Ang ika-70 anibersaryo ng ano mang pangyayari, lalo na kung ito ay may kaugnayan sa kasaysayan ng isang institusyon, ay tinatawag na platinum anniversary, na ang pangregalong inihahanda para sa okasyon ay kalakarang gawa mula sa nabanggit na precious metal, na higit na mataas ang halaga kaysa ginto, kaya ang mga ginawaran ng parangal bilang “Namumukod Na San Pableño sa Taong 2010” nang gunitain ng Lunsod ng San Pablo ang 70th Foundation Day noong nakaraang Mayo 7, 2010, tulad nina Court of Appeal Justice Danton Q. Bueser na kinilala sa larangan ng matapat at patuluyang paglilingkod sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan, at Provincial Schools Division Superintendent Ester C. Lozada na kinilala sa larangan ng pagpapaunlad sa sistema ng edukasyon, ay tinawag ni City Administrator Loreto S. Amante na mga “Platinum San Pableño.” (Ruben E. Taningco)
Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon. Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...
Comments
Post a Comment