Skip to main content

Posts

Showing posts from February 17, 2008

Greetings to Ms. Aningalan

PROUD ALUMNA OF SAN PABLO COLLEGES - Aleli Jean Sandoval Aningalan, a Year 2007 graduate of nursing course at San Pablo Colleges successfully passed the Licensure Examination given by the Board of Nursing of the Professional Regulation Commission (PRC) last December 2007. Aleli is the youngest among five children of Mr. and Mrs. Numeriano Aningalan of Barangay Santa Elena, San Pablo City. As announced and published in various broadsheet newspaper, she is among the 28,924 out of 67,728 examinees who passed the licensure examination. (7 Lakes Press Corps)

Greetings to Dr. Colago

NEW SAN PABLO DOCTOR - Jose Jonelle Gapit Colago, eldest son of City Councilor and Mrs. Leopoldo M. Colago, who graduated magna cum laude in a course in Biology at the University of the Philippines at Los Baños, and completed his studies in medicine and surgery at the UP College of Medicine and Philippine General Hospital and Medical Center, successfully passed the Licensure Examination given by the Board of Examiners for Medicine of the Professional Regulation Commission recently. (7 Lake Press Corps)

WATER DISTRICT, NAGBABAYAD NG BUWIS SA MEJORAS

SAN PABLO CITY – Taliwas sa inaakala ng marami, ang San Pablo City Water District (SPCWD) ay nagbabayad ng real estate taxes o buwis sa mejoras, sapagka’t ito ang itinatagubilin ng Local Government Code of 1991, na sinasang-ayunan ng Opinion No. 175, Series of 2006 ng Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) ng Department of Justice na pinalabas noong Agosto 16, 2006 sang-ayon kay City Assessor Celerino Barcenas. Gayon pa man, nilinaw ni Barcenas na ang ipinagbabayad lamang ay ang lote at gusali, at exempted na ipagbayad ng buwis para sa mga makinarya at iba pang kagamitang kinakailangan sa maayos na operasyon ng water district. (Ben Taningco)

IKA-50 ANIBERSARYO NG KAGAWARAN NG SIYENSYA

Ang Kagawaran ng Siyensya at Teknolohiya or Department of Science and Technology (DOST) na natatag noong Hunyo 13, 1958 upang maging tagapag-ugnay ng lahat ng mga gawain sa larangan ng siyensya at teknolohiya sa bansa, bilang pagtugon sa pangangailangan para matamo ang pambansang kaunlaran, at mabalangkas ang mga layunin, palatuntunan, at gawain na gagabay sa pag-uunauna ng mga dapat ipatupad para sa kagalingang pambansa. Nang si Science Secretary Estrella F. Alabastro ay maging panauhing tagapagsalita sa pagdiriwang ng ika-20 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Philippine Council for Aquatic and Marine Research and Development (PCAMRD), kanyang nabanggit ang nakatakdang paggunita sa Ika-50 Taon ng Pagkakatatag ng kagawaran ay tatampukan ng iba’t ibang palatuntunan, tulad ng pagkakaloob ng gawad sa 50 namumukod o naging matagumpay sa paggamit ng mga kamalayan at kasanayang salig sa siyensya at teknolohiya; at pagkilala sa mga naging kalihim ng kagawaran na namayapa na. Ang