Skip to main content

Bakanteng Posisyon Sa Sangguniang Kabataan, Kailangan ay Special Election

 Kaugnay ng suliranin ng maraming barangay sa bansa na walang nagsipagkandidato sa para maging kagawad ng sangguniang kabataan, napag-alaman mula kay Dr. Florida M. Dijan, Assistant Regional Director ng DILG-Region IV-A na ito ay dapat punuan sa pamamagitan ng isang Special Election gaya ng itinatagubilin ng sa Section 435(a) ng Local Government Code of 1991 o Batas Republika Bilang 7160.

     Kung wala pa ring maghangad ng tungkulin o walang nag-file ng certificate of candidacy upang lumahok sa special election na itinatakda sa ispisipikong barangay, nabanggit ni Dr. Dijan na ang bakanteng posisyon sang-ayon sa batas ay dapat italaga ng Pangulo ng Bansa, at upang ito ay praktikal na maisagawa, minarapat noon ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na pagtibayin ang Administrative Order No. 168 na ipinagkakatiwala ang pagtatalaga sa mga kagawad ng sangguniang kabataan sa Kalihim ng Interyor at Pamahalaang Lokal.

     Kaugnay ng kapangyarihang ito, ang kalihim noon ng Interior and Local Government, si  Secretary Ronaldo Puno,  ay pinalabas ang Memorandum Circular No. 2007-050 noong Abril 30, 2007 na magsisilbing gabay sa mga City or Municipal Local Government Operations Officer para mapangasiwaan ang tamang proseso ng pagpili ng mga itatalagang opisyal ng sangguniang kabataan.

     Ayon kay Nini Dijan, ang special eleksyon ay dapat isagawa pagkatapos na ang mga halal na opisyales ng sangguniang kabataan ay pormal na umupo sa katungkulan o pagkaraan ng Nobyembre 30, 2007, at hinihintay na lamang ang tagubilin ng Interior and Local Government Secretary  para sa mga ispisipikong petsa kung kailan isasagawa ang tanging halalan para mapunuan ang mga bakanteng posisyon sa sangguniang kabataan sa bawa’t kinauukulang barangay sa bansa.

     Napag-alaman pa rin na ang halalan para sa pamunuan ng Liga ng mga Barangay, at ng Pederasyon ng Sangguniang Kabataan, sa antas ng munisipyo, o lunsod, o lalawigan ay dapat isagawa sa nalolooban ng 30 araw matapos na sila ay pormal at opisyal ng magsimula na ng panunungkulan bilang mga pinunong barangay. Sa ilalim ng umiiral na kalalagayan, ang halalan ay magaganap sa nalolooban ng Buwan ng Disyembre ng 2010. (Ruben E. Taningco)

Comments

Popular posts from this blog

FELICISIMO T. SAN LUIS, ANG ALAMAT NG LAGUNA

Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon.      Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal   ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...

DOÑA LEONILA (MINI-FOREST) PARK

What is now known as Doña Leonila (Mini-Forest) Park overlooking the Sampaloc Lake is actually a portion of the site for the City Hall Complex purchased in 1937 by the Municipal Government of San Pablo headed by President Inocencio Barleta, which was partly developed after the termination of World War II under the administration of appointed City Mayor, Dr. Fernando A. Bautista. During the incumbency of elected Mayor Lauro D. Dizon Sr., with the help of the Rotary Club of San Pablo, and under the supervision of Dr. Juan B. Hernandez, then club secretary of the local Rotary Club and Chairman of the City Beautification Committee, constructed some park structures at the park, with the fountain featuring the country lass with agriculture harvest as centerpiece. Probably, Hernandez and then City Engineer Perfecto Reyes were inspired by the figures affixed on the façade of the City Hall Building which symbolizes progress. Sometimes on April of 1961 when then President Carlos Garcia made a...

Profile of THE OUTSTANDING SAN PABLEÑOS 2011

By The Selection and Awards Committee In commemoration of the 71st Charter Anniversary of the City of San Pablo , Outstanding San Pableños have been chosen to represent what the city and its people are all about. The Outstanding San Pableños were chosen from nominees who are natural-born citizens of San Pablo or who have resided in the city for at least 20 years or naturalized citizens who have shown excellence in their professions and have contributed to the development of the country, the city, and their respective communities. 1. HEALTH SERVICES - DR. EMMANUEL DE VERATURDA LOYOLA , MD , FPSGS, FPCS             Dr. Eman Loyola is a native of Silang, Cavite who has migrated to San Pablo when he married Marylene Isip Azucena in 1990. He is a medical doctor by profession who graduated as Doctor of Medicine and Surgery at the University of the Philippines wherein he was recipient of the Dr. Jose Mascunana and Dr. Felipe Zamora...