Skip to main content

GAANO KATAGAL ANG KAAGAD?

SAN PABLO CITY -  Noong nakaraang taon, isang mediaman ang nagpadala ng mga liham sa Sangguniang Panglunsod ng San Pablo, na ang kahilingan ay para sa pagpapatibay ng mga kautusan na may kaugnayan sa pangangalaga at pangangasiwa sa mga dambana at pananda na may kaugnayan sa kasaysayan, gaya ng mga sumusunod: (1) Pagpapahayag na ang harapan ng bantayog ni Gat Andress Bonifacio sa malapit sa Hagdang Bato ay “No Parking Zone” upang mapanatiling kagalang-galang at malinis ang kapaligiran nito sa lahat ng pagkakataon; (2) Pagpapahayag na ang harapan ng Old City Hall Building ay “No Parking Zone” upang mapangalagaan ang kaayusan nito bilang isang istrakturang pangkasaysayan  na natayo mahigit ng pitumpong taon ang nakalilipas, at hilinging mabalik  ang (nawawalang)  “panandang pangkasaysayan” o tablet na inilagay ng National Historical Commission ng pasinayaan ang Lunsod ng San Pablo noong Enero 2, 1941; at (3) Pagpapayos sa bantayog ni Dr. Jose P. Rizal sa Liwasang Lunsod, sa pamamagitan ng pagpapapintura sa piguren nito  ng naaayon sa espisipikasyon ng National Historical Commission of the Philippines, at pagsasaayos ng flooring  and peripheral wall ng pundasyon nito, upang maibalik ang marangal at kagalanggalang na kaanyuan nito, bago sumapit ang Hunyo 19, 2011 kung kailan gugunitain ang ika-150 kaarawan ng pambansang bayani, kaalinsabay sa pag-aalaala sa ika-100 taon ng pagkakatayo ng bantayog na nabanggit.

     Malinaw na nakatadhana sa “Guidelines on Monuments Honoring National Heroes, Illustrious Filipinos and Other Personages” na binalangkas ng National Historical Commission of the Philippines na pananagutan ng Sangguniang Panglunsod/Bayan na magpatibay ng kautusang magtatakda ng marapat na pangangalaga at pangangasiwa sa mga dambana at panandang pangkasaysayan.

     Hinihiling din sa Sangguniang Panglunsod na bumalangkas ng kautusang nagtatakda ng paglalagay ng daanan ng tao o pedestrian lane sa likuran ng pamilihang lunsod upang ang mga bumababa mula sa San Pablo City Shopping Mall ay maluwag na makaraan palabas sa P. Paterno Street.  Ang nabanggit na seksyon ng lansangan ay terminal na mga passenger jeepney na pawa naming kolurum.

     Nabanggit nina Konsehal Angelo L. Adriano, Edgardo D. Adajar, at Arnel C. Ticzon na kaagad nilang pagtitibayin ang mga mungkahing ito, pero hanggang ngayon ay wala pang napagtitibay na ordinansa para rito, kaya ang tanong ay “Gaano Katagal Ang Kaagad? (Ruben E. Taningco)

Comments

Popular posts from this blog

FELICISIMO T. SAN LUIS, ANG ALAMAT NG LAGUNA

Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon.      Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal   ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...

DOÑA LEONILA (MINI-FOREST) PARK

What is now known as Doña Leonila (Mini-Forest) Park overlooking the Sampaloc Lake is actually a portion of the site for the City Hall Complex purchased in 1937 by the Municipal Government of San Pablo headed by President Inocencio Barleta, which was partly developed after the termination of World War II under the administration of appointed City Mayor, Dr. Fernando A. Bautista. During the incumbency of elected Mayor Lauro D. Dizon Sr., with the help of the Rotary Club of San Pablo, and under the supervision of Dr. Juan B. Hernandez, then club secretary of the local Rotary Club and Chairman of the City Beautification Committee, constructed some park structures at the park, with the fountain featuring the country lass with agriculture harvest as centerpiece. Probably, Hernandez and then City Engineer Perfecto Reyes were inspired by the figures affixed on the façade of the City Hall Building which symbolizes progress. Sometimes on April of 1961 when then President Carlos Garcia made a...

Profile of THE OUTSTANDING SAN PABLEÑOS 2011

By The Selection and Awards Committee In commemoration of the 71st Charter Anniversary of the City of San Pablo , Outstanding San Pableños have been chosen to represent what the city and its people are all about. The Outstanding San Pableños were chosen from nominees who are natural-born citizens of San Pablo or who have resided in the city for at least 20 years or naturalized citizens who have shown excellence in their professions and have contributed to the development of the country, the city, and their respective communities. 1. HEALTH SERVICES - DR. EMMANUEL DE VERATURDA LOYOLA , MD , FPSGS, FPCS             Dr. Eman Loyola is a native of Silang, Cavite who has migrated to San Pablo when he married Marylene Isip Azucena in 1990. He is a medical doctor by profession who graduated as Doctor of Medicine and Surgery at the University of the Philippines wherein he was recipient of the Dr. Jose Mascunana and Dr. Felipe Zamora...