Kaugnay ng pagdiriwang ng ika-68 anibersaryo ng pagkakatatag ng Lunsod ng San Pablo, si Dr. Jaime Aristotle Barte Alip ay napiling isa sa Mga Namumukod Tanging San Pableño o The Outstanding San Pableños , na pinarangalan ng pangasiwaang lunsod sa isang pagtitipon dito sa Coco Palace Hotel and Restaurant noong Martes ng gabi, kasama ng iba pang maipagmamalaking anak ng pamayanang kilala bilang Lunsod ng Pitong Lawa. Si Dr. Jaime Aristotle Barte Alip ang naglunsad noong 1986 ng isang microfinance project dito sa Lalawigan ng Laguna na tinatawag na Center for Agricultural and Rural Development (CARD) upang makapagkaloob ng walang panagot na pautang na umaabot sa P2,000 upang makatulong sa mga mahihirap na mamamayan na matulungan ang kanilang sarili. Ngayon, ang CARD Mutually Reinforcing Institutions (Group of Companies ) ay may 500,000+ na kliyente o natutulungan na ang nakararami ay kababaihan na matatagpuan sa lahat ng sulok ng bansa, at sila ay umaasa na bago sumap