Ang unang 17 yunit ng tricycle-type patrol vehicle na ipinagkaloob ng Tanggapan ni Alkalde Vicente B. Amante sa 17 barangay sa kalunsuran na may nakatayong sangay ng bangko at iba pang financial institution sa layuning mapasigla ang pagmamatyag ng mga pinunong barangay sa kalalagayang pangkapanatagan sa sakop ng kanilang pananagutan na may pakikipag-ugnayan sa San Pablo City Police Station, ay pinabasbasan sa kahilingan ni CityAdministrator Loreto S. Amante akay ng paniniwalang ang lahat ng mabuting gawa ay dapat isagawang may pagtitiwala sa Poong Maykapal. (CIO/Diogenes L. Bunquin)
Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon. Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...
Comments
Post a Comment