Skip to main content

Posts

Showing posts from 2009

Sariling MRF, Magaang Maitatayo

     Sa pakikipanayam kay Los Baños Mayor Caesar Pabalate Perez kamakailan, kanyang nabanggit na kung talagang ang isang punong tagapagpaganap ay may inisyatibong makaalinsunod sa iniuutos ng Solid Waste Management Act of 2000 o ng Batas Republika Bilang 9003, ay madaling makakayanan ng isang Material Recovery Facilities (MRF),  upang masimulan ang makatotohanang implementasyon ng isang palatuntunang pangkalinisan ng kapaligiran.      Upang huwag sabihing siya ay nagbubuhat ng sariling bangko sa pamamagitan ng pagamit sa mga kagamitan ng Pangasiwaang Lokal ng Los Baños bilang modelo o huwaran, ay maaaring gamiting huwaran ang Material Recovery Facilities na itinatag ng pangasiwaan ng tatlong barangay na bumubuo ng Isla ng Boracay sa Malay, Aklanm na karaniwan na ngayong dinadalaw ng mga pinunong lokal na sumasailalim ng lakbay-aral o lumalahok sa mga  educational tour.      Bilang “focus mayor on envieronmen...

CHARO SANTOS-CONCIO LED IN GIFT GIVING IN CALAUAN

     CALAUAN, Laguna - Dec. 25 (PNA) -- ABS-CBN President  Maria Rosario “Charo”  Santos-Concio led a gift-giving and feeding project for poor families in Barangay Dayap, Calauan, Laguna on Christmas Day.      Concio said the project was conducted under the "Bayanijuan sa Calauan" as a culmination of the network's Christmas Campaign which was launched last November.      She was also accompanied by the network's top management headed by ABS-CBN chairman and chief executive officer Eugenio “Gabby” Lopez III as well as ABS-CBN Foundation Inc. (AFI) managing director Gina Lopez.      Concio said they fed more than 1,000 families who were mostly former residents of Estero de Paco and other areas along both sides of Pasig River . They were relocated to Calauan as part of the seven-year plan to clean up the Pasig River .      Some victims of the recent storms in ot...

74th AFP Founding Anniversary Celebration

The PNRC-Rizal Chapter was awarded with a plaque of recognition and appreciation during the 74 th AFP Founding Anniversary Celebration at the 2 nd Infantry “Jungle Fighter” Division Headquarters in Tanay, Rizal. The AFP Plaque signed by Lieutenant General Victor Ibrado, Chief of Staff of the Armed Forces of the Philippines (AFP),  was formally handed by Major General  Jorge Valbuena Segovia, Commander of 2ID, and was received by Ms. Geraldine C Repollo Chapter Administrator, and Mr. Elmer Espiritu of the PNRC Board of Governors, during the simple flag raising ceremony held last Thursday morning, December 24, 2009. ( Frank Sayson )

AGHAM manifests intent to run in 2010 election

     The Alyansa ng mga Grupong Haligi ng Agham at Teknolohiya para sa Mamamayan or  AGHAM has filed its manifestation of intent to run in the 2010 election under the party-list system.      AGHAM President, Mr. Angelo B. Palmones, led the group that filed the manifestation with the Commission on Elections (COMELEC).  With him were Mr. Anselmo G. Adriano, Vice President for National Capital Region,  Dr. Florentino O. Tesoro,  Treasurer, and Dr. Ruby Ephraim Rubiano,  Secretary-General.      Organized in 2005,   AGHAM    is  a non-stock, non-profit association of science professionals,  science journalists,  science advocates and enthusiasts registered with the Securities Exchange Commission (SEC).  It  aims to  (1) promote  science education and a culture  of science  among our people;  (2) advocate national policies and...

