Ipinaaalaala ni City Administrator Loreto S. Amante na batay sa tradisyong naitatag ni Senador Tito Sotto noong mga taong siya ang Vice Mayor ng Quezon City at Pangulo ng Vice Mayors League of the Philippines, ang Vice Mayor ang awtomatikong tagapangulo ng Local Anti-Drug Abuse Council, na sa koordinasyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ay naging kalakaran na sa buong bansa. Kaya sa mga mapansinin sa pagbabasa ng mga pahayagan, sa mga ulat na may kaugnayan sa mga gawain ng drug abuse council sa Metro Manila at maging sa Visayas, ay hindi nababanggit ang pangalan ng Mayor, sa halip, ang tagumpay at kabiguan ng kampanya laban sa droga ay inaakong pananagutan ng kanilang tagapangulong Vice Mayor. Halimbawa sa Makati City ay ni Vice Mayor Ernesto Mercado, sa Taguig City ay ni Vice Mayor George Elias, sa Quezon City ay ni Vice Mayor Herbert Bautista, at sa Bacolod City ay ni Vice Mayor Jude Thaddeus Sayson, na pinatotohanan ni Obispo Francisco San Diego ng Diyosesis ng Pasig nang siya ay maging panauhin ng Laguna Peace and Order Council sa Santa sa pagkapag-anyaya ni Gobernadora Teresita S. Lazaro. (Ruben E. Taningco)
Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon. Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...
Comments
Post a Comment