Skip to main content

Posts

Showing posts from September 30, 2007

KAUNAUNAHAN SA ISLA NG LUZON

ANG KALINISAN AY SUSI SA KAUNLARAN, KAYA’T KAPALIGIRAN AY ATING PANGALAGAAN - Nasa larawan ang mga pangunahing tauhan ng San Pablo City Solid Waste Management Office, sa pangunguna ni Engr. Ruel Dequito, kasama ang mga staffer na sina Danilo Biglete, Guillermo Atienza, Richard Biglete, Elvie Funtanilla, Maricel Carandang, Rochel Quinto, Ma. Richelle Abutan, Jennilyn Banaag at Cleoteldo Melo samantalang ipinakikita ang Certificate of Recognition na kaloob ng National Solid Waste Management Commission (NSWMC) na isang kawanihan sa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo na nagpapahayag na ang City Government of San Pablo ang kaunaunahang yunit ng pamahalaang local sa CALABARZON Area na nakapagpatayo at nagpapakilos ng isang Categorized Sanitary Landfill na may kaakibat pang Material Recovery Facility. (sandy belarmino/dyaryo sa telebisyon)

Amante receive the awards

Makikita sa larawan si City Administrator Loreto S. Amante samantalang tinatanggap ang Plaque of Recognition na iginawad ng Association of Local Social Welfare and Development Officers of the Philippines, Inc. kay San Pablo City Mayor Vicente B. Amante bilang Most Outstanding City Mayor of the Philippines in the Field of Social Welfare and Development mula kay DSWD Undersecretary Lualhati Pablo, na sinaksihan nina Laguna Senior Board Member Karen C. Agapay, Laguna Provincial Social Welfare and Development Officer and ALSWDOPI National President Ernesto M. Montecillo, Davao del Norte Governor. Rodolfo P. del Rosario at Davao City Administrator Atty. Wendel E. Avisado. Ginanap ang pagpaparangal sa Grand Men Seng Hotel sa Downtown ng Davao City noong Miyerkoles ng tanghali. (7LPC/ sandy belarmino)