Napagwagian ng San Pablo City Central School Drum and Lyre Team ang Kampeonato sa ginanap na 2011 La Laguna Festival Drum and Lyre Competition na pinagkalooban ni Gobernador Jeorge ER Ejercito Estregan ng P40,000.00-cash prize. Ang Halang Elementary School Drum and Lyre Corps (ng Calamba City) ang tinanghal na first runner-up upang makamit ang P30,000.00-cash prize; at second runner-up ang Cavinti Central School Drum and Lyre Band na pinagkalooban ngP20,000.00-cash prize. Ang lahat ng kalahok na hindi nagwagi ay pinagkalooban ng pampalubag-loob na P10,000 bawa’t banda. Kasama sa larawan sina Governor E.R. Ejercito Estregan, Atty. Leonardo Ragaza, at Pagsanjan Mayor Maita Ejercito bilang Unang Ginang ng Lalawigan ng Laguna. (PIO-Laguna/Vic A. Pambuan)
Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon. Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...
Comments
Post a Comment