Sina Mayor Antonino A. Aurelio, Dr. Isidro L. Marcado, at CENRO Giovannie Gamo sa pagdalaw sa Tayak Hill. |
RIZAL, Laguna – Matapos ang naunang pakikipag-ugnayan sa mga provincial officer ng Department of Environment and Natural Resources ni Mayor Antonino A. Aurelio, ay personal na dinalaw nina Provincial Environment and Natural Resources Officer, Dr. Isidro L. Mercado, at Community Environment and Natural Resources Officer Giovannie Gamo ang Sityo Malisena rito upang maayos na mapag-aralan upang ang pangangalaga at pangangasiwa sa timberland na sakop nito ay maipagkatiwala sa pangasiwaang municipal, at nananto rin ang dalawang lider na sila ay tutulong para mabalangkas ang isang development plan para maging makatotohanan ang pagpapaunlad sa Tayak Hill Adventure Park na ang magiging sentro ay ang kapaligiran ng Landing Point na kinikilalang isang makasaysayang lugar para sa Katimugang Tagalog, kung isasaalang-alang ang naging bahagi ng nabanggit na airstrip sa kasaysayan ng pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Pag-alinsunod sa mga tadhana ng Local Government Code of 1991 o Batas Republika Bilang 7160, at alituntuning sinusunod ng National Economic and Development Authority (NEDA), ang mga ganitong paggawain ay kinakailangang bahagi ng napagtibay na Municipal Development Plan upang maayos na mapunduhan sa tulong ng pangasiwaang pambansa.
Sa pagdalaw nina Dr. Mercado sa Tayak Hill at Sityo Malisena, sila ay ginabayan nina Mayor Tony A. Aurelio, Vice Mayor Ferdinand O. Sumague, at iba pang municipal official na nasa kalalagayang makapagkaloob ng tamang impormasyon sa mga maaari ay itanong ng dalawang DENR official.
Napag-alaman mula kay Vice Mayor Ferdie Sumague na may kinatawan ding sumama sa “reconnaissance team” ang 202nd Infantry (Unifier) Brigade na naka-base sa Barangay Antipolo rito, dahil sa sila ay naghahandog ng tulong sa muling pagtatanim ng mga punong kahoy sa kapaligiran ng Proposed Adventure Park, gayon din ng pagkakaloob ng mga tulong na panglipunan sa mga residenteng apektado ng pagpapaunlad ng nbanggit na kapaligiran. (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment