Skip to main content

WATER-COURAGE Laguna Chapter

Matapang na isiniwalat ng militanteng grupo ng Water System Employees’ Response (WATER) at Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE) – Laguna Chapter ang umano’y lantad na katiwaliang nagaganap sa loob ng ahensiya ng Pagsanjan Water District (PAGWAD).  Ayon sa nasabing grupo, makailang ulit nang ginamit ng General Manager (GM) ng PAGWAD ang posisyon nito sa paglulustay ng pondo ng water district.  Halimbawa umano dito ay ang garapal na pagnanakaw ng gasolina mula sa ahensiya para sa personal na sasakyan ng GM, kasabwat ang umano’y ilang taksil na kawaning alipores nito.  Inihayag din ng WATER-COURAGE sa mga concessionaire (tagatangkilik) ng PAGWAD ang umano’y pagbibigay-pabor ng GM sa ilang mga nasa posisyon sa gobyerno at eletista sa bayan ng Pagsanjan.  Habang mahigpit namang ipinatutupad ang patakaran sa maliliit at mahihirap na concessionaire.  May ilang umano’y mayaman at pulitikong nakaupo sa pamahalaang bayan ng Pagsanjan na matagal nang may daanlibong pisong utang sa PAGWAD na hindi nagbabayad ngunit hindi pinapuputulan ng serbisyong patubig ng GM.

Ayon pa sa WATER-COURAGE, patuloy rin umano’ng niyuyurakan ng GM ng PAGWAD ang mga batayang karapatan ng mga kawani dito.  Bihasa umano, ayon sa nasabing grupo, ang GM sa panggigipit at pandarahas sa hanay ng mga kawaning nagsisiwalat ng kaniyang katiwalian.  Binigyang-diin ng grupo na ang pwersahang panggigipit at pagpapahirap ng GM sa mga kawani gaya na lamang ng pagpapalipat-lipat (reassignment) sa mga ito sa iba’t-ibang dibisyon sa ahensiya ay malinaw na anyo ng “constructive dismissal” kung saan ito’y labag sa batas ng Civil Service Commission (CSC).  Kamakailan lamang umano ay ‘di makatarungang kinasuhan at agad na sinuspinde (preventive suspension) ng GM ang isang kawani ng PAGWAD dahil lamang sa katapatan nito sa trabaho at serbisyo.---“Paraan ito ng mga abusadong naghahari sa mga ahensiya ng gobyerno na ayaw mapansin ang kanilang mga kabulukan at tiwaling gawain”, ayon sa grupo.  Sinabi rin ng militanteng grupo na sa pamamagitan umano ng pagiging mapanupil ng GM ng PAGWAD, ay pinipilit nitong gumawa ng paraang labag sa batas para lamang wasakin ang PAGWAD Employees Union (PAGWADEU).  Sa esensiya, anila, ang mga gawaing ito ng GM ay “Union Busting”.  Sino nga ba ang GM na ito?---“Siya lang naman ang tumatayong Bosing ng PAGWAD na pangunahing lumalabag (violator) sa iba’t-ibang patakaran at batas panggobyerno partikular sa patakaran ng CSC”.  Pahayag ng militanteng grupo.

Hayagan ding sinabi ng WATER-COURAGE ang umano’y paglabag ng GM sa bagong umento sa sahod sa ilalim ng Salary Standardization Law III (SSL 3).  Anila, ang magaling na GM ay abusadong kumukulekta ng sweldo nito na higit na mas mataas sa itinatakda ng nasabing SSL 3.  Nilalabag din umano ni GM ang tamang proseso sa paghirang at promosyon ng mga kawani ng PAGWAD.  Sa katunayan, anila, hinirang at ginawang permanente ang isang halal na opisyal ng barangay kung saan ito’y nakapaloob sa kasong inihain sa Office of the Ombudsman (Case No. OMB-L-A-08-0104-B).  Patuloy umanong nagpapasok at naghihirang ng maaasahang alipores si GM sa PAGWAD.  “Abusado talaga ang magaling na GM sapagka’t maging ang ‘election ban’


ay kaniya ring nilabag dahil sa reassignment na ginawa nito sa ibang kawani habang umiiral ang nasabing ‘ban’”.  Pahayag ng grupo.

