Skip to main content

TAMANG EDUKASYON

     Sa tunay na takbo ng buhay, hindi ang mga kinikilalang “berde ang utak” o yaong mga sinasabing may  highly developed ability to think, reason, and understand, especially in combination with wide knowledge ang nagtatagumpay bilang propesyonal o bilang mga mananaliksik, sa halip ay yaon lamang  mga nabibilang sa “above average” subali’t matiyaga at may dedikasyon na matamo ang kanilang mga pangarapin. Ito ang nabanggit ni  City Administrator Loreto S. Amante nang siya ay kapanayamin ng pahayagang ito pagkatapos na siya ay magsalita sa gradwasyon ng Santisimo Rosario  National High School noong nakaraang Biyernes, Abril 1, 2011.

     Ayon sa City Administrator na tumapos ng kurso sa Foreign Service sa De La Salle University  sa Maynila,  maging sa mga samahan ng mga propesyonal, tulad ng Integrated Bar of the Philippines (IBP), ng Philippine Institute of Civil Engineers (PICE), at ng Philippine Medical Association (PMA), ang mga nagiging lider ay hindi iyong mga first placer sa government examination, kundi iyong karaniwan lamang noong sila ay nagsisipag-aral, lamang sila ay may tiyagang pagsikapang ang kanilang kamalayan ay maiangkop sa pangangailangan ng kanilang propesyon.

     Isa ring pangangailangan upang maging matagumpay na propesyonal ang pagkakaroon ng maayos na kamalayan sa sining ng komunikasyon, kaya ang payo ni Amben Amante sa  mga batang na dapat mapaunlad nila ang kanilang kamalayan at kasanayan sa Wikang English, sapagka’t dapat tanggapin ang katotohanang ang English ang nagiging pandaigdigang wika lalo na ng mga gumagamit ng internet o electronic media sa kanilang mga pangkaraniwang pakikipagtalastasan.

     Karaniwang naririnig sa mga kasapi ng Professional Regulations Commission (PRC) na ang marami sa mga kumukuha ng government examination ay nabibigong makapasa  o nahuhulog dahil sa hindi nila ganap na nauunawaan ng instruksyon sa pagsusulit na kalakarang nasusulat sa Wikang English.

     Nagugunita ng may  ulat nito, na sa apat na taon niyang pag-aaral sa Mapua Institute of Technology, ang lahat ng mga nagiging board topnotcher sa Examination for Civil Engineers, for Chemical Engineers, and for Achitects, ay pawang naging miyembro ng Editorial Board ng The Builders, ang opisyal na pahayagan ng nabanggit na kolehiyo, na noon ay pangunahing kasapi ng College Editors’ Guild (CEG).
     Si City Administrator Loreto “Amben” S. Amante  ay naniniwalang “ang komunikasyon ay bahagi ng tamang edukasyon, at ang edukasyon ang pundasyon at haligi o pilar para sa matatag na hinaharap ng ating mga anak.” (Ruben E. Taningco)

Comments

Popular posts from this blog

FELICISIMO T. SAN LUIS, ANG ALAMAT NG LAGUNA

Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon.      Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal   ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...

DOÑA LEONILA (MINI-FOREST) PARK

What is now known as Doña Leonila (Mini-Forest) Park overlooking the Sampaloc Lake is actually a portion of the site for the City Hall Complex purchased in 1937 by the Municipal Government of San Pablo headed by President Inocencio Barleta, which was partly developed after the termination of World War II under the administration of appointed City Mayor, Dr. Fernando A. Bautista. During the incumbency of elected Mayor Lauro D. Dizon Sr., with the help of the Rotary Club of San Pablo, and under the supervision of Dr. Juan B. Hernandez, then club secretary of the local Rotary Club and Chairman of the City Beautification Committee, constructed some park structures at the park, with the fountain featuring the country lass with agriculture harvest as centerpiece. Probably, Hernandez and then City Engineer Perfecto Reyes were inspired by the figures affixed on the façade of the City Hall Building which symbolizes progress. Sometimes on April of 1961 when then President Carlos Garcia made a...

IN CASE OF EMERGENCIES IN SAN PABLO CITY

IN CASE OF EMERGENCIES IN SAN PABLO CITY, HERE ARE SOME IMPORTANT NUMBERS: MERALCO HOTLINES: 5617773, 5617780, 09209474776, 09209474754 FIRE DEPARTMENT: 5627654 BRGY CONTROL 5623086 CITY DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT HOTLINES: 503-2200, 800-2770, 09178273410 CDRRMC HEAD VIC RIVERA: 09189112370 DSWD SAN PABLO: 5621575 PNP-SPC: 5626474 PNRC-RED CROSS: 5624025