Skip to main content

Posts

DAPDAPAN ELEMENTARY SCHOOL, ADOPTED NG RURAL BANK OF SEVEN LAKES

Nilagdaan nina Chairman and President Odilon I. Bautista, at School District Supervisor Zenaida D. Tolentino ang isang kasunduan para ang Dapdapan Elementary School na may bakuran sa Barangay III-D ay matulungan ng Rural Bank of Seven Lakes, Inc. (RB7L) sa ilalim ng Adopt-a-School Program ng Department of Education. Ang mga mag-aaral sa tinangkilik na paaralan ay pinagkalooban ng kagamitan sa pag-aaral tulad ng note book, pad paper, at iba pang pangangailangan batay sa antas ng pag-aaral. Ang pagpapatibay sa kasunduan ay sinaksihan nina Barangay III-D Punong Barangay Arnel C. Ticzon, School Principal Rhea A. Dacara, at Bank Manager Eduardo Garcia. Adopted schools na rin ng RB7L ang Sto. Cristo Elementary Schools na pinagkalooban ng audio visual equipment para mapaunlad ang communication skills ng mga mag-aaral, at Bagong Pook Elementary School na pinagkalooban ng mga workbook para sa mapaunlad ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbasa. ( Ruben E. Taningco ).

KANSER NA LYMPHOMA, NALULUNASAN

Noong isang Sabado ng hapon, sa pamamatnugot ni Pangulong Rosauro Suarez at koordinasyon ni Rotarian Jose Cabiles bilang project chairman, sa lingguhang pulong ng Rotary Club of Silangang San Pablo, sa pangalan ng Roche (Philippines) ay nagkaloob ng mahahalagang impormasyon si Dr. Juan F. Loduvice (inset), isang kilalang medical oncologist na naka-base sa Lucena City, tungkol sa kanser na Lymphoma na ang apektado ay ang kulani o immune system ng katawan ng isang tao.At ang magandang balita na kanyang nabanggit, ay ang katotohanang ito ay nagagamot o nalulunasan pa, kung maagang natutuklasan. ( Ruben E. Taningco )

SEGREGASYON NG BASURA, SIMULA SA HUNYO 16

Si Engr. Ruel J. Dequito samantalang nagpapaliwanag sa kapulungan ng mga pinunong nayon Nang humarap si Engr. Ruel J. Dequito, officer-in-charge ng City Solid Waste Management Office noong Lunes ng umaga sa buwanang pulong ng Liga ng mga Barangay, kanyang ipinaaalaala na simula sa Hunyo 16, araw ng Marfes, ay ipatutupad na ang bagong eskedyul o araw ng koleksyon ng basura, gaya ng mga sumusunod: Lunes, Miyerkoles, Biyernes, at Linggo ay ang mga basurang nabubulok o biodegradable; at Martes, Huwebes, at Sabado ay ang basurang hindi nabubulok o non-biodegradable. Dahil dito, nabanggit ni Engr. Dequito na pananagutan ng lahat, maging ito ay sa tahanan o sa paggawaan, na pagbukodbukurin ang kanilang basura sa pamamagitan ng paglalagay ng mga bagay na nabubulok sa isang sako o plastic bag, at ang mga hindi nabubulok sa ibang lalagyan, at ilalabas lamang ito pagnarinig na ang batingting, na ang pinakamaaga ay sa ika-5:00 ng madaling araw. Tuwi...

BRIGADA ESKUWELA 2009

Ang 50 kagawad ng Alpha Company ng 1 st Laguna Ready Reserve Batallion sa pamumuno ni 1Lt. Antonio L. Aviquivil, na tinulungan ng ilang kawal na nabibilang sa 202 nd Infantry “Unifier” Brigade ng Philippine Army, ay nakipagtulungan sa pagsasaayos ng mga gusali at bakuran ng San Pablo Central School sa ilalim ng Palatuntunang Brigada Eskuwela ng Department of Education noong nakaraang Mayo 18 – 22, 2009, sa koordinasyon ni Dr. Anita E. Quiatchon. Punong guro ng paaralan. ( Ruben E. Taningco )

DISPLAY PHILIPPINE FLAG - AMANTE

City Administrator Loreto S. Amante announces last Monday morning that the celebration of the 111 th Independence Day on June 12 will officially starts on Thursday, May 28 which is being commemorated as National Flag Days The Flag and Healdic Code of the Philippines, also known as Republic Act No. 8491, states that every year, from May 28 (National Flag Day), to June 12 (Independence Day), all offices, agencies, and instrumentalities of government, business establishments, schools and private homes are enjoined to display the Philippine flag throughout this period. This is to give respect and reverence to our symbol of national sovereignty and solidarity. The Philippine flag is the embodiment of all our countrys ideals, culture and tradition Amben Amante said. RA 8491 also mandates that the national flag should be permanently displayed or hoisted, day and night, all year round, in front of important buildings such as the Malacaang Palace, the Congre...

INDUSTRIYA NG KARNE, MAHIGPIT NA SINUSUBAYBAYAN

SAN PABLO CITY - Bukod sa mahigpit na pagpapatupad ng ng mga alituntunin sa post-mortem inspection ng lahat ng karneng ipinamamahalagi sa pamilihang lokal, kasama na ang sa mga super market, ay mahigpit ding mino-monitor ng Office of the City Veterinarian. Nabanggit ni Dra. Farah Jane Orsolino, city veterinarian, na may makalawak na karanasan sa slaughterhouse management sa Australia, na pag-alinsunod sa tagubilin ni Alkalde Vicente B. Amante, sila ay ay hindi nagwawalang bahala at sinisikap nilang mapangalagaan ang kagalingan at kalusugan ng mga mamamayan ng lunsod, at mga karatig na bayang karaniwang sa lunsod na itro namimili ng kanilang isda at karne. Nabanggit ni Bb. Orsolino na maging ang mga small-scale piggery project at chicken dressing plant sa ilang barangay dito ay mahigpit din nilang sinusubaybayan, upang matiyak na yaon lamang malulusog o walang sakit na baboy, baka, at manok ang nakakatay sa lunsod naito. Kailangang ang industriya ng paghahayu...

TULONG NI IVY, PINAHALAGAHAN

Naging bahagi ng maikling pananalita ni Alkalde Vicente B. Amante sa pagbubukas ng palatuntunan sa paggagawad ng pagkilala sa The Outstanding San Pableño kaugnay ng pagdiriwang ng ika-69 An ibersaryo ng Pagkakatatag ng Lunsod ng San Pablo, na ginanap noong nakaraang Huwebes ng gabi, Mayo 7, 2009, sa Palmera Garden Restaurant ang pagpapahalaga kay Congresswoman Ma. Evita R. Arago dahil sa tulong nito na maipatupad ang maraming palatuntunang pangkaunlaran sa taong ito, sa kabila ng pangyayaring hindi pinagtibay ng Sangguniang Panglunsod ang inihanda ng Executive Department na Proposed Annual Budget for Calendar Year 2009. Ang Pangasiwaang Lunsod ngayon ay kumikilos sa ilalim ng tinatawag na Reenacted Budget o ang gugulin ay limitado sa kung ano ang nakatadhana sa napagtibay na gugulin para sa Taong 2008. Pinahahalagahan ng punonglunsod ang mga isinasagawang pagpapaunlad ng mga seksyon ng lansangang pambansa sa hurisdiksyon ng Lunsod ng San Pablo; pagtataguyod ng mga ...