Skip to main content

Posts

Showing posts from 2007

SAGING SA KANIYUGAN PARA SA KAUNLARAN

Nabatid sa isang ulat mula sa Samal City sa Davao Oriental na ang pagtatanim ng saging sa mga pataniman ng niyog ay makatutulong sa pagsugpo sa paninira ng brontispa longossima, ang maliliit na insektong may uring salagubang na lumalaganap na peste sa niyog, dahil sa ang earwig, isang ring uri ng insekto na kumakain ng brontispa, ay mabilis dumami at nabubuhay sa mga puno ng saging. Sang-ayon kay Pangulong Danilo Coronacion ng Coconut Industry Investment Fund – Oil Mills Group (CIIF-OMG), inilunsad sa Island Garden City of Samal (IGACOS) ang “Palatuntunang Kasagingan sa Kaniyugan”, isang banana- coconut intercropping project, sa pagtutulungan ng Department of Agriculture-High Value Commercial Crops Program (DA-HVCC) at ng Local Government Unit of IGACOS. Dito sa Laguna, ang Philippine Coconut Authority (PCA) ay may katulad na palatuntunan o intercropping program, lamang ay iba’t ibang halaman ang iminumunkahing itanim ayon kay Provincial Coconut Development Manager Lani...

PAGAMUTANG PANLALAWIGAN, NAGHAHANDA SA BAGONG TAON

SAN PABLO CITY - Gaya sa mga nakaraang taon, ang Pagamutang Panlalawigan ng Laguna (PPL) sa lunsod na ito sa pamamatnugot ni Dr. Jose F. Guia ay magpapatupad ng isang sistema ng pagkakaloob ng tulong sa mga maaari ay magiging biktima ng pagsabog ng rebentador at iba pang uri ng paputok, at tama ng bala ng baril, ang karaniwang dulot na kasakunaan ng tradisyonal na pagsasaya para salubungin ang pagsapit ng bagong taon Marami rin sa nakalipas na mga pagsalubong sa bagong taon ang nagiging biktima ng aksidente sa sasakyan dahil sa marami ang nagmamaneho ng nakainum ng alak. Ang itinatag na grupo ay isang multi-disciplinary team sa pamumunuan ng isang siruhano at may kasangguning psychologist dahil sa may mga naging karanasan sa mga pagamutan ng pamahalan sa ibang rehiyon na bagama’t ang biktimang inihahatid sa ospital ay sinasabing biktima ng paputok, ay napatutunayan na ang kapansanan ay bunga ng alitan, at dahil sa pagtatangka sa sariling buhay ng biktima, pag-uulat ni Dr. Gu...

MGA PANANAGUTAN NG BARANGAY SECRETARY

SAN PABLO CITY – Nagpapaalaala si ABC President Gener B. Amante sa lahat ng mga kalihim ng barangay sa lunsod na ito na kanilang alalahanin ang itinatagubilin sa Seksyon 394 ng Local Government Code of 1991 o Batas Republika Bilang 7160 na sila ay may pananagutang maghanda ng maayos na talaan ng lahat ng kasapi ng barangay assembly, na ang nabanggit na talaan ay dapat may mga siping nakapaskel sa ilang hayag na lugar sa barangay; at kinakailangang maghanda at mag-ingat ng maayos na record ng lahat ng resident eng barangay na nalagay ang sumusunod na impormasyon: pangalan, tirahan, dako at petsa ng kapanganakan, kasarian, kalalagayan sa buhay, pagkamamamayan, gawain o hanapbuhay, at iba pang datus na makatutulong sa ganap na ikakikilala sa isang residente. Ang barangay secretary ay dapat ding may maayos na pakikipag-ugnayan sa Local Civil Registrar para sa pagpapatala ng mga ipinanganganak, namamatay, at nag-aasawa sa barangay. Lubhang mahalaga ang mga record na ito ayon ka...

ISAAYOS ANG BARANGAY DEVELOPMENT PLAN

ALAMINOS, Laguna – Sa bawa’t pagkakataong si Senior Board Member Karen C. Agapay ay nagkakaroon ng pagkakataong makapagsalita sa mga kapulungan ng mga kagawad ng sangguniang barangay, ay lagi niyang ipinaaalaala na buuin na kaagad ang kanilang Barangay Development Council, at magkaroon ng pagsasakit na ma-update ang kanilang barangay socio-economic profile sa dahilang ang isang approved barangay development plan ang saligan sa pagpapatibay ng annual barangay budget, gaya ng nakatadhana sa Local Government Code of 1991 o Batas Republika Bilang 7160. Nang si BM Karen Agapay, na kasalukuyang siyang nanunungkulang Bise Gobernador ng Laguna, ay maging panauhing tagapagsalita sa kapulungan ng Senior Citizens Association of San Agustin noong Huwebes ng hapon, kung saan kanyang nakatagpo si Punong Barangay Rustico Danta, at ang nakararami sa mg halal na kagawad ng sangguniang barangay, kanyang ipinaalaala na ang electrification ng kahabaan ng San Agustin Section ng Alaminos-Sto. Toma...

