Skip to main content

Posts

Showing posts from 2008

San Pablo City’s Call Center Is Now An Institution

Being managed by MSC Institute of Technology, the San Pablo City Cyberlink Call Center which was formally opened at 3rd Floor of El Coco Building along Artemio B. Fule Street in San Pablo City in November 6, 2007, is now an established center servicing the tourism industry in the United States, making the City of Seven Lakes belonging to the prestigious global call center industry, according to President Virgilio Y. Prudente. A call center is a centralized office used for the purpose of receiving and transmitting a large volume of request by telephone on behalf of a large corporation. The opening of a locally owned and home-grown call center have proven that San Pablo City has a pool of world class talents according to Past President Ed de la Cruz of the Philippine Chamber of Commerce and Industry, Inc. –San Pablo City Chapter. San Pablo City Cyberlink Call Center now provide employment opportunities to young people and spur economic development in the cit...

BEER PLAZA NA KAUGNAY NG 14TH COCOFEST

Gaya ng nakaugalian, itatampok sa 14 th Coconut Festival and Street Dancing Competition o Mardi Gras 2009 sa darating na Enero 9 - 15, na iniuugnay sa pagdiriwang ng ika-413 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Parokya ni San Pablo, Ang Unang Ermitanyo, ang gabi-gabing beer plaza sa kahabaan ng Avenida Rizal na maituturing ng isang institusyon na nagtatampok sa mga produkto ng San Miguel Brewery, Inc., lalo na ang San Miguel Pale Pilsen sang-ayon kay City Administrator Loreto S. Amante, over-all chairman ng Cocofest 2009 Executive Committee. Hindi na maiiwasan ang pagtatampok sa beer plaza, sapagka’t ito ay bahagi na ng kulturang umiiral sa noon ay Munisipyo ng San Pablo bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung kailan pag may ginugunitang kapistahan ay nagtatayo ng maliliit na tindahan na nag-aalok ng inuming cerveza, at pulutang “kinilaw na hipong Palakpakin” Tinatawag noon ang mga maliit ng inuman na “pundahan.” Kung kapistahan ni San Pablo, Unang Ermitan...

PAGAMUTANG PANLALAWIGAN, NAGHAHANDA SA BAGONG TAON

SAN PABLO CITY - Gaya sa mga nakaraang taon, ang Pagamutang Panlalawigan ng Laguna (PPL) sa lunsod na ito sa pamamatnugot ni Dr. Jose F. Guia ay magpapatupad ng isang sistema ng pagkakaloob ng tulong sa mga maaari ay magiging biktima ng pagsabog ng rebentador at iba pang uri ng paputok, at tama ng bala ng baril, ang karaniwang dulot na kasakunaan ng tradisyonal na pagsasaya para salubungin ang pagsapit ng bagong taon Marami rin sa nakalipas na mga pagsalubong sa bagong taon ang nagiging biktima ng aksidente sa sasakyan dahil sa marami ang nagmamaneho ng nakainum ng alak. Ang itinatag na grupo ay isang multi-disciplinary team sa pamumunuan ng isang siruhano at may kasangguning psychologist dahil sa may mga naging karanasan sa mga pagamutan ng pamahalan sa ibang rehiyon na bagama’t ang biktimang inihahatid sa ospital ay sinasabing biktima ng paputok, ay napatutunayan na ang kapansanan ay bunga ng alitan, at dahil sa pagtatangka sa sariling buhay ng biktima, pag-uulat...

PEBRERO, BUWAN NG PHILHEALTH

Sa pamamagitan ng Proclamation No. 1400 na pinagtibay ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong Oktubre 7, 2007, sa layuning maikintal sa kaisipan ng mga mamamayan ang halaga ng papel na ginagampanan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) , na isang palatuntunang panglipunan, ang Buwan ng Pebrero ng bawa’t taon, na nagsimula sa Taong 2008, ay ipinahahayag na “National Health Insurance Month”, paalaala ni OIC Dr. Edwin M. Oriña ng PhilHealth-Region IV-A. Ang PhilHealth na isang Government Owned and Controlled Corporation upang magpatupad ng Pambansang Palatuntunan sa Kaseguruhang Pangkalausugan o National Health Insurance Program ay natatag sa bisa ng Batas Republika Bilang 7875 na napagtibay noong Pebrero 14, 1995, at nagsimulang akuin ang pananagutan sa pagpapatupad ng dating Medicare Program para sa sektor ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan simula noong Oktubre ng 1997 ng ilipat ng Government Service Insurance System (GSIS) sa PhilHealth ang...

