Taas-noong humaharap sa mga mamamayan ang tambalan nina Mayor Vicente B. Amante, reeleksyonista, at Concejala Angelita “Angie” Lozada Erasmo-Yang, naghahangad na maging Bise Alkalde, bilang tagapanguna sa tiket ng Bigkis Pinoy, ang kowalisyon sa Lunsod ng San Pablo ng mga kasapi ng LAKAS, PDSP, KAMPI, CMD, at Partido Liberal, na nagtataguyod ng higit na maunlad na palatuntunan sa paghahatid at pagkakaloob ng mga paglilingkod na pang-edukasyon, pangkalusugan, at panglipunan, na salig sa umiiral na mapayapa at panatag na kapaligiran. Kuha ang larawan nang ang kanilang tiket ay samasamang maglahad ng certificate of candidacy sa Office of the City Election Officer noong ika-10:27 ng umaga ng Martes, Disyembre 1, 2009. Kanilang katiket sina Concejal Dante B. Amante, dating Concejal Edgardo D. Adajar, dating Concejal Arthur U. Bulayan, Rondel Diaz, Prof. Eduardo O. Dizon, Secretary to the Mayor Rodelo U. Laroza, Dr. Eman Loyola, Punong Barangay Wilson Maranan, Marcelino C. Rogador, at College Instructor Arnel “Bobot” Cabrera Ticzon para sa pagiging kagawad ng Sangguniang Panglunsod. (Ruben E. Taningco)

Comments
Post a Comment