NEW EX-OFFICIO COUNCILORS, INDUCTED INTO OFFICE

ALAMINOS, Laguna - Punong Barangay Oscar M. Masa of San Andres was formally inducted into the Office of the President of the Liga ng mga Barangay sa Bayan ng Alaminos by Mayor Eladio M. Magampon last Monday morning right after the traditional flag ceremony infront of the municipal hall according to Local Government Operations Officer Abigail N. Andres of the Department of the Interior and Local Government assigned in this municipality. Other officers of the 15-member Liga ng mga Barangay are Punong Barangay Eduardo R. Briz of Del Carmen, vice president; Punong Barangay Emerson C. Maligalig of Barangay Dos, secretary; Punong Barangay Ernesto A. Sahagun of Santa Rosa, treasurer; and Punong Barangay Nestor C. Aquino of San Juan, auditor. Directors are Punong Barangay Felix L. Mitra of Palma; Punong Barangay Eustaquio A. Abril of San Roque; Punong Barangay Rustico D. Danta of San Agustin; Punong Barangay Emerson C. Maligalig of Barangay Dos; Punong Barangay Ernesto A. Sahagun of S...

BAGONG MEJORAS, DAPAT ILAHAD SA TASADOR ANG HALAGA

ALAMINOS, Laguna – Si Municipal Assessor Edgardo F. Pasiola ay nagpapaalaala sa lahat ng mga mamumuwisan o taxpayer na nagtamo ng bagong pag-aaring di-natitinag o real estate property,halimbawa ay sa sistemang bilihan, na sila ay may pananagutang maglahad ng sinumpaang salaysay sa tunay na halaga ng pag-aaring nabili sa Tanggapan ng Tagataya sa loob ng 60 araw matapos na maukupahan ang nabanggit na pag-aari. Dapat ding maglahad ng sworn statement ang mga landowner ng loteng nagkaroon ng improvement, halimbawa ay dating lupang taniman ng lansones na pinagtayuan ng gusaling industriyal, kaya ito ay nagkaroon ng bagong assessed value dugtong naman ni Provincial Assessor Noel L. Veracruz. Ang nabanggit na alituntunin ay nakatadhana sa Section 203 ng Local Government Code of 1991 o Republic Act No. 7160, paunawa ni Pasiola. Ang nabanggit na sinumpaang salaysay ay dapat ilahad sa tasador o assessor ng lunsod o munisipyo kung saan naroroon ang lupaing paksa ng salaysay. (Ben Ta...

EXPANDED BARANGAY DEVELOPMENT COUNCIL, BUO NA SA ALAMINOS

ALAMINOS, Laguna – Nabatid mula kay Punong Barangay Rammel E. Banzuela ng Barangay San Miguel na bunga ng pagsusumakit ni DILG Local Government Operations Officer Abigail N. Andres, ay binubuo na ng mga sangguniang barangay sa bayang ito ang Expanded Barangay Development Council at ang Expanded Barangay Peace and Order Council, na kapuwa ang tagapangulo ay ang punong barangay, at unti-unti na nilang nadarama na ito ay makakapagbigay-sigla upang maayos na maipatupad ditto ang Barangay Governance Performance Management System (BGPMS) sa ikapagtatamo ng makatutuhanang Barangay Governance Report. Napansin ni Punong Barangay Banzuela na bunga ng pagkapagpalawak ng gampanin at pananagutan ng Barangay Development Council at ng Barangay Peace and Order Council kung saan ang gampanin ng iba’t ibang sanggunian sa barangay ay nasakop na ng alin man sa dalawang sanggunian, ay nagkaroon ng direksyon ang pagkilos ng sangguniang barangay upang maging ganap at walang duplikasyon ang paglilingko...

GENER B AMANTE,
BALIK SA PANGULUHAN NG LIGA

SAN PABLO CITY – Sa pamamagitan ng 58 boto na ipinagkatiwala sa kanya, si first term Punong Barangay Gener B. Amante ng Barangay San Jose ay napagwagian ang pagiging Panguo ng Liga ng mga Barangay sa Lunsod ng San Pablo sa halalang ginanap sa Rizal Hall ng San Pablo City Central School ng noong Martes ng umaga, Disyembre 11, 2007 ng naaayon sa alituntuning itinatakda ng Local Government Code of 1991 o Batas Republika Bilang 7160.. Sa isang paalaalalang pagpapayo o advisory na pinalabas ni Local Government Secretary Ronaldo Puno ay kanyang ipinaunawang ang panunungkulan ng lahat ng Pangulo ng Liga ng mga Barangay, at Tagapangulo ng Pederasyon ng Sangguniang Kabataan na nahalal noong 2002 ay natapos na noong Oktubre 31, 2007 matapos maganap ang October 29, 2007 Synchronized Barangay and Sangguniang Kabataan Elections, kaya tulad ni Del Remedio SK Chairman Kristine Ann A. Picazo na nauna nang halal na Pangulo ng Pederasyon ng Sangguniang Kabataan sa Lunsod ng San Pablo, si San Jose Puno...

HB 2662 NI IVY ARAGO, PANGANGAILANGAN

SAN PABLO CITY - Ikinatutuwa ng mga may tunay na pagmamahal at malasakit sa kagalingan ng lunsod ang paghahain ni Congresswoman Ma. Evita “Ivy” Roda Arago ng House Bill No. 2662 sa Malaking Kapulungan ng Kongreso, na nagpapanukalang ibalik mula sa poder ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) ang pagmamay-ari, pananagutan, at pangangasiwa sa pitong (7) lawa sa Pangasiwaang Lunsod ng San Pablo. Sapagka’t walang magmamalasakit sa kalikasan ng lunsod kundi mismong ang mga taga-lunsod na rin, at dapat ding isiping ang pitong lawa ay hindi lamang para sa mga mangingisda, kundi para sa kabuuan ng lahat ng mamamayan ng lunsod. Isang dating pinunonglunsod ang nagsabing pagkalipas ng dalawang (2) dekada ay saka lamang nagkaroon ng kinatawan ang Ika-3 Distrito ng Laguna sa Kongreso na nalamam, nadarama, at higit sa lahat ay may tunay na makasakit sa kapakanan at kagalingan ng isang mahalagang likas-yaman ng lunsod na ang kabuuan ng lunsod ang dapat makinabang. Si Congresswo...