Palatuntunang IVY-ELADIO Taniman sa Barangay

ALAMINOS, Laguna – Inilunsad nina Congresswoman Ma. Evita R. Arago at Mayor Eladio M. Magampon na pinasiglang Palatuntunang Taniman sa Barangay sa bayang ito na pinaglaanan ng pondong P1-milyon mula sa pondo ng tanggapan ng kongresista para mapagkunan ng ipagkakaloob na cash prizes sa mga magsisipagwaging kalahok na barangay, organisasyon ng magsasaka, at indibidwal na magtatanim ay napagwagian ng Barangay San Agustin sa pangunguna ni Punong Barangay Rustico D. Danta, na ang natamong gantimpala ay umabot sa kabuuang P400,000. Ang tinanggap na cash prize ay inilaan na ng Sangguniang Barangay ng San Agustin para sa pagpapaunlad ng kalinisan ng kapaligiran ng pamayanan at pagpapatupad ng mga palatuntunang pangkalusugan ng mga mahihirap na taga-nayon. Ayon kay Punong Barangay Rustico D. Danta ng Barangay San Agustin, ang IVY-ELADIO ay acronym para sa “ In View of the Youth , and Enhance Local Agricultural Development with Integrated Opportunities ” na i...

PATULUYANG KAMPANYA KONTRA DROGA

SAN PABLO CITY –Ang huling araw ng 5 th Annuwal Anti-Drug Campaign na isinusulong ng Tanggapan ni Vice Mayor Frederick Martin A. Ilagan ay tinampukan noong Lunes ng gabi ng isang La-Band Sa Droga, isang Rock Against Drug Concert, isang Battle of the Bank, na nilahukan ng 30 banda na ginanap sa Doña Leonila Park, na sinaksihan ng maraming kabataan mula sa iba’t ibang brangay ng lunsod. Magugunita na simula ng manungkulan si Vice Mayor Martin Ilagan bilang konsehal noong Taong 2004, ay inilunsad niya kaagad ang isang patuluyang palatuntunan ng pagpapalaganap ng kamalayan ukol sa masamang epekto ng paggamit ng mga mapanganib at ipinagbabawal na gamot. Noong unang apat na taon, ang pinagtuunan ng pansin ng training group ng kaniyang tanggapan ay ang mga estudyante sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mga in-campus training seminar para sa mga high school student sa pampubliko at pampribadong paaralan sa lunsod. Sa taong ito, ang isinagawa ay ang pagtataguyo...

PAGSASAAYOS NG PAMBANSANG LANSANGAN, SA TULONG NI CONGRESSWOMAN IVY ARAGO

Sa flag ceremonies noong Lunes ng umaga, ay iniulat ni Mayor Vicente B. Amante na ang pagsasaayos ng mga seksyon ng pambansang lansangan sa sakop ng Lunsod ng San Pablo ay tinutustusan mula sa mga pondong nahiling ni Congresswoman Ma. Evita R. Arago mula sa ilang Senador na umaabot sa kabuuang P80-milyon, na ipinatutupad sa tulong ng DPWH-Laguna Subdistrict Engineering Office na naka-base sa Barangay Del Remedio. Ito ay ang tulad ng paglalagay ng asphalt concrete over-lay o paglalatag ng ready-mixed asphalt tulad ng nasa kahabaan ng Avenida Rizal sa kalunsuran. Ang prosesong ito ay gumagawang mabilis ang pagpapatupad ng paggawain, na nakatutugon pa sa pamantayan ng pamahalaan para maging matatag at matagal na pakikinabangan ang isang paggawain. Natutustusan din ang mga kinakailangang paglilinis sa mga padaluyan ng tubig-baha sa baybayin ng kahabaan ng national road sa sakop ng lunsod, upang maiwasan ang pag-apaw ng baha sa lansangan, na nakakapinsala sa preno...