AGUEDA KAHABAN NG CALAUAN, HENERALA NG KATIPUNAN

     CALAUAN, Laguna – Ipinapapansin ni Gng. Felisa “Baby” Lim Berris, maybahay ni Mayor Buenafrido T. Berris,  na batay sa South Luzon Telephone Directory ng Philippine Long Distrance Telephone Company, ang isa sa kinilalang matapang na lider ng mga Katipunero sa pagtatapos ng Digmaang Pilipino at Castila na gumapi sa malaking puwersa ng mga Castila na may matatag na himpilan sa Sta. Cruz noong Agosto 31, 1898 ay si Henerala Agueda Kahaban ng bayang ito.      Sa pananaliksik ni Baby Berris, sinasabi ng kasaysayan, na bilang gumaganap na Pangalawang Pangulo ng Bansa at pangunahing lider ng himagsikan sa Timog Luzon, tinagubilinan ni Heneral Miguel Malvar sina Heneral Paciano Rizal ng Calamba, Henerala Agueda Kahaban ng Calauan, at Heneral Severino Taiño ng Pagsanjan na magsagawa ng puspusang pagbaka sa mga kalabang nakahimpil sa iba’t ibang municipio na sakop ng Laguna.      Sa simula, ang pangkat ni Henerala ...

SAN PABLO CITY POST OFFICE, GSIS eCARD CENTER NA.

     Nagpapaalaala si City Postmaster Gemma C. Medallon sa lahat ng mga retiradong kawani ng pamahalaan na tumatanggap ng buwanang pensyon mula sa Government Service Insurance System (GSIS) na ang San Pablo City Post Office ay itinalagang isang “ GSIS eCard Center” kaya ang mga pensyonado ay maluwag na dito na kunin (o I-cash) ang kanilang buwanang pensyon Kailangan lamang ay dalahin nila ang kanilang GSIS eCard, at saulado o memorized ang kanilang PIN, at magtungo sa San Pablo City Post Office na nasa dakong likuran ng Register of Deeds Building, katabi ng San Pablo City Library at City Veterinary Office. Ipagtanong lamang kung sino si Gng. Aloha O. Robillos, ang Postal Money Order Clerk na personal na tutulong sa mga  nagwi-withdraw ng kanilang pensyon, lalo na ng mga senior citizen.    Katunayan nito, ang eCard Center ay binuksan para sa mga nakatatandang persyonado o old-age pensioners. Gayon pa man, ang mga GSIS member na nasa aktibo...

BUSINESS PERMIT AND LICENSE, SIMULA SA ENERO 4

Pinaaalalahanan ang lahat ng mga negosyante o nangangasiwa ng mga bahay kalakalan sa Lunsod ng San Pablo, na ang pagtanggap ng aplikasyon para sa renewal of business permit and license na taunang hinihiling sa pamahalaang lokal  ay sisimulan sa unang araw ng Lunes ng susunod na taon, o sa Enero 4,  na tatagal hanggang Miyerkoles, Enero 20, 2010, sa One Stop Processing Center, sang-ayon kay Gng. Paz T. Dinglasan, hepe ng Business Permit and License Division ng Tanggapan ng Punonglunsod.      Para sa kaluwagan ng lahat, sa tagubilin ni Alkalde Vicente B. Amante, ang kanilang tanggapan ay bukas sa mga araw ng Sabado o sa Enero 9 at 16.      Ang mga pangunahing pangangailangang dapat ilakip sa application form na dapat bilihin sa City Treasurer’s Office ay community tax receipt (cedula) para sa Taong 2010, barangay business clearance, at Social Security System clearance.       Maaaring may iba pang pa...

