Upang higit pang maging epektibo ang paghahatid ng mga paglilingkod na pangkalusugan sa mga kanayunan ng Laguna, pinagtibay ni Gobernador Jeorge ER Ejercito Estregan ang pagkapagtatag ng Laguna Chest Center ng Gov. E.R.’s Medical and Dental Mission Team na pinamamatnugutan nina Dr. Ramon B. Carlos at Medical and Dental Mission Coordinator Aldrich San Juan. Ang binuong team ay may mobile laboratory upang madala ang makabagong pamamaraan ng pagsusuring pangkalusugan maging sa mga pinakaliblib na pamayanan ng lalawigan..(PIO-Laguna)
Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon. Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...
Comments
Post a Comment