PAMASKONG PAILAW, PINAGLILIWANAG ANG PLASA

May taas na anim na metro, ang Christmas light na ipinatayo ng San Pablo City Water District sa liwasang lunsod na pormal na pinailawan ni Mayor Vicente B. Amante noong Lunes ng gabi, ay binubuo ng 322 bumbilya o 5-watt incandenscent bulb na nakakabit sa tulong ng mga “all weather sucket” kaya ito ay nananatiling buhay at umiilaw kahit na umuulan, sang-ayon Engr. Roger Borja, general manager ng distrito. Ang paglalagay ng Pamaskong Pailaw sa liwasang bayan na dapat pailawin simula sa dapit-hapon ng Disyembre 15 hanggang sa araw ng Tatlong Hari ng sumunod na buwan ng Enero ay pag-alinsunod sa isang Presidential Proclamation na pinagtibay ni Pangulong Fidel V. Ramos noong 1992, bilang simbolo ng paggunita sa Panahon ng Kapaskuhan sa bansang Pilipinas. Karagdagan sa ipinatayong nagliliwanag na Christmas Tree, ay nilagyan din ng pailaw ang pitong (7) puno ng Indian tree, at nilagyan ng dekorasyon ang apat (4) na Corinthian post na may tig-aapat na ilaw na nasa lo...

UMUUNLAD NA BIYAYA SA MGA SENIOR CITIZEN

ALAMINOS, Laguna – Noong nakaraang Lunes ay iniulat ni Pangulong Rizalino B. Javier ng Federation of Senior Citizens Association of Alaminos kay Alkalde Eladio M. Magampon MD na ang liderato ng samahan ay hinihikayat ang kabuuan ng transport sector upang ganap na maipatupad ang pagbibigay ng 20% diskuwento sa pasaje ng mga nakatatandang mamamayan dito. Kanila ring sinisikap na ang mga botica at clinical laboratory sa baying ito ay maipagkaloob din ang mga biyayang dapat tamuhin ng mga card-bearing senior citizen. Ito ay para sa makatotohanang implementasyon ng Batas Republika Bilang 9257. Pinahahalagahan din ni Javier na sa maayos na pagtutulungan nina Municipal Social Welfare and Development Officer Marissa M. Aguilart at Office of Senior Citizens’ Affairs (OSCA) Chairman Zenaida R. Reyes ay maagang napabigay sa bayang ito ang “Katas ng VAT-Tulong Para Kay Lolo at Lola” sa 641 kuwalipikadong nakatatandang mamamayan noong Martes ng umaga na umabot sa kab...

Young essayist

15-year old Lanna L. Alvarez of Barangay Santa Elena, and a fourth year high school student at the San Pablo Colleges emerged as Champion in the recently concluded 3 rd Annual Essay Writing Contest sponsored by the Rural Bank of Seven Lakes, Inc. to commemorate their 34 th Founding Anniversary last November 21, 2008.She received cash prize and a plaque of appreciation from RB7L Chairman/President Odilon I.. Bautista. By her is her coach Mrs. Antonia R. Tadoy. From the 21 participants representing 21 secondary institutions in the City of San Pablo, other winners are Marie Sandy Belarmino of Barangay V-A and a fourth year student at the San Pablo City Science High School, first runner-up; and Jeanne Loraine P. Ampunin of San Lucas 1 and a fourth year high school student at the Laguna College, second runner-up. ( Seven Lakes Press Corps ).

CITY OF SANTA ROSA
Province of Laguna

PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT

Name: JACQUELINE OSINE Age: 23 Years old Sex: Female Height: 5’2” to 5’3” Weight: 135-140 lbs. Address: No known address Possible victim of hit and run in Brgy. Pulong Sta. Cruz, City of Santa Rosa , Laguna near Coca-Cola Bottling Plant Confined at the Santa Rosa Community Hospital since Nov. 10, 2008 Any one who knows her, please contact the Santa Rosa Community Hospital at (049) 534-4571 to 72 or 09284459544 look for Ms. April (Sgd) ARIES ZAPANTA