GAWAD NG ALPHA PHI OMEGA FRATERNITY

Sa pamamagitan ni City Councilor Jose Paolo Cristobal C. Lopez, kasalukuyang pangalawang pangulo ng kapatiran sa Lunsod ng San Pablo, ay pinagkalooban ng Alpha Phi Omega Fraternity Alumni Association ng gawad ng pagkilala si Alkalde Vicente B. Amante noong Lunes ng umaga bilang pagpapahalaga sa naitutulong ng pangasiwaang lunsod sa ikapagtatamo ng mga layunin at tunguhin ng kanilang organisasyon para makapaglingkod sa pamayanan. Ang paggagawad ay sinaksihan nina Councilor Angelo L. Adriano, Arch. L. Manuel F. Barte, at Head Executive Assistant Mariuz F. Zabat.  ( CIO-San Pablo City )

MGA BUNDOK NG SAN CRISTOBAL AT BANAHAW

Ang pagkapagpatibay sa Batas Republika Bilang 9847, na lalong kilala sa katawagang “An An Establishing Mounts Banahaw and San Cristobal In The Provinces of Laguna and  Quezon  As A Protected Area Under The Category Of  Protected Landscape,” na nilagdaan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa isang palatuntunang ginanap sa Calamba City kamakailan,  upang ganap na mabigyan ng proteksyon ang kapaligiran ng dalawang bundok na kinikilalang pinakamalaking watershed na tumutustos ng inuming tubig sa malalaking bahaging dalawang lalawigan. Nakaupo sa harapan ng hapag sina Deputy Speaker Amelita Villarosa at Quezon Congressman Proceso Jaraza Alcala, ang principal author ng pinagtibay  na batas, na sinaksinah nina Environment Secretary Joselito Atienza, Laguna Governor Teresita S. Lazarom kasama sina Congressmen Ivy Arago, Timmy Chipeco, at Egay San Luis na pawang co-author ng batas. Sang-ayon sa mga lider ng Philippine National Historical Society, ang Republic Act No...

COMPREHENSIVE FIRE CODE OF THE PHILIPPINES, MAHIGPIT NA IPATUTUPAD

      Sa isang pagpupulong na ipinatawag ni Bureau of Fire Protection Chief, F/Insp. Cornelio Puhawan ng mga kinatawan ng City Treasurer’s Office, Land Tax Division, Business Permit and License Division, Building Official, City Health Office at City Information Office ay masusing ipinaliwanag ang mga Implementing Rules and Regulations (IRR) ng RA 9514 o “Fire Code of the Philippines of 2008”.      Ayon kay SFO2 Ronilo Mendoza maraming mga ginawang amendments sa nasabing fire code   partikular na sa collection of taxes/fees. Ang Bureau of Fire Protection (BFP) lang ang itinatalagang magpatupad ng fire code, subali’t kung kinakailangan ay maaari ring hingin ng tulong ang pulisya, LGU at iba pang law enforcement agencies sa mahigpit na pagpapatupad nito.      Bawat fire station sa buong bansa ay magkakaroon na ng sariling collection officer para sa mga kaukulang taxes/fees o fines. Ayon kay Insp. Puhawan ang pagpapatupa...

EDUKASYON ANG SANDATA NG KATAHIMIKAN – VIC AMANTE

Binigyang diin ni Mayor Vicente B. Amante na “Edukasyon ang Sandata ng Katahimikan” at sandigan sa ikapagkakaroon ng pamayanan maunlad at matatag na hinaharap. Ito umano ang nasa kaisipan ni Gat Andres Bonifacio, na dahil sa kahirapan ay hindi nakapagpatuloy na makatapos ng high school sa pamantayan ng edukasyon noon, subalit sinikap na matamo niya ang mga pangunahing kamalayan sa pangangasiwa o basic education on management and leadership   sa pamamagitan ng pagbabasa at pakikipanayam sa mga negosyante sa Maynila na nakatulong ng malaki upang mahubog ang sarili upang maging matalinong lider ng himagsikan. Ito ang naging buod ng pananalita ng punonglunsod na ipinagkaloob sa palatuntunan ng    paggunita ng ika-146 na kaarawan ni Gat Andres Bonifacio nuong nakaraang Lunes, Nobyembre 30, 2009 sa harapan ng kanyang bantayog sa may Sampaloc Lake .      Ayon a punonglunsod kapag ang mga mamamayan ay may sapat na edukasyon ang mga ito ay hindi magiging pa...

