Ang Laguna Branch ng Social Security System ay nagpadala ng isang registration team sa pangunguna ni Assistant Branch Head Liwayway M. Alcantara, at kasama sina Account Officers Zeigfredo Oracion, Lilian Bristol at Guia Las (mga nasa kaliwang panig), at Marketing Assistant Alvi Comendador ng PAGIBIG Fund-Regional Office ay nanatiling nasa One Stop Processing Center hanggang noong hating gabi ng Huwebes, Enero 20, upang mapaglingkuran ang mga nagsisipaglahad ng application for renewal of business permit and license sa mga huling oras na ipinahihintulot ng mga umiiral na batas sa pagninegosyo. Ang dalawang kasama ni Comendador na sina Bb. Verona Saylon at Reden C. Serrano ay hindi nasama sa larawan. (Ruben E. Taningco)
Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon. Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...
Magandang araw po saan po b me pwede magpa member ng pag ibig may office po b ang pag ibig sa san pablo?Member n po ako ng sss at philhealth as self employed pwede rin po b ang self employed sa pag ibig
ReplyDelete