ALAMINOS, LAGUNA : 13TH MONTH PAY AT CASH GIFT, NAIBIGAY NA

ALAMINOS, Laguna – Ang 13 th Month Pay at ang cash gift para sa mga pinuno at kawani ng pangasiwaang munisipal rito ay naipagkaloob na noong pang unang quincena ng Nobyembre. Ang cash gift na ipinagkaloob ay P15,000 para sa bawa’t regular employee, at P10,000 para sa bawa’t casual employee. Ito ay ganap na ikinatuwa ng mga kawani at manggagawa dahil sa abot pa umanong pangmatrikula ng kanilang mga anak na nagsisipag-aral pa sa kolehiyo. Sa flag ceremony noong Lunes ng umaga, ay ibinalita ni Mayor Eladio M. Magampon na sa dahilang kaya pa ng pananalapi ng pangasiwaang munisipal, at hindi pa naaabot ang ceiling para sa personnel services, siya ay humiling ng kapahintulutan mula sa Sangguniang Bayan na makapagkaloob ng 14 th Month Pay, lamang, ito ay maipagkakaloob lamang kung ang kapasiyahan ay mapagtitibay ng Sangguniang Panglalawigan batay sa ipinaiiral na alituntunin ng Department of Budget and Management, at ng Commission on Audit. Napag-alamang si Mayor M...

SSS-South Luzon, Maunlad na Sangay

Sa Kapihan sa SSS na ginanap noong Lunes ng hapon na nilahukan ng mga kinatawan ng medya na kumikilos sa Katimugang Tagalog, nabanggit ni President Romulo L. Neri na ang SSS-South Luzon Cluster na naka-base dito sa Lunsod ng San Pablo, nitong nakalipas na mga buwan ay nakapagtala ng malaking koleksyon. Maipagkakapuring ang mga kahillingan para mabayaran ang pensyon, ang tulong sa palibing, at iba pang biyayang dapat matamo ng mga kasapi, lalo na ng mga retirado, ay kaagad natutugunan. Nabanggit din ni Neri, na sa hurisdiksyon ng SSS-South Luzon ay masinop ang mga employer na inii-entrego o iniri-remit ang lahat ang bayaring ibinabawas mula sa kanilang mga kawani at manggagawa, at dahil sa pagkakaroon ng maayos na monitoring program, ay madalang ang employer na napapaulat na hindi ipinatatala ang kanilang mga empleyado, o kinokolektahan ang kanilang mga kawani/manggagawa na hindi naman inii-entrego ang kanilang binabawas. Tinugon ni Assistan...

MASIGLA AT MALUSOG PA RIN SI KA LARRY

Masigla at matatag tumayong Lauro “Larry” G. Vidal ang masayang sinalubong ni City Administrator Loreto S. Amante noong Miyerkoles ng umaga nang ang dating Pangalawang Punonglunsod ay dumalaw sa Office of Senior Citizens Affairs upang papalitan ang kanyang Senior Citizen Identification Card ng may lagda ni Mayor Vicente B. Amante, tanda ng patuloy niyang pagsuporta sa mga palatuntunan at paninindigan ng Pangasiwaang Amante. ( Seven Lakes Press Corps )

ASO, DAPAT AYUSIN ANG PANGANGALAGA

SAN PABLO CITY – Ngayong napagtibay na ang isang kautusang lunsod na sumusuporta sa Batas Republika Bilang 9482, na lalong kilala bilang “Anti-Rabies Act of 2007,” dapat asahan pagsapit ng Enero 1, 2009, ang lahat ng nagsisipag-alaga ng aso ay daoat na ito ay huwag hahayaang walang tanikala o tali at malayang makalilibot sa labas ng kanilang bakuran, Dapat ding ang lahat ng alagang aso ay nakarehistro sa pangasiwaang lokal, at taon-taong pinababakunahan. Na ang mga mararapatang lalabag dito ay mapaparusahan ng multang hindi bababa sa P2,000. Kung isasama ang aso sa labas ng bakuran, ay kinakailangang ito ay may tali o tanikala, at ang lalabag ditto ay mapaparusahan ng multang P500 sa bawa’t pagkakataong siya ay mararapatang nagpapabayang paligaw ang alagang aso. Magiging pananagutan din ng may-ari sa aso ang gugol sa pagpapagamot sa taong maikakagat ng kanilang aso, na ang mga maninindigang hindi sasagutan ang gugol ay malalapatan ng hukuman ng kaparusahang mul...