KANDIDATO NG BIGKIS PINOY

Taas-noong humaharap sa mga mamamayan ang tambalan nina Mayor Vicente B. Amante, reeleksyonista,  at Concejala Angelita “Angie” Lozada Erasmo-Yang, naghahangad na maging Bise Alkalde,  bilang tagapanguna sa tiket ng Bigkis Pinoy, ang kowalisyon sa Lunsod ng San Pablo ng mga kasapi ng LAKAS, PDSP, KAMPI, CMD, at Partido Liberal, na nagtataguyod ng higit na maunlad na palatuntunan sa paghahatid at pagkakaloob ng mga paglilingkod na pang-edukasyon, pangkalusugan, at panglipunan, na salig sa umiiral na  mapayapa at panatag na kapaligiran. Kuha ang larawan nang ang kanilang tiket ay samasamang maglahad ng certificate of candidacy sa Office of the City Election Officer noong ika-10:27 ng umaga ng Martes, Disyembre 1, 2009. Kanilang katiket sina Concejal Dante B. Amante, dating Concejal Edgardo D. Adajar, dating Concejal Arthur U. Bulayan, Rondel Diaz, Prof. Eduardo O. Dizon, Secretary to the Mayor Rodelo U. Laroza, Dr. Eman Loyola, Punong Barangay Wilson Maranan, Marcelino C. ...

VOTE FOR Efren Penaflorida - CNN Heroes

For the past 12 years, Peñaflorida and his team of teen volunteers have taught basic reading and writing to children living on the streets. Their main tool: A pushcart classroom. Stocked with books, pens, tables and chairs, his   Dynamic Teen Company  recreates a school setting in unconventional locations such as the cemetery and municipal trash dump. Peñaflorida knows firsthand the adversity faced by these children. Born into a poor family, he lived in a shanty near the city dump site. But he says he refused to allow his circumstances to define his future. "Instead of being discouraged, I promised myself that I would pursue education," he recalls. "I will strive hard; I will do my best." TO VOTE: JUST CLICK THE IMAGE ABOVE OR THIS LINK HELP OUR HERO, PLEASE FORWARD TO YOUR FRIENDS AND FAMILY!

SUNTUKANG PACQUIAO at COTTO

GAWAD TAMBULI NG DOST-REGION IV

Sa maraming gawad ng pagpapahalaga, at mga parangal na tinanggap na ni Hometown Journalist Ruben E. Taningco, kasama na ang pagiging isa sa sampong (10) indibidwal na tumanggap ng Gintong Gawad mula sa Surian ng Wikang Pambansa o Institute of National Language noong Agosto 19, 1987 ang kanilang ika-50 Anibersaryo ng Pagkakatatag, at napabilang rin siya sa pinarangalan bilang One of the Ten Most Outstanding San Pableño (for Journalism) nang gunitaan ng Lunsod ng San Pablo ang ika-50 Taon ng Karta nito noong Mayo 7, 1990. Siya ay napasama rin sa 50 San Pableño na pinagkalooban ng Gawad ng Pagpapahalaga ng San Pablo City Red Cross Chapter ng kanilang gunitain ang ika-50 Anibersaryo ng Pagkakatatag bilang isang nagsasariling balangay o Red Cross Chapter, ay lubos niyang minamahalaga ang Gawad Gintong Tambuli , na tinataguriang Lifetime Achievement Award, na ipinagkaloob sa kanya ni late Professor Hipolito B. Aycardo, na Regional Director noon ng Department of Science and Technology...

