Skip to main content

Posts

Showing posts from June 8, 2008

JAYCEE AMBEN AMANTE ATTENDED JCI ASIA PACIFIC CONFERENCE

After attending the Asia Pacific Conference of the Junior Chamber International (JCI) held in the coastal City of Busan in South Korea last May 28 to June 1, JCI Member Loreto “Amben” S. Amante, when the host chapter learned that he is a city administrator, was given the opportunity to visit the Industrial City of Gumi in the Province of North Gyeongsang, between Seoul which is on the Northwestern part of South Korea, and Busan on the Southeastern side of the peninsula, where he meet some of the city officials led by the city vice mayor.He also toured some sections of Seoul. The 2008 Asia Pacific Conference was attended by some 8,000 delegates representing 25 countires, to include some observers from several European and African countries. It was presided by JCI Executive Vice President Lon Tomlin of JCI United States of America,, with JCI President Graham Hanlon of JCI Ireland as guest speaker. The 80-member JCI Philippines Delegation was personally led by National President Raphael “

BUKAS ESKWELAHAN 2008, NAGING MAAYOS

Iniulat ni City Administrator Loreto S. Amante noong Martes ng tanghali na naging maayos ang pagsisimula ng pasukan sa mga paaralan sa lunsod naito, at naging matagumpay ang implementasyon ng OPLAN Balik Eskwela na magkatuwang na pinangasiwaan nina Chief of Police Joel C. Pernito at PSAF Chief Roberto P. Cuasay, na kikilos na may pakikipag-ugnayan sa Tanggapan ni City Schools Superintendent Ester C. Lozada. Sa tagubilin ni Mayor Vicente B. Amante, iniulat din ni Amben Amante na ang OPLAN Balik Eskwela ay nagsagawa ng mga dry run simula pa noong nakaraang Mayo 26 upang ang mga tauhang itinalaga sa pagpapatupad ng plano ay maging pamilyar at magkaroon ng sapat na oryentasyon sa mga inaakalang suliraning maaaring lumitaw sa mga araw na nagsisimula na ang pasukan sa mga eskuwelahan sa kalunsuran, at maging sa mga kanayunan. Tiniyak ni City Administrator Amben Amante na sa lahat ng antas ng mga paaralan ay napaghandaan na, maging ang suliranin sa kakailangani

SA MGA MAY INTERES NA MANIRAHAN SA AUSTRALIA, CANADA AT ENGLATERA

Sa malasakit ni Alkalde Vicente B. Amante, si City Administrator Loreto :Amben” S. Amante sa tulong ng Princeton Migration Services ay magtataguyod ng “Information Seminar on How to Live, Work and Study in Australia, Canada, and United Kingdom,” sa darating na Hunyo 27, 2008, araw ng Biyernes, sa Girl Scout of the Philippines (GSP) Headquarters sa may Doña Leonila Park simula sa ganap na ika-9:00 ng umaga hanggang ika-11:00 ng tanghali. Ayon kay City Administrator Amben Amante, kung ang isang tao ay nalalaman niya sa kanyang sarili na siya ay may sapat na katangian bilang indibidwal, kamalayan, at karanasan, ay huwag na lamang basta mangarap, sapagka’t kung sila ay makakapagtamo ng tamang impormasyon at pagpapayo, ay malaki ang kanilang pagkakataon na makapanirahan, para makapag-aral o makapaghanap buhay sa Australia, Canada, at Gran Britanya, at may katiyakang lehitimo ang lahat ng isinasagawa nilang pakikipag-ugnayan sa mga nagbabalak na manirahan sa labas ng Pilipinas. Ipinauunawa n