Sa pakikipanayam kay Los Baños Mayor Caesar Pabalate Perez kamakailan, kanyang nabanggit na kung talagang ang isang punong tagapagpaganap ay may inisyatibong makaalinsunod sa iniuutos ng Solid Waste Management Act of 2000 o ng Batas Republika Bilang 9003, ay madaling makakayanan ng isang Material Recovery Facilities (MRF), upang masimulan ang makatotohanang implementasyon ng isang palatuntunang pangkalinisan ng kapaligiran. Upang huwag sabihing siya ay nagbubuhat ng sariling bangko sa pamamagitan ng pagamit sa mga kagamitan ng Pangasiwaang Lokal ng Los Baños bilang modelo o huwaran, ay maaaring gamiting huwaran ang Material Recovery Facilities na itinatag ng pangasiwaan ng tatlong barangay na bumubuo ng Isla ng Boracay sa Malay, Aklanm na karaniwan na ngayong dinadalaw ng mga pinunong lokal na sumasailalim ng lakbay-aral o lumalahok sa mga educational tour. Bilang “focus mayor on envieronmental sanitation” ng League of Municipal Mayors of the Philippines , ay