“Alternative Learning System: Kabalikat sa pagbabagong buhay.” Ito ang naging paksa sa ginanap na ika-4 na palatuntunan ng pagtatapos sa San Pablo City District Jail noong nakaraang Lunes ng umaga, Marso 28, 2011, na, dinaluhan nina City Councilor Arnel C. Ticzon, Punong Barangay Rosilon C. Exconde, J/SInsp Neil Ramo, Laguna Assistant Provincial Administrator; J/SInsp Arvin T Abastillas, District Jail Warden; J/SInsp Adelaida A Taburada, District Jail Wardress; J/Insp Victor M Manalo, Deputy Warden; SJO4 Liza I Valentino , C,IWDO; Mrs. Beverle Belen, ALS Mobile Teacher; Mr. Catalino Q. Pornobi Jr. , ALS Coordinator; at iba pang miyembro ng DepEd-Division of San Pablo City; at Mr. Norjim Villanueva, na isa sa mga nauna ng nakatapos ng high school sa ilalim ng ALS o Accreditation and Equivalency Test Passer, bilang panauhing pandangal at pangunahing tagapagsalita..
Ang 13 sa 69 na nagsipagtapos ay nabigyan ng pagkakataong makapag-aral sa kolehiyo o nakasulit sa secondary level, at ang iba ay tumapos ng pagsasanay para maging mga reflexologist.
Naisakatuparan ang nasabing programa sa pagkakaisa at pagtutulungan ng Department of Education (Deped) sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS) at ng San Pablo City District Jail na bukas sa mga programa na makakatulong at makapagpapabago at makapagpapaunlad sa kaalaman at kasanayan ng mga taong pansamantalang natanggalan ng kalayaan.
Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang iba’t-ibang programa na ipinapatupad ni J/SInsp Arvin T Abastillas at J/SInsp. Adelaida A Taburada na makatutulong sa pagsisimula at pagbabagong buhay ng mga taong minsang naligaw ng landas. Kanila ring pinauunlad ang buhay-ispiritwal ng mga napipigil sa district jail sa tulong ng ilang religious group sa lunsod.. (BJMP-San Pablo District Jail Release).
Comments
Post a Comment