Ipinababatid ni San Pablo City Administrator Loreto S. Amante sa lahat na sa darating na Mayo 27, 2012 ay magkakaloob ang Civil Service Commission ng Career Service Professional Examination, at Career Service Sub-Professional Examination dito sa Lalawigan ng Laguna, na ang pamamahagi ng kaukulang application form ay nagsimula na noon pang nakaraang Pebrero 3 sa CSC Provincial Office sa Santa Cruz. Ang mga filled-up application form at kalakip nito ay tatanggapin hanggang Abril 12, 2012, araw ng Huwebes, sa paraang “first come first serve basis” dahil sa may sapat na bilang lamang ng examinee ang tatanggapin sa dalawang pagsusulit, kaya ang mga interesadong kumuha ng pagsusulit ay asikasuhin na kaagad ang pagkuha ng application sa CSC-Santa Cruz.
Ang kinakailangang ilakip sa application form ay litrato, at self-addressed stamped envelope.
Ang Career Service Professional Examination ay gaganapin sa Pedro Guevara Memorial National High School, samantalang ang Career Service Sub-Professional Examination ay isasagawa sa Santa Cruz Central School, sang-ayon na rin sa paalaala ni City Administrator Loreto S. Amante

Comments
Post a Comment