Si Joseph Erwin Valerio (gitna), na kinikilalang si Joseph The Artist, ay isang polio victim na tubo at residente ng Biñan na nagwagi bilang “Ultimate Talentadong Pinoy 2011” sa Grand Battle of Champion na itinanghal ng TV5 na hosted ni Ryan Agoncillo na ginanap sa Antipolo City noong Marso 13, na ang tinanggap na gantimpala ay P1-Million-cash, isang brand new Chevrolet Cruze, isang college scholarship, at karapatang kumatawan sa Pilipinas sa 2011 World Championship of Performing Arts (WCOPA) sa Hollywood, California ay kinilala ng Pangasiwaang Panglalawigan ng Laguna sa inisyatibo ni Gobernador Jeorge “ER” Ejercito Estregan na ipinagmamalaking siya ay isang Talentadong Pinoy na isang Lagunense. Biktima ng naganap na sunog sa Biñan kamakailan, si Joseph ay pinagkalooban ni Gobernador ER ng halagang P100,000-cash, gaya ng makikita sa larawan, na sinaksihan ni Board Member Reynaldo dela Torre Paras. (Ruben E. Taningco)
Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon. Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...
Comments
Post a Comment