August 26, 2008

JOBS FAIR SA SETYEMBRE 6

SAN PABLO CITY - Nag-aanyaya si Congresswoman Ma. Evita R. Arago sa lahat ng naghahangad ng gawain na daluhan ang Jobs Fair na itataguyod ng kanyang tanggapan sa darating na Sabado, Setyembre 6, 2008 sa Siesta Residencia de Arago sa Green Valley Subdivision sa Barangay San Francisco, na tatagal simula sa ika-8:00 ng umaga hanggang ika-3:00 ng hapon.

Ang mga lalahok sa jobs fairs ay pinapayuhang magdala na ng nakahandang gabay sa pagtugon sa mga maaari ay maging katanungan sa pupunuang application form o sa panahon ng interview, at magdala na rin ng kopya ng kanilang larawan, birth certicate, diploma, at kung mayroon ay ang kanilang passport.

Para sa karagdagang impormasyon ay maaaring tumawag sa tanggapan ng congresswoman sa telepono bilang (049) 801.3901. (Ben Taningco)



Sign Up Now!!!!

Sign up for PayPal and start accepting credit card payments instantly.

Disqus for Balitang San Pablo : Online