Noong bagong talaga si General Manager Edgardo Manda bilang tagapamuno ng Laguna Lake Development Authority (LLDA), sa kanyang mga pakikipananaym sa mga pinunong bayan, ay kanyang iminumungkahi ang malawakang pagtatanim ng kawayan, hindi lamang sa halaga nito sa pagtataas sa antas ng kalalagayang pangkabuhayan ng mga mamamayan, kundi upang makatulong sa pangangalaga ng katatagan ng kapaligiran.
Halimbawa, dito sa Lunsod ng
Higit sa kontribusyon ng kawayan sa kagalingang pangkabuhayan, nabanggit ni General Manager Edgar Manda na ang kawayan ay malaki ang naitutulong upang mapangalagaan ang kapaligiran. Ang mga ugat nito ay nakatutulong upang mapigil ang mga pagguho ng lupa o soil erosion,at nakatutulong upang maging mabanayad ang pag-agos ng tubig-baha, kaya napangangalagaan nito ang carbon reserve sa lupa. Ang puno pa ng kawayan ay may katangian ding nakatutulong upang makonsumo ang carbon dioxide sa kapaligiran na malaking tulong para sa kalusugan ng tao at ng mga hayop. Kaya dapat tanggapin ang katotohanang ang kawayan, ano man ang uri o species nito, ay mataas ang kahalagahang pangkabuhayan at panglipunan o social and economic importance para sa bansang katulad ng Pilipinas.
Subali’t isang municipal agriculturist ang nagsabing ang mungkahing ito ni Manda ay tinatanggap ng kanyang alkalde, sa pasubaling ang gugugol sa paghahanda ng mga binhing pananim ay ang LLDA sa dahilang ito ay proyektong isinusulong ng nabanggit na pangasiwaan, at hindi hindi umano makita ng kanyang punumbayan ang halaga ng pagtatanim o pagpaparami ng kawayan sa katatagan ng pamayanan.
Pagkaraan ng Bagyong Ondoy, nagpahayag si Gobernadora Teresita S. Lazaro na dapat magsagawa ng malawakang pagtatanim ng mga puno upang mapangalagaan ang kakaligiran ng Laguna de Bay, at ang nakapanayam na municipal agriculturist ay naniniwalang ito ay isang magandang pagkakataon na ang kawayan ay isama sa uri ng halamang dapat itanim.
Maging ang Philippine Council for Agriculture, Forestry and Natural Resources Research and Development (PCARRD) ay nagpapayo ng malawakang pagtatanim ng kawayan, sapagka’t inaasahang sa mga susunod na taon ay tataas ang pangangailangan sa kawayan sapagka’t ito ay gagamitin para sa konstruksyon ng mga gusali, paggawa ng mga muwebles, at ang labong ay mahalagang pangluwas bilang pagkaing ninanais ng mga taga-ibang bansa. (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment