Skip to main content

Posts

Showing posts from May 16, 2010

PLATINUM SAN PABLEÑO 2010

Ang ika-70 anibersaryo ng ano mang pangyayari, lalo na kung ito ay may kaugnayan sa kasaysayan ng isang institusyon, ay tinatawag na platinum anniversary, na ang pangregalong inihahanda para sa okasyon ay kalakarang gawa mula sa nabanggit na precious metal, na higit na mataas ang halaga kaysa ginto, kaya ang mga ginawaran ng parangal bilang “Namumukod Na San Pableño sa Taong 2010” nang gunitain ng Lunsod ng San Pablo ang 70 th Foundation Day noong nakaraang Mayo 7, 2010, tulad nina Court of Appeal Justice Danton Q. Bueser na kinilala sa larangan ng matapat at patuluyang paglilingkod sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan, at Provincial Schools Division Superintendent Ester C. Lozada na kinilala sa larangan ng pagpapaunlad sa sistema ng edukasyon, ay tinawag ni City Administrator Loreto S. Amante na mga “Platinum San Pableño.” ( Ruben E. Taningco )

STII @ Herald Enterprises

Upang ganap na maiangkop ng Science and Technology Information Institute (STII), isa mga service institute sa ilalim ng Department of Science and Technology,   ang mga balita at artikulong kanilang inihahanda sa pangangailangan ng mga end-user o ng mga provincial newsweeklies na gumagamit nito,   si Chief Aristotle Carandang (ikalawa mula sa kanan) ng Communication Resources and Production Division, kasama sina Science Writer Framelia V. Anonas at Photographer Henry de Laon ay gumagawa ng mga aktwal na pagdalaw sa mga   palimbagan ng pahayagan sa labas ng Kalakhang Maynila   Kuha ang larawan sa planta ng Herald Enterprises sa Barangay San Gregorio, Launsod ng San Pablo, samantalang ipinaliliwanag ni Production Manager Vladimir Asprec (una sa kaliwa) ang mga pamamaraan kung papaano nililimbag ang mga pahayagan at magasin sa pamamagitan ng traditional na offset printing machine. ( Ruben E. Taningco )   

PANUNUNGKULAN NG MGA PINUNONG HALAL

Nagpapaalaala si City Administrator Loreto S. Amante na ang mga pinunong lunsod na nahalal noong nakaraang Lunes, Mayo 10, ay magsisimulang manungkulan simula sa tanghaling tapat ng araw ng Miyerkoles, Hunyo 30, 2010, na tatagal hanggang Hunyo 30, 2013. Ito ay naaayon sa tadhana ng mga umiiral sa batas sa bansa.      Samantala sa mga nagsisipagtanong, nabanggit ni Amben Amante na ang susunod na halalang panglokal, ay nakatakdang ganapin sa darating na Mayo 13, 2013, kung kailan ang mga ihahalal ay 12 Senador, kongresista, gobernador, bise gobernador, mga bokal o kagawad ng Sangguniang Panglalawigan, alkalde, bise alkalde, at mga kagawad ng Sangguniang Bayan/Panglunsod.      Nagpapaalaala rin si City Administrator sa lahat na kung may nadaramang karamdaman, ay huwag mag-atubiling magsadya sa San Pablo City General Hospital kung saan sila ay handang paglingkuran ng mga nakatalaga roon mga manggagamot at iba pang tauhan sa pangangasiwa ng mga suliraning pangkalusugan.      Nasa bakuran di

HALALANG PAMBARANGAY SA OKTUBRE 25, MATULOY KAYA?

SAN PABLO CITY -  Kung hindi mapagtitibay ang proposed amendment ng Republic Act No. 9164 na inilahad sa Senado ni Senador Juan Miguel Fernandez Zubiri  na nagtatakda ng pagsasagawa ng Synchronized Barangay and Sangguniang Kabataan  Elections sa darating na Oktubre 25, 2010, ay dapat asahang tuloy-tuloy na ang mga halalang ito, na ang panunungkulan ng mga mahahalal ay magsisimula sa Nobyembre 30, 2010.      Iminumungkahi ni Senador Zubiri na magkaroon ng extension ang panunungkulan ng mga nakaupong mga pinunong barangay sa pamamagitan pagtatakda na ang halalan ay ganapin sa Oktubre 22, 2012, na ang panunungkulan ay magsisimula sa Nobyembre 30, 2012.      Ipinapapansin ni Mig Zubiri na ang tangi niyang layunin sa pagbabalak na maipagpaliban ang halalang pambarangay sa taong “ay ang kagalingan ng mga mamamayan”,  sapagka’t siya ay naniniwala na ang tatlong taong panunungkulan ng mga opisyal ng barangay ay lubhang maikli para mabalangkas at maipatupad ang mga palatuntunang inaakalang nil

U.S. Embassy Announces New Green, User-Friendly Visa Application Process New Electronic Form Required as of May 24, 2010

In order to provide better service to customers and to be mindful of our environment, the U.S. Embassy will, beginning on May 24, 2010, ask all non-immigrant visa (NIV) applicants to please submit their visa applications via an electronic, online form, known as the DS-160.  The new on-line application form replaces three paper forms, so it should be easier and faster for clients to complete their applications.                The new form has two key changes.  The DS-160 form is submitted electronically, through the internet, replacing paper forms.  Also, the on-line form requires applicants to upload a digital photograph from the computers they use to complete the application.              The new form is a greener, user-friendly application . Applicants may save the data in the form in order to complete an application later, and saved data may be reused for future applications.  The form reduces use of paper, making it a greener method to apply for a U.S. visa.             The rest