PEBRERO, BUWAN NG PHILHEALTH

Si dating Senador Juan Martin Flavier (kanan) samantalang nanunumpa kay Health Secretary Francisco T. Duque III bilang kagawad ng Board of Directors ng PhilHealth. Sa pamamagitan ng Proclamation No. 1400, sa layuning maikintal sa kaisipan ng mga mamamayan ang halaga ng papel na ginagampanan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) , na isang palatuntunang panglipunan, ang Buwan ng Pebrero ng bawa’t taon, na magsisimula sa Taong 2008, ay ipinahahayag na PhilHealth Month. Ang PhilHealth na isang Government Owned and Controlled Corporation upang magpatupad ng Pambansang Palatuntunan sa Kaseguruhang Pangkalausugan o National Health Insurance Program ay natatag sa bisa ng Batas Republika Bilang 7875 na napagtibay noong Pebrero 14, 1995, at nagsimulang akuin ang pananagutan sa pagpapatupad ng dating Medicare Program para sa sektor ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan simula noong Oktubre ng 1997 ng ilipat ng Government Service Insurance System (GSIS) ang pondo ukol ditto, ...

Official Logo of Coco Fest 2008

BARBARA JEAN APOSTOL A San Pableña
Passed the BAR Examination in the State of New York, U. S. A.

Miss Philippines-USA 2004-2005, Barbara Jean Chumacera Apostol, 27, passed the New York State’s examination for admission to the BAR given on July 24-25, 2007 . She attained her law degree at Hofstra University School of Law in the State of New York where she graduated with honors last May 20, 2007 . At Hofstra Law School , Barbara was the Vice President of the Asian Pacific American Law Students Association and was appointed to the position of Diversity Affairs Coordinator by the president of the Student Bar Association. Ms. Apostol was a 2002 cum luade graduate of Boston College, one of the oldest Jesuit University in the United States with campus in Chestbut Hill, Massachusetts, where she majored in pre-law and communication studies. Incidentally, she completed her elementary and secondary education at Sachem High School in Lake Ronkonkoma, NY. Barbara Jean is a daughter of Antonio Apostol and former Abecinia “Baisy” Chumacera of Barangay San Francisco, San Pablo Ci...

TAX INCENTIVES BY LEGARDA

Nagsalita sa flag ceremonies sa City Hall noong Lunes ng umaga, sinabi ni Senadora Loren Legarda na nagsusulong siya ng isang panukalang batas na magkakaloob ng karagdagang kaluwagan at biyaya sa mga kusangloob na nagsisipaglingkod sa pamayanan, tulad ng mga Barangay Nutrition Scholar, Barangay Health Worker, at maging sa mga Senior Citizen sa buong bansa. (BENETA News)

Disaster Preparedness Advocacy Program In The City

SAN PABLO CITY - The "Be Safe and Sound" campaign has been introduced here by Generali Pilipinas, as advocate of home disaster preparedness in the country, because according to Regional Director Leo A. Valenton, safety starts at home, at work, and in the community. Safety is everyone’s responsibility he added. To achieve their mission, Generali Pilipinas has developed their own “Home Safety Manual” applicable to Philippine conditions. Backed by its mother company, the Assicurazioni Generali, a market leader in insurance industry in Italy founded in 1831, their aim is to assist the Filipinos in securing and protecting their homes, businesses, properties and lives, Leo Valenton told the members of the South Luzon Team that recently met at Biggs Dinner along A. M. Regidor Street, opposite the San Pablo City Shopping Mall. As a corporate initiative, Valenton reported that they had been organizing trainings and learning conferences being attended by community leaders to equip the...

BEER PLAZA NA KAUGNAY NG COCOFEST 2008

Gaya ng nakaugalian kung isinasagawa ang taunang Cocofest, sa darating na Enero 7 – 15, 2008 ay muling magkakaroon ng gabi-gabing beer plaza sa kahabaan ng Avenida Rizal na maituturing ng isang institusyon na nagtatampok sa mga produkto ng San Miguel Brewery, Inc., lalo na ang San Miguel Pale Pilsen sang-ayon kay Advocacy Officer Mac Dormiendo. Magugunitang si Dormiendo ang isa sa mga naging kasangguni ni Mayor Vicente B. Amante ng balangkasin ang palatuntunang naging batayan sa pagkapaglunsad ng Coconut Festival noong Enero ng 1996 na ang pinakatampok ay ang Mardi Gras o Street Dancing Competition, at kanyang sinabing ang beer plaza ay maitutulad sa “pundahan” na ginaganap sa San Pablo noong bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pangdaigdig sa harapan ng simbahan, na noon ay karaniwang tinatawag na Plaza Rizal, na ang ugat ay ang tradisyon ng Oktoberfest na taunang isinasagawa sa Alemanya, na unang itinanghal sa Munich noong Oktobre 12, 1810 upang magbigay saya sa paggunit...

