Pormal na nanumpa sa katungkulan sa harapan ni City Mayor Vicente B. Amante ang 59 na natalagang kagawad ng Sangguniang Kabataan sa Lunsod ng San Pablo noong Martes ng umaga, Marso 8, 2011, upang manungkulan sa mga bakanteng posisyon dahil sa walang nagkandidato para sa kanilang tungkulin noong nakaraang October 25, 2010 Synchronized Barangay and Sangguniang Kabataang Elections. Ang mga isinagawang special election ay pinangasiwaan ni DILG City Director Marciana S. Brosas, at na may tulong ng Tanggapan ni SK Federation President Gueren Jon M. Amante bilang pag-alinsunod sa isang memorandum circular na pinalabas ni Local Government Secretary Jesse Robredo, na naaayon sa tadhana ng Local Government Code of 1991 o Batas Republika Bilang 7160. (CIO-San Pablo City)
Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon. Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...
Comments
Post a Comment