APAT NA KOLIHEYO SA LAGUNA NANGUNA SA PHILIPPINE STATISTICS QUIZ-PROVINCIAL ELIMINATION

Nais ipabatid ni Provincial Statistics Officer Magdalena T. Serqueña ng National Statistics Office (NSO)-Laguna na limang estudyante ng apat na kolehiyo ang nanguna sa tagisan ng talino sa estadistika sa Philippine Statistics Quiz- Provincial Elimination noong ika-23 ng Oktubre, 2009 sa Cultural Center, Provincial Capitol, Sta. Cruz, Laguna. Sila ay ipadadadala sa Lipa City sa ika-12 ng Nobyembre 2009 upang makipatunggali sa iba pang mga kalahok ng ibat-ibang lalawigan na nasasakop ng NSO-Region IV-A (CALABARZON). Ang unang mananalo sa Regional Elimination ay makakalahok naman sa national finals sa buwan ng Disyembre 2009. Buhat sa Laguna, mapalad na nagwagi ng unang karangalan si Driesch Lucien R. Cortel, estudyante ng University of the Philippines – Los Baños, Laguna na kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Statistics. Ginabayan siya ng kanyang coach na si Ms. Nellwyn M. Levita. Dalawang estudyante naman buhat sa Laguna College ang magkasunod na umani ng ikalawa at...

DENR-REGION IV-A, NASA CALAMBA CITY NA

Iniulat ni Engr. Olive G. Bejo, hepe ng Land Management Sector sa DENR Provincial Environment and Natural Resources Officer sa Los Baños na pinasinayaan na ang bagong opisina ng Department of Environment and Natural Resources-Region IV-A sa ilalim ng pangangasiwa ni Regional Executive Director Nilo B. Tamoria sa Calamba City noong nakaraang Martes, Oktubre 27, 2009 sa may kahabaan ng National Highway sa Barangay Halang, kalapit lamang ng Sub-Regional Office ng PAGIBIG, at hindi rin kalayuan sa Calamba-PhilHealth Service Center. Ito ay bilang pagsang-ayon sa kapasiyahang ang Calamba City ang kinikilala ngayong regional center para sa CALABARZON Area. Magugunita na simula ng ang mga tanggapan at ahensya sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources ay magkaroon ng integrasyon o napag-isa bilang nagkakaisang ahensya rehiyon, ang DENR Regional Office para sa Katimugang Tagalog ay nalipat sa isang gusali sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Maynila, at ang pagkapag...

10th National Skin Disease Detection and Prevention Week (SKINWEEK)

Nabatid mula kay City Health Officer Job D. Brion na kaugnay ng pagdiriwang ngayong Nobyembre 8 – 14, 2009 ng 10 th National Skin Disease Detection and Prevention Week (SKINWEEK), ilang kagawad ng Philippine Dermatological Society (PDS) ang magkakaloob ng pagsusuri sa mga may karamdaman o maysakit sa batat sa darating na Linggo, Nobyembre 8, 2009, simula sa ika-8:00 ng umaga hanggang ika-12:00 ng tanghaling tapat sa Main Office ng City Health Office sa Groundfloor ng 8-Storey Building sa kahabaang ng Mabini Street. Sang-ayon kay PDS President Georgina C. Pastorfide MD, sa taong ito ay itutuon ang pansin sa pagdiriwang ng SKINWEEK sa pagpapaalaala sa mga mamamayang Pilipino sa kahalagahan ng pagkakaroon ng tamang kamalayan sa sakit sa balat, at tuloy maipaunawa ang halaga ng maagang pagkabatid na ang isang tao ay may karamdaman sa balat, at ang mga pamamaraan upang ito ay maiwasan. Kaya dapat asahang habang hinihintay ang pagkakataong personal na masuri ng manggagamot sa balat o dermat...

LIBRENG TUBOS TITULO

Nagpakuha ng pang-alaalang larawan sina Register of Deeds Antonieta C. Lamar ng Lunsod ng San Pablo at PENRO-Land Management Sector Head Engr. Olive G. Bejo, kasama sina Senior Board Member Atty. Karen C. Agapay, Concejala Ellen T. Reyes, at City Administrator Loreto S. Amante matapos na maipamahagi ang may 300 Original Certificates of Title (Free Patent) sa mga propetaryong taga-lunsod kaugnay ng Palatuntunang Libreng Tubos ng Titulo na magkatuwang na itinaguyod ng Land Registration Authority at ng DENR-Land Management Services, sa tulong ng mga pinunong lokal, noong Martes ng hapon sa One Stop Processing Center.

