ALAMINOS, Laguna - Isang malaking tarpaulin ang ipinagawa ng tanggapan ni Gobernador Jeorge ER Ejercito Estregan ang nakaladlad ngayon sa bakuran ng Alaminos Central School dito na nagpapaabot ng pagbati sa mga nagpapakilos ng Alternative Learning System sa Alaminos School District dahil saw along (8) out-of-school youth na kanilang sinanay ang nakapasa saAccreditation and Equivalency Test na ipinagkaloob sa Bay Central School noong nakaraang Buwan ng Oktubre.
Ang nakapasa sa pagsusulit upang sila ay maging kuwalipikadong mag-aral sa high school ay sina Jaypee T. Atienza, Jesabel J. Burac, Edcel A. Destacamento, at Jovelyn M. Pedragoza. Samantala ang mga kuwalipikadong mag-aral sa kolehiyo ay sina Allen O. Frayres, Hazel Joy R. Ilao, Jomar D. Malinis, at Mark M. Plangca.
Sang-ayon kay Dr. Romulo Dicdican, District Supervisor, ang District ALS Coordinator ay si Gng. Marcela R. Alzona, samantalang ang mobile teacher ay si G. Jerrymie B. Solmerano. Si G. Neil G. Angeles ang Punong Guro ng Alaminos Central School na gumaganap na project consultant. (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment