Pinahalagahan ni City Administrator Loreto S. Amante ang ginawang pagsisikap ng mga nawalan ng pagkakataon noong kanilang kabataan na makatapos ng kursong elementarya o sekondarya na nakalahok sa Ika-6 na Palatuntunan ng Pagtatapos Sa Accreditation and Equivalency Program sa Lunsod ng San Pablo sa ilalim ng Alternative Learning System ng Division of San Pablo City. Sa palatuntunan ng pagtatapos na ginanap sa Cultural Hall of the Church of Jesus Christ of Latter-Day Saints sa Barangay V-A, iniulat ni Dr. Miguela G. Marasigan, Division ALS Coordinator, na 97 mag-aaral ang nabigyan ng karapatang makapag-aral sa kolehiyo, at apat sa high school, matapos na sila ay makasulit sa isang pambansang pagsusulit na ipinagkaloob noong nakaraang Oktubre. (CIO/Jojo Batralo)
Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon. Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...
ngtake aq ng handicraft course sa als. hindi q na nakuha ang certificate ko di ko na macontact ung teacher in charge ngpabalik balik nalang ako
ReplyDelete