Ang batang si Jen Renson Austria Cuevas, anak nina Jason at Russel Cuevas ng Barangay Santa Elena, na nasa Grade II Class sa Placido Escudero Elementary School ang napiling “That’s My Boy 2010 ng San Pablo City Boy Scouts Council na lalahok sa 11th Kawan Holiday and KAB Olympic na gaganapin sa San Pablo City Central School sa darating na Setyembre 10 at 11, 2010 na lalahukan ng 17 Boy Scouts Council na nakatatag sa CALABARZON at MIMAROPA Areas. Kasama niya sa larawan si Council Chairman Apolinar Cortez. Ang KAB ay acronym ng “Kabataang Alay Sa Bayan” kaya ito ay binubuo ng mga kabataang lalaki na ang gulang ay mula sa 6 hanggang 9 taon na karaniwang nasa Grade 1 hanggang Grade 3. (BSP-San Pablo City Council)
Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon. Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...
Comments
Post a Comment