Estudyante ng University of Batangas nanguna sa PSQ

Isa na namang estudyante mula sa lalawigan ng Batangas ang kakatawan sa Katimugang Tagalog sa Philippine Statistics Quiz (PSQ) na taunang isinasagawa ng National Statistics Office (NSO) sa tulong ng Philippine Statistical Association (PSA). Si Justin Angelo P. Alvarez, estudyante sa Engineering ng University of Batangas ang siyang nanalo sa ginanap na PSQ Regional Elimination noong nakaraang Nobyembre 13 sa CAP Development Center sa Lipa City. Tinalo ni Justin ang dalawampu’t tatlo pang kalahok sa nasabing paligsahan mula sa iba’t-ibang unibersidad na sakop ng rehiyon. Ang PSQ ay taunang paligsahan sa larangan ng Estadistika na unang isinagawa noong 1992. Ito ay isang hakbang para malaman ng madla ang halaga ng estadistika sa ating buhay. Sinasalihan ito ng mga mag-aaral sa unang taon ng kolehiyo na nakapagtapos ng sekondarya ng nakaraang Marso (o Abril). Ngayong taong ito, umabot sa 121 na estudyante mula sa 50 eskwelahan ng rehiyon ang sumali sa PSQ. Mula dito, da...

YOUTH GUILD, ISANG PANGANGAILANGAN - TINTIN PICAZO

Nasa tamang direksyon ang pananaw ni Chairman-Elect Kristine Ann “Tintin” A. Picazo ng Sangguniang Kabataan ng Del Remedio, lunsod na ito, na may pangangailangan na ang mga lider kabataan sa isang lunsod o munisipyo ay dapat na mabuo sa isang guild o asosasyon ng may magkakatulad na interes at layunin sa buhay, sapagka’t ito ang magiging daan upang ang kaisipan ng mga indibidwal sa loob ng asosasyon ay magkaugnay-ugnay at malapat sa isa’t isa sa ikapagtatamo ng pinagkakaisahang lungatiin para sa pamayanan. Sa Estados Unidos, doon, ang bawa’t uri ng hanapbuhay at libangan ay may ispisipikong samahan o guild, halimbawa, ang mga propesyonal na nagsisipag-apina ng piyano o piano tuning technician ay miyembro ng Piano Technicians Guild na kinikilala sa Kontinente ng America, at ang guild ang mekanismo upang ang mga miyembro ay patuluyang napapaalalahanan tungkol sa kahalagahan ng kanilang gawain para sa kagalingan ng kultura ng musika, at ng industriya ng piyano sa kanilang bansa. Ayon kay ...

Announcement!!!

MSC Grand Alumni Homecoming

Bakanteng Posisyon Sa Sangguniang Kabataan, Kailangan ay Special Election

Kaugnay ng suliranin ng maraming barangay sa bansa na walang nagsipagkandidato sa para maging kagawad ng sangguniang kabataan, napag-alaman mula kay Dr. Florida M. Dijan, Assistant Regional Director ng DILG-Region IV-A na ito ay dapat punuan sa pamamagitan ng isang Special Election gaya ng itinatagubilin ng sa Section 435(a) ng Local Government Code of 1991 o Batas Republika Bilang 7160. Kung wala pa ring maghangad ng tungkulin o walang nag-file ng certificate of candidacy upang lumahok sa special election na itinatakda sa ispisipikong barangay, nabanggit ni Dr. Dijan na ang bakanteng posisyon sang-ayon sa batas ay dapat italaga ng Pangulo ng Bansa, at upang ito ay praktikal na maisagawa, minarapat ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noon pang Enero 12, 2007 na pagtibayin ang Administrative Order No. 168 na ipinagkakatiwala ang pagtatalaga sa mga kagawad ng sangguniang kabataan sa Kalihim ng Interyor at Pamahalaang Lokal. Kaugnay ng kapangyarihang ito, si Inter...

BARANGAY SAN JOSE, MAY POTENSYAL

Naninindigan si Chairman-Elect Gener B. Amante ng Barangay San Jose na dahil sa kasalukuyang kalalagayan ng kanyang pamayanan, ay may pangangailangan na magkaroon ng isang maingat na pagpaplano upang mapangalagaan ang maganda pang kaayusan ng kapaligiran nito, at mapagyaman ang potensyal ng barangay bilang sentro ng mga mahahalagang aktibidades ng pamahalaan. Ayon sa dating Pangulo ng Liga ng mga Barangay, nasa San Jose ang kampus ng Dalubhasaan ng Lunsod ng San Pablo, at naroroon din ang nagsisimula ng makilalang San Pablo City Science High School, bukod pa sa sariling San Jose National High School. Naririto rin ang Office of the City Agriculturist na nagbibigay sigla sa industriya ng paghahalaman sa lunsod. Sa Barangay San Jose ay mayroon dalawang malaking paggawaan. Isang pagawaan ng gamut na panturok, at isang planta ng bottled water, na ang kanilang produkto ay hindi lamang ipinamamahagi sa loob ng bansa, kundi iniluluwas sa iba’t ibang bansa sa Asia, paalaala ni Amant...

San Pablo City’s Call Center Is Now Open

Being managed by MSC Institute of Technology, the San Pablo City Cyberlink Call Center was formally opened at 3rd Floor of El Coco Building along Artemio B. Fule Street in San Pablo City last Tuesday morning, November 6, 2007, and now serving the tourism industry in the United States, making the City of Seven Lakes belonging to the prestigious global call center industry, according to President Virgilio Y. Prudente. A call center is a centralized office used for the purpose of receiving and transmitting a large volume of request by telephone on behalf of a large corporation. The opening of a locally owned and home-grown call center have proven that San Pablo City has a pool of world class talents according to President Ed de la Cruz of the Philippine Chamber of Commerce and Industry, Inc. –San Pablo City Chapter. It will provide employment opportunities to young people and spur economic development in the city for the Province of Laguna. Aside from Prudente, who is the Immediate Past ...

