Sa pangunguna ni Kapatid na Warren Flores, ministrong destinado sa Lokal ng San Pablo City, ay nilagyan ng pananda ang bawat punong kanilang itinanim sa kaburulan ng Barangay Atisan, San Pablo City, kaalinsabay ng paggunita ng lokal ng kanilang ika-79 taon ng pagkakatatag, upang magsilbing gabay sa mga monitor na sa panapanahon ay dadalaw sa lawak ng kanilang pinagtaniman para ang mga punong itinanim ay mapangalagaan, sang-ayon kay City Environment and Natural Resources Officer Ramon R. de Roma. Ang mabubuhay na mga puno ay aalamin pagkalipas ng tatlong taon kaalinsabay ng pag-alaala sa sentenyal ng Iglesia Ni Cristo sa Taong 2014. (Bong B. Guarino)
Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon. Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...
Comments
Post a Comment