She attained her law degree at Hofstra University School of Law in the State of New York where she graduated with honors last May 20, 2007 . At Hofstra Law School , Barbara was the Vice President of the Asian Pacific American Law Students Association and was appointed to the position of Diversity Affairs Coordinator by the president of the Student Bar Association. Ms. Apostol was a 2002 cum luade graduate of Boston College, one of the oldest Jesuit University in the United States with campus in Chestbut Hill, Massachusetts, where she majored in pre-law and communication studies. Incidentally, she completed her elementary and secondary education at Sachem High School in Lake Ronkonkoma, NY. Barbara Jean is a daughter of Antonio Apostol and former Abecinia “Baisy” Chumacera of Barangay San Francisco, San Pablo Ci...