San Pablo City’s first call center to open on November 6

San Pablo City - joins the prestigious global call center industry when its first call center opens on November 6. Engr. Virgilio Y. Prudente, president of the San Pablo Cyberlink Corporation which owns the call center, said his company will employ an initial of 20 call center agents. President Prudente explained that a call center is an office whose business is to deal with customer phone call, or it is an agency that handles high-volume incoming telephone call on behalf of a large organization. The Call Center will be managed by the MSC Institute of Technology. It is located at the 3rd floor of the El Coco Building along Artemio B. Fule Sreet in San Pablo City, and will initially cater to or serve the tourism industry in the United States. “Finally, San Pablo City will be able to compete nationally and globally. Knowing that call centers are situated in big cities such as Manila and Cebu, and in other countries such as India, with locally own and home-grown call center, it can be pr...

ADVISER MET HIS WARDS

A total of 62 of the 80 newly elected Chairmen of Sangguniang Kabataan in San Pablo City were briefed by Mayor Vicente B. Amante on the role of the youth leaders in the local government unit administration during a get-together party he tendered at the Social Hall of the Richwood Subdivision Clubhouse in Barangay San Jose last Wednesday evening. He appealed to the young barangay officials to focus their activities on environmental sanitation and beautification, and on the implementation of alternative education program in the community. (RET )

Running unopposed

former City Councilor Gener B. Amante formally took his oath of office as the new punong barangay of Barangay San Jose in San Pablo City before Assistant Provincial Prosecutor Florante D. Gonzales of Laguna during a ceremony held at One Stop Processing Center 12 hours after he was officially proclaimed as the elected village executive. Barangay San Jose play host to two multi-national corporations engage in the production of bottled water and injectable medicine. (RET)

ANG NGITI NG TAGUMPAY.

Ang nasa larawan ay si Anna Maria Rubi Belarmino Diaz na tumapos ng Accountancy and Management Course mula sa Laguna College noong nakaraang Marso, ay isa sa matagumpay na nakapasa sa pagsusulit na ipinagkaloob ng Board of Accountancy ng Professional Regulation Commission (PRC) noong nakaraang linggo at napabilang na ang kanyang pangalan sa Roll of Certified Public Accountants ng Pilipinas. . Siya ay anak ng mag-asawang Danilo Diaz ng Barangay VI-D, at dating Ma. Elenita Rubi Belarmino ng San Pablo City Assessor’s Office. Si CPA Anna Ma. Rubi B. Diaz ay pamangkin ni Vice President Sandy Belarmino ng 7 Lakes Press Corps. (CIO/Pedrito D. Bigueras)

WE WILL DEVELOP THE COUNTRYSIDE - LAZARO

SAN PABLO CITY –In the interview given by Governor Teresita S. Lazaro to the leaders of the Seven Lake Press Corps after a ceremony held at the San Pablo Central School here recently, she said that to help develop more micro and small entrepreneurs in Laguna, she had instructed the Provincial Planning and Development Coordinator to conduct a comprehensive studies to formulate a program that would facilitate the establishments of a Packaging Research and Development Center, in order that local enterprises could easily penetrate supermarkets in the country and selected overseas markets to help create more jobs in the province. The lady governor said her office with seek the help of the Department of Trade and Industry (DTI), and of the Department of Science and Technology (DOST), for the design of a seal that would serve as the iconic symbol of quality of any article of commerce produce within the jurisdiction of the Province of Laguna. Ningning ...

COCONUT FESTIVAL ON JANUARY 7 – 15, 2008

SAN PABLO CITY - The 13th Coconut Festival and Fair will be held on January 7 – 15, 2008 according to City Administrator Loreto S. Amante, Chairman of the City Coconut Festival Committee. It will feature the Mardi Gras or Street Dancing Contest, an activities which place San Pablo City as a tourist destination under the Programs of the Department of Tourism, and accredited or recognized by the National Historical Institute. To coincide with the weeklong commemoration of the 412th Anniversary of the Founding of the Parish of Saint Paul, The First Hermit, which is now the seat of the Diocese of San Pablo, Inc., the other activities are the nightly cultural presentation and musical extravaganza, and beer plaza to be sponsored by various commercial corporations, as well as by the Office of the Provincial Governor, Amante reported. The annual Mardi Gras is consider as the city’s largest public festival participated by students and special groups donned in attire m...

RECEIVING AWARDS IS AMANTE’S ROUTINE CPO LOLITA DAYO

Receiving awards as an Outstanding City Mayor is seem already a routine for Mayor Vicente B. Amante as the 5th Elected City Mayor of San Pablo according to former City Population Officer Lolita S. Dayo, who served as City Nutrition Action Officer from 1983 to 2005 when she reached the mandatory retirement age. When he assumed office as Mayor on June 30, 1992, among his initial actions was to recommend the creation of the Office of the City Administrator, Office of the City Population Officer, Office of the City Cooperative Officer, and the Office of the City Information Officer, in accordance with the provisions of the Local Government Code of 1991 or Republic Act No. 7160, believing that the creation of these offices will help enhance the delivery of educational, health, and social services to the community, particulary among those living in the countrysides. In effect, Mrs. Dayo said that on November of 1993, San Pablo was chosen as “The Most Outstanding Local...