MGA DERMATOLOGIST, MAGLILINGKOD SA SAN PABLO

SAN PABLO CITY - Sa pakikipag-ugnayan kay City Health Officer Job D. Brion, ang Philippine Dermatological Society, kaugnay ng kanilang outreach activities and information dissemination on skin and nail wellness, ay magtatalaga ng isang team ng mga manggagamot na espesyalista sa larangan ng sakit sa balat o dermatologist sa City Health Office sa umaga ng darating na Sabado, Nobyembre 15, 2008 upang maghandog ng walang bayad na pagsusuri sa mga may karamdaman sa balat. Ang ganitong pagbubukas ng dermatological outreach clinic ay taunang proyekto ng PDS na isinasagawa sa pakikipag-ugnayan sa mga local government unit upang matiyak na ang makikinabang ay ang masa o ang mga karaniwang mamamayan na ipinalalagay na walang kakayanang makapagpasuri sa mga espesyalista. Ang Philippine Dermatological Society, na ang mga miyembro ay sinasabing specialty society ng mga “Physician Devoted to Skin health,” na ang kasalukuyang pambansang pangulo ay si Dra. Arnelfa C. Paliza, no...

ESSAY WRITING CONTEST FOR HIGH SCHOOL SENIOR STUDENTS

Board Chairman Odilon I. Bautista announces that the Rural Bank of Seven Lakes ( San Pablo ), Inc. will be holding its third On-The-Spot Essay Writing Contest for fourth year high school students on November 21, 2008 , a Friday, at their board room along M. Paulino Street , starting at 8:00 o’clock in the morning. All high school units in the city are invited to send their representative. Cash prizes and Awards for Excellence will be at stake, as it was in the past two years.. Bank Director Leila A. Aquino said the awarding of winners will be held in the afternoon of Saturday, November 29, 2008 , at the San Pablo Central Stadium, on time with the commemoration of the 34 th Founding Anniversary of Rural Bank of Seven Lakes ( San Pablo City ), Inc, and the traditional Christmas party for their clients and employees.. The program is deseigned for the youth to enhance exemplary adherence towards English proficiency, to help achi...

TOLENTINO AT BELARMINO NG SPCSHS, NAMAYANI SA DEPED RSEC

SINILOAN, Laguna - Nakamit ng San Pablo City Science High School ang unang karangalan sa Essay Writing (English) at ikalawang karangalan Essay Writi8ng (Filipino) sa ginanap na Regional Science Environmental Camp (RSEC) sa bayang ito noong nakaraang Miyerkoles hanggang Biyernes, Oktubre 29-31. Ang pagtitipon ay may temang Global Protection and Conservation for Mother Earth (o Pandaigdidgang Pangangalaga at Pagiingat Para Sa Inang Kalikasan) ay napagwagian ni Geri Mae A. Tolentino ang unang karangalan sa English Essay Writing Contest, samantalang si Sandy Marie D. Belarmino naman ang nakakuha ng ikalawang karangalan sa Filipino essay writing. Ang pangrehiyong paligsahan ay nilahukan ng mga kumakatawan sa mga panlalawigan at panlunsod na sangay ng mga paaralang nasa hurisdiksyon ng Department of Education-Region IV-A (CALABARZON), Ang Sangay ng Lunsod ng San Pablo ang may pinakamaliit na delegasyon, kung ihahambing sa bilang ng mga bumubuo ng delegasyon ng...

KASUNDUAN SA PAGIGING MAGKAPATID

SANTA ROSA CITY - Sa bisa ng isang kasunduang pinagtibay nina yor Arlene Arcillas-Nazareno at Mayor Jejomar C. Binay noong nakaraang Martes, Oktubre 28, 2008 ay naging pormal ang pagiging magkapatid na lunsod ng lunsod na ito at ng Lunsod ng Makati. Ang Lunsod ng Makati ang kinikilalang “financial and commercial center” ng Pilipinas, samantala ang Lunsod ng Santa Rosa ang tinatagurian ngayong “the past rising investment center in South Luzon.” Sa pahayag ni Mayor Arlene Arcillas-Nazareno, kanyang nabanggit na malaki ang maitutulong ng pagiging magkapatid na lunsod ng Santa Rosa at ng Makati para maging tuwiran at masigla ang pagpapalitan ng kamalayan at kasanayan sa larangan ng siyensya at teknolohiya, pagpapaunlad ng pamayanan, pagpapataas ng antas ng edukasyon, pangangalaga sa kapaligiran, at mga paglilingkod na pangkalusugan at panglipunan. Hindi na malayong maging pormal ng tawagin ang lunsod na ito na “New Makati ” o “ Makati of the South,” na ayon kay Mayor Nazareno ay ...