Sa isang pagpupulong na ipinatawag ni Bureau of Fire Protection Chief, F/Insp. Cornelio Puhawan ng mga kinatawan ng City Treasurer’s Office, Land Tax Division, Business Permit and License Division, Building Official, City Health Office at City Information Office ay masusing ipinaliwanag ang mga Implementing Rules and Regulations (IRR) ng RA 9514 o “Fire Code of the Philippines of 2008”. Ayon kay SFO2 Ronilo Mendoza maraming mga ginawang amendments sa nasabing fire code partikular na sa collection of taxes/fees. Ang Bureau of Fire Protection (BFP) lang ang itinatalagang magpatupad ng fire code, subali’t kung kinakailangan ay maaari ring hingin ng tulong ang pulisya, LGU at iba pang law enforcement agencies sa mahigpit na pagpapatupad nito. Bawat fire station sa buong bansa ay magkakaroon na ng sariling collection officer para sa mga kaukulang taxes/fees o fines. Ayon kay Insp. Puhawan ang pagpapatupad ng mga bagong batas ay magsisimula sa January 1, 2010.