Skip to main content

WORLD AIDS DAY ACTIVITIES, ANG LUNSOD NG SAN PABLO SA DEC. 2010

  San Pablo City- Taun-taon ay nakikiisa ang Lunsod ng San Pablo sa pagdiriwang ng World AIDS Day tuwing Disyembre kaalinsabay sa iba’t-ibang pagdiriwang ding ginaganap sa iba’t-ibang parte ng bansa at ng mundo.

     Ang pagsasagawa ng iba’t-ibang programs at activities ay sa pagtataguyod ng City Health Office sa pamumuno ni City Health Officer, Dr. Job Brion at sa pangunguna ni Dra. Mercedita Caponpon, Social Hygiene Clinic Supervisor ng CHO at sa pakikipagtulungan naman ni Mayor Vicente Amante.

     Ayon kay Dra. Caponpon ang mga gagawing programa ay ang Christmas decoration contest sa mga bars o Paskuhan sa Bars at paglalagay na ng sariling condom corners sa lahat ng clubs at bars kung saan ang mga clubowners na ang bibili ng glass shelf na gagamitin dito.

     Mula Nobyembre 4 naman ay sinimulan na ng CHO ang kanilang satellite clinic sa Barangay II-D Health Center para sa free papsmears at gamot sa mga “freelancers”. Magkakaroon naman sa Disyembre 2 ng libreng HIV screening, Hepa B at Syphilis Testing sa City Health Extension sa Barangay San Jose. Kasabay rin dito ang lecture sa HIV Aids at STD gayundin ng Christmas party at gift giving.

     Para naman sa grupo ng mga MSMs (men having sex with other men) at iba pang high risk population ay magkakaroon ng visitation sa kanilang mga lugar. Maglalagay rin ng mga billboards kaugnay sa pag-iwas at paglaban sa nakakamatay na sakit na HIV-AIDS sa may Dona Leonila Part, City Plaza, Shopping Mall, Barangay II-D at San Jose. Mamimigay rin ng mga IEC materials at local TV station information spot. (CIO/San Pablo City)


Comments

Popular posts from this blog

DOÑA LEONILA (MINI-FOREST) PARK

What is now known as Doña Leonila (Mini-Forest) Park overlooking the Sampaloc Lake is actually a portion of the site for the City Hall Complex purchased in 1937 by the Municipal Government of San Pablo headed by President Inocencio Barleta, which was partly developed after the termination of World War II under the administration of appointed City Mayor, Dr. Fernando A. Bautista. During the incumbency of elected Mayor Lauro D. Dizon Sr., with the help of the Rotary Club of San Pablo, and under the supervision of Dr. Juan B. Hernandez, then club secretary of the local Rotary Club and Chairman of the City Beautification Committee, constructed some park structures at the park, with the fountain featuring the country lass with agriculture harvest as centerpiece. Probably, Hernandez and then City Engineer Perfecto Reyes were inspired by the figures affixed on the façade of the City Hall Building which symbolizes progress. Sometimes on April of 1961 when then President Carlos Garcia made a...

FELICISIMO T. SAN LUIS, ANG ALAMAT NG LAGUNA

Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon.      Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal   ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...

BARBARA JEAN APOSTOL A San Pableña
Passed the BAR Examination in the State of New York, U. S. A.

Miss Philippines-USA 2004-2005, Barbara Jean Chumacera Apostol, 27, passed the New York State’s examination for admission to the BAR given on July 24-25, 2007 . She attained her law degree at Hofstra University School of Law in the State of New York where she graduated with honors last May 20, 2007 . At Hofstra Law School , Barbara was the Vice President of the Asian Pacific American Law Students Association and was appointed to the position of Diversity Affairs Coordinator by the president of the Student Bar Association. Ms. Apostol was a 2002 cum luade graduate of Boston College, one of the oldest Jesuit University in the United States with campus in Chestbut Hill, Massachusetts, where she majored in pre-law and communication studies. Incidentally, she completed her elementary and secondary education at Sachem High School in Lake Ronkonkoma, NY. Barbara Jean is a daughter of Antonio Apostol and former Abecinia “Baisy” Chumacera of Barangay San Francisco, San Pablo Ci...