Samantala, sa kabila ng utos ng Korte Suprema sa mga ahensiya ng gobyerno na ibigay ang Cost of Living Allowance (COLA) back pay ng mga kawani, ayon sa militanteng grupo ay wala pa ring pagsunod na ginagawa ang GM ng PAGWAD dahil siya umano’y hindi makikinabang sa benepisyong ito.  Bingi rin at binabalewala umano ni GM ang panukalang Collective Negotiation Agreement (CNA) na isinumite ng PAGWADEU sa management ng PAGWAD noon pang Oktubre 26, 2009.  Ang CNA ay naglalaman ng kasunduan para sa ilang dagdag na benepisyo (economic and political rights) na pinapayagan ng batas sa ilalim ng Executive Order No. 180, s. 1987 o ang tinatawag na Public Sector Unionism.

Matatandaan naman na noong Oktubre 2009 ay niragasa at sinalanta ng bagyong Santi ang bayan ng Pagsanjan at isa sa partikular na sinalanta nito ay ang PAGWAD.  Sabi ng militanteng grupo, matapos ang pananalanta ng bagyo, ang GM umano ng PAGWAD ay nagbawal sa mga kawani na magfile ng leave of absence habang siya mismo kasama umano ang Board of Directors ay nagpapasarap sa Convention sa mamahaling hotel suot ang mamahaling Barong Tagalog na binayaran mismo ng PAGWAD.

Ayon sa militanteng grupo, patikim pa lang ang mga isiniwalat nilang ito kaugnay ng katiwalian sa loob mismo ng PAGWAD at pag-abuso sa kapangyarihan ng kanilang General Manager.  Anila, hindi sila titigil at matatakot na magsiwalat ng mga kabulukang  kinasasangkutan ng mga tiwaling opisyal ng nasabing ahensiya.

Panawagan ng militanteng grupo ang mga sumusunod:

  • Sama-sama nating tuldukan ang pamamayagpag sa poder ni GM!
  • Papanagutin sa kasalanan ang abusadong tagapamahala!
  • Isiwalat, labanan ang katiwalian sa loob ng PAGWAD!
  • Ipagtanggol ang mga tapat na kawaning ginigipit ni GM!
  • COLA back pay, ibigay, ngayon na!
  • CNA talakayin, pagtibayin!
  • Ibigay ang patas at tapat na serbisyo sa mga tagatangkilik ng PAGWAD!



Comments

Popular posts from this blog

DOÑA LEONILA (MINI-FOREST) PARK

What is now known as Doña Leonila (Mini-Forest) Park overlooking the Sampaloc Lake is actually a portion of the site for the City Hall Complex purchased in 1937 by the Municipal Government of San Pablo headed by President Inocencio Barleta, which was partly developed after the termination of World War II under the administration of appointed City Mayor, Dr. Fernando A. Bautista. During the incumbency of elected Mayor Lauro D. Dizon Sr., with the help of the Rotary Club of San Pablo, and under the supervision of Dr. Juan B. Hernandez, then club secretary of the local Rotary Club and Chairman of the City Beautification Committee, constructed some park structures at the park, with the fountain featuring the country lass with agriculture harvest as centerpiece. Probably, Hernandez and then City Engineer Perfecto Reyes were inspired by the figures affixed on the façade of the City Hall Building which symbolizes progress. Sometimes on April of 1961 when then President Carlos Garcia made a...

FELICISIMO T. SAN LUIS, ANG ALAMAT NG LAGUNA

Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon.      Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal   ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...

BARBARA JEAN APOSTOL A San Pableña
Passed the BAR Examination in the State of New York, U. S. A.

Miss Philippines-USA 2004-2005, Barbara Jean Chumacera Apostol, 27, passed the New York State’s examination for admission to the BAR given on July 24-25, 2007 . She attained her law degree at Hofstra University School of Law in the State of New York where she graduated with honors last May 20, 2007 . At Hofstra Law School , Barbara was the Vice President of the Asian Pacific American Law Students Association and was appointed to the position of Diversity Affairs Coordinator by the president of the Student Bar Association. Ms. Apostol was a 2002 cum luade graduate of Boston College, one of the oldest Jesuit University in the United States with campus in Chestbut Hill, Massachusetts, where she majored in pre-law and communication studies. Incidentally, she completed her elementary and secondary education at Sachem High School in Lake Ronkonkoma, NY. Barbara Jean is a daughter of Antonio Apostol and former Abecinia “Baisy” Chumacera of Barangay San Francisco, San Pablo Ci...