Si Police Superintendent Raul Loy Bargamento, kasalukuyang hepe ng pulisiya sa Lunsod ng San Pablo, at isang residente ng Barangay Canlubang sa Calamba City ay kinilala ng Pangasiwaang Panglalawigan ng Laguna kaugnay ng katatapos na 2010 ANILAG Festival bilang “Namumukod Tanging Lagunense” para sa kategoriya ng pulis. Magugunitang sa ilalim ng kanyang pangangasiwa, ang San Pablo City Police Station ay ginawaran ng “Model City Transformation Program Award” para sa Taong 2009 o pinakanamumukod na himpilang panglunsod ng pulisiya sa CALABARZON kaugnay ng paggunita sa ika-19 anibersaryo ng pagkakatatag ng Philippine National Police noong nakaraang buwan ng Pebrero. At nitong nakalipas na buwan ng Marso, si Chief of Police Raul L. Bargamento ay tumanggap ng mga papuri at pagkilala, hindi lamang mula sa pangasiwaan ng Philippine National Police, kundi maging mula sa media, dahil sa maagap na pagkalutas ng ilang krimeng naganap sa labas ng lunsod, na sa lunsod na ito nagtago o umarkila ng ginagawang “safehouses’ upang makatakas sa pag-uusig ng batas. (BENETA News)
Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon. Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...
Comments
Post a Comment