Si Gobernador Jeorge “ER” Ejercito Estregan ang nagbigay ng pamukay-siglang pananalita sa pagbubukas ng 14th Councilwide KAWAN Holiday and KAB Olympic na ginanap kamakailan sa Francisco Benitez Memorial Elementary School sa Pagsanjan kung saan ang mga tinanghal na kampyon ay kakatawan sa Boy Scouts of the Philippine-Laguna Council sa 11th Regional KAWAN Holiday and KAB Olymnpic na gaganapin sa San Pablo City Central School sa Lunsod ng San Pablo sa darating na Setyembre 10 – 11, 2010. Ang panglalawigang pagtitipon ng mga KAB Scout o batang iskawt na ang gulang ay mula sa 6 hanggang 9 taon, ay tinangkilik ng Pangasiwaang Lokal ng Pagsanjan sa pamamatnubay ni Mayor Girlie “Maita” Ejercito. (LPPIO/Vic Pambuan)
Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon. Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...
Comments
Post a Comment