KAUNAUNAHAN SA ISLA NG LUZON

ANG KALINISAN AY SUSI SA KAUNLARAN, KAYA’T KAPALIGIRAN AY ATING PANGALAGAAN - Nasa larawan ang mga pangunahing tauhan ng San Pablo City Solid Waste Management Office, sa pangunguna ni Engr. Ruel Dequito, kasama ang mga staffer na sina Danilo Biglete, Guillermo Atienza, Richard Biglete, Elvie Funtanilla, Maricel Carandang, Rochel Quinto, Ma. Richelle Abutan, Jennilyn Banaag at Cleoteldo Melo samantalang ipinakikita ang Certificate of Recognition na kaloob ng National Solid Waste Management Commission (NSWMC) na isang kawanihan sa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo na nagpapahayag na ang City Government of San Pablo ang kaunaunahang yunit ng pamahalaang local sa CALABARZON Area na nakapagpatayo at nagpapakilos ng isang Categorized Sanitary Landfill na may kaakibat pang Material Recovery Facility. (sandy belarmino/dyaryo sa telebisyon)

Amante receive the awards

Makikita sa larawan si City Administrator Loreto S. Amante samantalang tinatanggap ang Plaque of Recognition na iginawad ng Association of Local Social Welfare and Development Officers of the Philippines, Inc. kay San Pablo City Mayor Vicente B. Amante bilang Most Outstanding City Mayor of the Philippines in the Field of Social Welfare and Development mula kay DSWD Undersecretary Lualhati Pablo, na sinaksihan nina Laguna Senior Board Member Karen C. Agapay, Laguna Provincial Social Welfare and Development Officer and ALSWDOPI National President Ernesto M. Montecillo, Davao del Norte Governor. Rodolfo P. del Rosario at Davao City Administrator Atty. Wendel E. Avisado. Ginanap ang pagpaparangal sa Grand Men Seng Hotel sa Downtown ng Davao City noong Miyerkoles ng tanghali. (7LPC/ sandy belarmino)

DIVISION OF SAN PABLO CITY, SHINE AT REGIONAL SCIENCE CAMP

Referred to as “a token delegation” due to its number, the representatives of the Division of San Pablo City to the Regional Environmental Science Camp held in Bacoor, Cavite last September 12 – 14, 2007 participated by high school students from the 13 provincial and city schools divisions that comprises Department of Education-Region IV-A (CALABARZON), shine in all categories of competition, except in Poster Making Contest, according to General Education Supervisor (for Science) Erlinda D. Abrenica in her report to Mayor Vicente B. Amante and City Schools Superintendent Ester C. Lozada. It could be categorically said that “The Division of San Pablo City won in all individual competitions” during the Regional Environmental Science Camp attended by selected participants from the Provincial Schools Division of Batangas, Cavite, Laguna, Quezon and Rizal, and City Schools Division of Batangas, Calamba, Cavite, Lipa, Lucena, San Pablo, Santa Rosa and Tanauan, Ms. ...

SSS Medical & Dental Mission

Personal na pinangunahan ni South Luzon Cluster Assistant Vice President Aida V. de los Santos ang pangangasiwa sa isinagawang medical and dental mission ng Social Security System (SSS) noong nakaraang Miyerkoles, Setyembre 19, 2007, iniuugnay sa paggunita ng korporasyon ng kanilang ika-50 taon ng pagkakatatag sa buwang ito. Sa larawan, nasa dakong likuran si Bb. de los Santos ni Dra. Marivic L. Guia, isang medical specialist sa City Health Office na nagsusuri ng isang pasyente. Bahagi ng misyon ang pagkuha ng blood pressure, test for cholesterol, at iba pang pagsusuri na isinagawa sa City Mobile Clinic na ipinadala ni Mayor Vicente B. Amante. (RET)

Ms. Aida V. De los Santos of SSS

Assistant Vice President Aida V. de los Santos confers with the trainers from SSS Central Office in Diliman that conduct Training on Self-Employed/Voluntary Members (SE/VM) Maintenance for key personnel assigned in the SSS Provincial Offices in the CALABARZON and MIMAROPA Areas to make sure that payments made by self-employed and voluntary members are immediately posted and their records are updated. Ms. de los Santos said they give focus on the records of self-employed and voluntary members since they cannot afford to hire qualified personnel to actuate or look after their records in the system. (RET)

VIC AMANTE IS OUTSTANDING CITY MAYOR

City Mayor Vicente B. Amante will be recognized as “Outstanding City Mayor in the Field of Social Welfare and Development” by the Association of Local Social Welfare and Development Officers of the Philippines, Inc. during its 11th National Social Welfare and Development Forum to be held at the Grand Men Seng Hotel in Davao City this coming Wednesday, September 26, 2007, according to Dr. Ernesto M. Montecillo, Provincial Social Welfare and Development Officer of Laguna, and incumbent National President of the association and convenor of the forum. Noted by Social Welfare and Development Secretary Esperanza Cabral, the letter of Dr. Montecillo said the award is in recognition of the full support of the City Government of San Pablo to consistently implement the Social Welfare and Development Program in the city under his leadership. Viz: the city indigency assistance program that received more than P15-million budgetary appropriation during Calendar Year 2006, and P23-million for Calenda...