RC CENTRAL, MAY PA-JOBS FAIR

Ang Rotary Club of San Pablo City Central sa pamamatnubay ni Club President Adoracion “Doctora Doray” B. Alava ay nag-aanyaya sa lahat ng mga naghahangad na magkaroon ng maayos na hanapbuhay na lumahok sa Jobs Fair na itataguyod ng kanilang klab sa pakikipag-ugnayan sa Department of Labor and Employment-Region IV-A at City Public Employment Services Office (PESO) sa darating na Biyernes, Nobyembre 20, 2009, simula sa ika-8:00 ng umaga hanggang ika-3:00 ng hapon sa PAMANA Hall ng Federation of Senior Citiezens Association sa City Hall Complex. Nagpapayo si Doctora Doray sa mga nagsisipaghanap ng trabaho na magsadya sa jobs fair na may kahandaan, tulad ng pagsusulat na ng kanilang curriculum vitae o personal data sheet, pagdadala ng mga kasulatang karaniwang inilalahad ng isang namamasukan sa gawain tulad ng birth certificate, NBI/Police Clearance, diploma o certificate of training, cedula, at larawan. Kung mayroon ay makabubuti na ring dalahin ang kanilang passport. I...

DAKILANG INA 2009 NG LUNSOD NG SAN PABLO

Kaugnay ng Pagdiriwang ng Linggo ng Pamilya sa magkatuwang na pagtataguyod ng City Social Welfare and Development Office at ng Family Advocates na may paksang “Si Nanay Matatag Sa Lahat Ng Bagay,” si Gng. Erlinda C. Austria ng Barangay San Lucas I ay nahirang na Dakilang Ina 2009 ng Lunsod ng San Pablo, at tumanggap ng cash reward na P7,000 na kaloob nina dating City Mayor Palermo A. Bañagale at Senior Board Member Atty. Karen C. Agapay, at Katibayan ng Pagpapahalaga na may lagda nina Alkalde Vicente B. Amante, OSWD Chief Grace D. Adap, at Stake President Fernando Fabros. Kasama niya sa larawan ang kanyang asawang si Fisherfolk Leader Antonio Austria na ama ng kanyang walong (8) anak na pawang propesyonal na.

IVY ARAGO, WALA SA SEREMONYA, PERO NAGPAPAABOT NA NG TULONG

Kapansinpansing hindi lumahok si Congrewoman Ma. Evita “Ivy” R. Arago sa seremonya ng pagbabasbas sa pinasinayaang San Pablo City General Hospital noong Lunes ng umaga, at hindi rin napansin ng marami, liban sa mga pinuno ng City Health Office, at mga kasangguning pangkalusugan ng pangasiwaang lunsod, na pagkatapos ng nabanggit na pagdiriwang, sina Alkalde Vicente B. Amante at Kongresista Ivy Arago ay nagkaroon ng pag-uusap upang matalakay ang mga tulong na nasa kapangyarihan ng mambabatas na maipagkaloob sa ikapagtatagumpay ng operasyon ng bagong pagamutan para sa kagalingan ng mga mamamayan ng Lunsod ng San Pablo at mga kanugnog na munisipyo.

San Pablo City General Hospital

Rev. Fr. Melchor Barcenas, accompanied by City’s First Lady, Mrs. Nercy Sahagun Amante (inset), blessed the newly constructed building designed to house the San Pablo City General Hospital last Monday morning. The new edifice signifies Mayor Vicente Amante’s genuine concern for the welfare of his constituents. ( Ruben E. Taningco )

AGENCIES UNDER DOST ARE ANTI-GRAFT CHAMPIONS

DOST named anti-graft champion. The Department of Science and Technology ranked 5th in the Presidential Anti-Graft Commission’s Top 10 Anti-Graft Champions for the first half of 2009. Other DOST agencies that made it to the list include the Science and Technology Information Institute (STII), Philippine Council for Agriculture, Forestry and Natural Resources Research and Development (PCARRD), Philippine Nuclear Research Institute (PNRI), DOST Region 3, and National Research Council of the Philippines (NRCP) (8th place); Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) (9th place); and Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) (10th place). Receiving the award for STII is its Officer-in-Charge Ma. Isabel Carag-Dario (left) who is concurrently Asst. Secretary of the Office of the Press Secretary, along with Tony Kwok, Hong Kong anti-corruption expert; PAGC Chair Constancia De Guzman, and PAGC Exec. Dir. Cristin Manalang, and Comm....

