Magkasabay na tumapos ang magkapatid na Maria Elena “Happy” D. Belarmino (kaliwa) na natamo ang titulong Bachelors of Science in Civil Engineering, at Joana Finna “Ana” D. Belarmino na ang natamo ay titulong Bachelors of Science in Nursing , sa Laguna College. Kuha ang larawan pagkatapos ng commencement exercises na ginanap sa LC Quadrangle noong nakaraang Linggo ng gabi, Abril 10, 2011. Sina Happy at Ana, na kapuwa naghahanda para sa kanilang pagkuha ng government examination ay anak ng mag-asawang Sandy at Maricar Belarmino ng Seven Lakes Press Corps in San Pablo City. (CIO/Jonathan Aningalan)
Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon. Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...
Comments
Post a Comment