ROBIELOS OF LAGUNA COLLEGE
To represent San Pablo City at the Regional Population Quiz

Coached Enrico Ortega and Contestant Romy Robielos Romulo O. Robielos II, a fourth year high school student at the Laguna College, and being coached by Economics and Filipino Teacher Enrico Ortega, emerged as champion in the 2007 Division Population Quiz held at the Rizal Hall of the San Pablo Central School, sponsored by the Division of San Pablo City, in coordination with the City Population Office. He will represent the Division of San Pablo City to the Regional Population Quiz to be held on Friday, October 5, 2007, at the Parang National High School to be hosted by the Division of Batangas City in Batangas City, through the coordination of the Secondary Education Division of the Department of Eduation-Region IV-A (CALABARZON). He is the youngest son of Romulo N. Robielos, and former Belencita Orrillaza of Barangay Mavenida, San Pablo City. (Ben Taningco)

13th National Crime Prevention Week

SAN PABLO CITY – Tuwirang binanggit ni Director Emilio P. Salumbides ng National Police Commission-Region IV-A na ang krimen ay hindi masusugpo sa pamamagitan lamang ng pagtutulungan ng pulisya, ng tagausig, at ng hukuman, kundi ito ay pananagutan ng lahat, lalo na ng mga karaniwang mamamayan, na siyang tuwirang apektado ng mga nagaganap na krimen, at maging ang napapaulat na pag-abuso ng ilang kagawad ng pulisya ay hindi rin maihahanap ng katarungan kung walang tulong ng mga mamamayan. Si Atty. Salumbides ang naging pangunahing tagapagsalita sa palatuntunan ng paglulunsad ng ng 13 th National Crime Prevention Week na itinaguyod ni Alkalde Vicente B. Amante at ng Sangguniang Panglunsod noong Sabado ng umaga Setyembre 1, 2007 sa San Pablo Central School Stadium. Ang National Police Commission o NAPOLCOM ay isang ahensyang iniaatas ng 1987 Constitution, na ipinatutupad sa bias ng mga Batas Republika Bilang 6975 at 8551 na lalong kilala bilang “PNP Reform an...

Maaasahang Kaibigan Ang SSS

SAN PABLO CITY – Sa pagsapit ng ika-50 taon ng pagkakatatag ng Social Security System (SSS) noong nakaraang Sabado, Setyembre 1, 2007, sa pakikipanayam sa mga kagawad ng local mass media ay nabanggit ni Assistant Vice President Aida V. de los Santos ng South Luzon Cluster, na sa nakalipas na limampong taon, o simula noong Setyembre 1, 1957, ang SSS ay matapat na kaagapay sa mga pangangailangan ng manggagawa; kaibigan sa pagbibigay ng makabuluhang proteksyon sa mga kasapi ng sistema at kanilang pamilya; at kabalikat sa pagpapaunlad ng kabuhayan o ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagpapatupad ng isang maunlad at angkop na social insurance program o palatuntunang magkakaloob ng kapanatagang panglipunan. Tuwirang tinukoy ni de los Santos na ang SSS sa nakaraang limang (5) dekada ay nakapagkaloob ng ginintuang paglilingkod bilang tunay na kasama na bumabalikat sa mga suliranin ng mga manggagawa. Masasabing isang magandang alaala na ipinagkaloob ng mga mamamayan, na...

Ang Committee on Public Market and Slaughterhouse

abanggit ni Concejal Paolo Jose Cristobal C. Lopez na ang Committee on Public Market and Slaughterhouse ng Sangguniang Panglunsod na kanyang pinamamatnugutan bilang chairman, ay hindi isang fact finding committee na ang gampanin ay humanap ng mga maipalalagay na pagkakamali sa operasyon ng pamilihan at matadero ng lunsod, pagkatapos ay kondenahin ito, kalakip na ang mga pinunong lunsod na may kaugnayan sa pagpapakilos at pamamahala rito. Sa halip, ang komite ay isang kalipunan ng mga kagawad ng sanggunian na nag-aaral at bumabalangkas ng mga palatuntunang inaakalang magtataas sa antas ng kalalagayan ng pamilihan at ng matadero para sa kagalingan ng mga mamamayan, at para may mapagkunan ng pondo ang pangasiwaang lunsod na ibabalik sa mga mamamayan sa pamamagitan ng mga paglilingkod na pangkalusugan, panglipunan, at pampaaralan. Nabanggit ni Concejal Pamboy na komplekado ang operasyon ng pamilihang lunsod, sapagka’t ito ay hindi pangsariling pananagutan ng pangasiwaa...

OMBUDSMAN REGIONAL OFFICE, GANAP NA NAGLILINGKOD

Nagpapaalaala si Deputy Ombudsman for Luzon Victor C. Fernandez na ang Ombudsman Regional Office sa Calamba City na pormal na binuksan noong nakaraang Mayo 15, 2006 o 15 buwan na ang nakalilipas ay ganap ng operasyonal at ang mga nakatalaga ritong Associate Graft Investigation Officer ay pamilyar na sa kalalagayan ng mga lalawigang bumubuo ng CALABARZON Region. Ang kanilang spacious office space ay nasa 2 nd Floor ng New City Hall Building sa kahabaan ng Bacnotan Road sa Barangay Real sa Calamba City, at ang kanilang telepono ay (049) 545-0220. Ang ZIP Code ng Calamba City kung ang komunikasyon ay ipadadala sa pamamagitan ng koreo ay 4027. Ayon kay Associate Graft Investigation Officer Elmo A. Unay, isa sa pangunahin nilang naipaglilingkod sa mga kawani at manggagawa ng alin mang ahensya ng pamahalaan, pambansa, pangrehiyon, at panglokal, ay ang pagkakaloob ng clearance sa mga nagbabalak na magretiro o magbitiw na sa kanilang tungkulin. Ang kinakailangan lam...

