SAN PABLO CITY – Kaugnay ng nalalapit na pagbubukas ng School Year 2011-2012, na magsisimula sa panahon ng patalaan ngayong buwan ng Abril, bagama’t ang himpilan ng pulisiya, sa tulong ng mga kabalikat na kusangloob na nakikipagtulungan sa pangangasiwa sa kapanatagan at katahimikan ng lunsod, ay may naihanda ng plano para mapangalagaan ang kagalingan ng mga kabataang mag-aaral, nagpapaalaala si Chief of Police Ferdinand de Gracia de Castro sa mga magulang, lalo na yaong ang anak ay pinapapag-aral sa mga pribadong institusyon, ay iwasang ang kanilang mga anak ay kakitaan ng karangyaan sa kanilang pagpasok.
Hindi dapat umano itong papagsuutin ng mga mamamahaling hikaw at kuwintas, na kung pinapapagdala ng cellphone ay dapat na ito ay nasa bag o nakatago, para huwag maging katuksotukso sa mga masasamangloob.
Dapat ding pinipili ang mga tricycle driver o jeepney driver na kinakausap upang ihatid at sunduin ang kanilang anak sa paaralan, ang dapat kilala nila ang pagkatao ng mga ito, sapagka’t kapanatagan ng kanilang anak ang dito ay nakasalalay. At kung maaari ay ipinakikilala ang mga ito sa guwardya ng paaralang pinapasukan ng kanilang mga anak.Ruben E. Taningco) (
Comments
Post a Comment