Inaasahan ng Malakanyang na mapayapang matatapos ang hostage-taking na nagaganap sa Prosperidad, Agusan del Sur pagkaraang palayain ang 13 taon na batang lalaki Lunes. “Oo, inaasahan nating mapayapang magwawakas ang krisis na ito,” sabi ni Presidential Com-munications Development and Strategic Planning Office Secretary Ramon Carandang sa press briefing sa Malakanyang Martes . Idinugtong ni Carandang na ang pagpapalaya kay Marvin Corvera, 13 taon, ay palatandaang matatapos sa madaling panahon ang krisis na ito at maililigtas ng local crisis management committee ang mga binihag sa kamay ng mga dumukot sa kanila. Tiniyak ni Carandang sa madla na ang gobyerno sa pangunguna ng local crisis management committee ay patuloy na gumagawa ng lahat ng paraan para malutas ang hostage crisis. Ang kaligtasan ng mga bihag ang unang-unang inaalagata ng pamahalaan at idinugtong na mahinahon ang mga negosyador sa pakikitungo sa mga hostage-takers. Limang sandatahang lalaki umano na buhat sa tribung Manobo na nakatira sa kagubatan ang dumukot sa 15 guro at mga bata noong Sabado upang mapilit ang pamahalaan na palayain ang isang nakapiit na kamag-anak. Sa kabuuang bilang ng mga biktima, dalawa na ang pinawalan Linggo at isa naman Lunes ng gabi. |
Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon. Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...
Comments
Post a Comment