RURAL BANK OF SEVEN LAKES, ADOPTED STO. CRISTO SCHOOL

As expression of gratitude to the community for their continuous patronage of the products and services of the Rural Bank of Seven Lakes (San Pablo City), Inc, the bank management recently donated 250 copies of English Workbooks in English and in Reading for all grade levels at the Sto. Cristo Elementary School, a unit of the Division of San Pablo City, under the “Adopt-A-School Program” stipulated in Republic Act No. 8525. Founded in November 21, 1974 and now on its 33rd year of operations, Chairman/President Odilon I. Bautista said the donation was made since it one of the mission of the Rural Bank of Seven Lakes to help the youth of the city to be globally competitive in the right use of English language, and in instilling proficiency on this subject. Proficiency in English will also help students understand subjects in Economics and discussion on governance. Bank Manager Eduardo M. Garcia recalled that last year,RB7Lakes established and sponsored the On-The-Spot Essay Writi...

OUTSTANDING TEACHER IS A SAN PABLEÑA

Mrs. Madeline P. Rivera, a public school teacher assigned at the San Pablo Central School, was chosen as One of the Most Outstanding Teacher 2007 for elementary school category by the .Metrobank Foundation, Inc., in partnership with the Department of Education (DepEd) and the Commission on Higher Education (CHED), that annually sponsors the Search for Outstanding Teachers . Each school unit is qualified to one nominee for each category and each awardee receive P250,000 as cash prize, part of which is for the faculty development program of his/her school. The Search for Outstanding Teachers (SOT) represents Metrobank Foundation's commitment to promote a culture of excellence in education by recognizing the country's best mentors who can be upheld as models not only for educators but for other community members as well. More than 200 exemplary elementary, high school, and college teachers from all over the country have so far been awarded since its launching in 1985.. Other win...

Operation Sagip Niyog

Pinagsisikapan ni Punong Barangay Ignacio B. Garcia (kanan) ng Barangay Sta. Catalina na maging pamilyar sa kaanyuan ng coconut leaf beetle (Brontispa Longissima) na kasalukuyang namiminsala sa mga punong niyog dito sa Katimugang Tagalog. Kasama niya sa larawan si dating Punong Barangay Roman Rivera ng Barangay Dolores na dumalo rin sa papulong na ipinatawag ng Philippine Coconut Authority sa Starlake Hotel and Resort sa Barangay San Buenaventura kamakailan. (RET)

2007 CREBA National Convention
on October 25 – 27 in Cebu City

Real estate industry players will converge at Cebu City on October 25-27 for the 2007 National Convention of the Chamber of Real Estate & Builders' Associations (CREBA), to be hosted by CREBA-Cebu, on the theme "The Land Sector's Quantum Leap to the Future". As the theme suggests, the event will highlight the latest technologies that could propel the land sector to unprecedented heights in the coming years. The 2007 Convention will tackle such topics as geographic information systems (GIS), land information databasing, optimizing internet use for global business networking, business process outsourcing, and a host of other relevant issues. The annual national convention traditionally offers CREBA members, as well as non-members, excellent opportunities for information-sharing and business and social networking, through the series of symposia, workshops, government-private sector dialogues, and social, athletic and fellowhsip activities. ...

MAGTANIM NG PUNONG NIYOG PARA SA UBOD

Bagama’t ang mga batang punong niyog o ang mga punong wala pang tatlong (3) taong naitatanim sa plantasyon ay hindi sakop ng pagbabawal putulin sa ilalim ng Coconut Preservation Act o Republic Act No. 8048, nagpapayo si Regional Coconut Development Manager Edilberto M. de Luna sa mga nagnanais na magtanim ng punong niyog para pagsapit na tamang laki ay putulin para kunin ang ubod, na ang binabalak na pagtatanim ay iulat sa pinakamalapit na tanggapan ng Philippine Coconut Authority (PCA) upang ang palatuntunan ay maayos na masubaybayan ng pangasiwaan para sa Kagawaran ng Pagsasaka. Nilinaw ni de Luna na “ang punong niyog na wala pang tatlong (3) taong naitatanim ay hindi kasama sa pagbabawal putulin, at ito ay maaaring anihin para kunin ang ubod na hindi nalalabag ang Batas Republika Bilang 8048 at ang Implementing Rules and Regulations nito.” Kaugnay ng produksyon ng ubod, na kinikilalang bahagi ng palatuntunan sa produksyon ng pagkain, iniulat ni de Luna na ang Research...

MAJOR ALICBUSAN, LIMOT NA BAYANI

Pag-alinsunod sa Batas Republika Bilang 9492, na sumusog sa Section 26, Chapter 7, Book I of Executive Order No. 292, o Administrative Code of 1987, ang huling Araw ng Lunes ng Buwan ng Agosto ay itinatakdang Pambansang Araw ng mga Bayani o National Heroes Day, Simula ng manungkulan si Alkalde Vicente B. Amante ay naging tradisyon na ang paggunita sa Pambansang Araw ng mga Bayani ay ganapin sa paanan ng bantayog ni Gat Andres Bonifacio sa dahilang ito ay nakatayo sa kapaligiran ng Doña Leonila (Mini-Forest) Park, at ang bantayog ay malapit lamang sa Bantayog Para Sa Alaala ng mga Martir ng Himagsikan na ipinatayo ng mga Diakonesa ng Iglesia Filipina Independiente noong ikalawang dekada ng pananakop ng mga Americano; at pananda para sa mga Defenders of Bataan and Corregidor at iba pang bayani ng Ikalawang Digmaan. Ang bantayog ay halos katapatan ng isang concrete obelisk o pananda para sa alaala ni Major Leopoldo Alicbusan ng 27th Company ng Philippine Constabulary (PC) n...