Lake swallows villages

SAN PABLO CITY —Dry land has disappeared in hundreds of villages swallowed by Laguna Lake, making these uninhabitable for more than 700,000 people in Laguna province. The floods came, and never left, with the water level in the lake rising by at least 10 feet (the height of an average house), according to a report from the Laguna Lake Development Authority. Hundreds of lakeshore villages in the towns of Mabitac, Pakil, Siniloan, Pangil, Paete, Kalayaan, Lumban, Sta. Cruz, Pila, Victoria, Calauan, Bay, Los Baños, Cabuyao, Biñan and San Pedro, and the cities of Calamba and Sta. Rosa virtually “disappeared” from the map. Some villages in the towns of Pagsanjan and Sta. Maria were also flooded. Floodwaters in these towns and cities were several feet deep. More than a week after the onslaught of Tropical Storm “Ondoy” (international codename: Ketsana), the flood has not subsided in these lakeshore villages. The social welfare officer of Laguna said in his Oct. 4 report to the Social Action ...

Four Months Remaining to File Filipino WWII Veterans Equity Compensation (FVEC) Claims

Filipino World War II (WWII) veterans have until February 16, 2010 to file their claims for the FVEC benefit that was included among the many provisions of the American Recovery and Reinvestment Act of 2009 passed by the U.S. Congress and signed into law February 17, 2009 by U.S. President Barack Obama. The American Recovery and Reinvestment Act of 2009 formally recognizes the service of qualified Filipino WWII veterans as active military service in the Armed Forces for purposes of this law. It authorizes a one-time lump-sum payment of US $15,000 to eligible Filipino WW II veterans with U.S. citizenship and US $9,000 to non-U.S. citizen veterans. This new benefit will result in the payment of approximately US $120 million to eligible Filipino WW II veterans. This additional payment will not change or affect other benefits an individual may be receiving. The United States Embassy, through its United States Department of Veterans Affairs Manila Regional Office (...

TRICYCLE DRIVER NA NAKAPULOT NG ATM, PASSBOOK AT TSEKE, BINIGYAN NG PARANGAL NI MAYOR VICENTE B. AMANTE AT CITY ADMIN LORETO AMANTE

Nasa larawan si Mayor Vicente B. Amante habang ibinibigay ang gawad papuri kay G. Renato P. Manalastas nuong Oktubre 5, 2009. Binigyan nina Mayor Vicente B. Amante at City Administrator Loreto S. Amante ng isang gawad papupuri si G. Renato P. Manalastas, Jr., isang tricycle driver ng Barangay San Gabriel sa pagsosoli ng mga ATM Card, Passbook at Tseke na kanyang napulot nuong Setyembre 29, 2009. Ayon kay Renato ito ay kanyang napulot mga bandang 10:00 a.m. sa may Malvar cor. A. Bonifacio St. Ang paggagawad ng sertipiko ay isinagawa nuong nakaraang Oct. 5 sa One Stop Processing Center . Ayon naman kay City Administrator Amante nagpunta sa kanyang tanggapan si G. Manalastas bandang 11:00 a.m. nuong Sept. 29 at isinoli ang mga napulot na ATM, Passbook na may P4,000 deposit at tseke na nagkakahalagang P30,000. Napag-alamang ang may-ari nito ay si Melanie Briones ng Baraanagay San Buenaventura . Kaya upang maibalik agad ang mga napulot ay nakipag-ugnayan agad ang City Admin...